Chapter 10:The best

107 8 1
                                    

Best

Triana Godelaine Montreal Narvaez

Agad ko siyang tinulak palayo at pinagpagan ang sarili ko. Nakangisi lang siya sa akin. Bago pa siya mag salita ay dali dali na akong tumakbo paakyat sa itaas.

Naabutan ko sina Irish na patakbo pababa pero pinagtutulak ko sila papasok sa room. "Bakit ko kasi siya pinatulan?!" Inis kong tanong sa sarili ko.

Tumatawa na lumapit sa akin si Aldrin. "Galing pare ah. Walang pinag bago o mas lumala ka pa ngayon." Tawa niya. Inirapan ko naman siya saka kinuha yung bag ko.

Pag tunog ng bell ay dali dali kaming naglakad papalabas ng room. Sa huling pag kakataon tinignan ko si Austin na nakatingin lang sa akin. Imbis na mag salita ay nag iwas na lamang ako ng tingin. Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong ipakita ko sa kanya.

Sinarado ng driver ang pintuan  sa backseat. "Bye guys!" Sigaw ni Cindy habang kumakaway sa amin. Hindi ko na lang siya pinansin. Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit parang may kakaiba sa dibdib ko ang hindi maipaliwanag. Wala naman akong pakialam sa kanilang dalawa ni Austin. Gusto niya pa ay isaksak niya sa baga niya.

*********

Pagkatapos naming bumili ay nag tungo kami sa bahay. Wala naman doon sina Mama o kaya si Papa. Pera ko ang ginastos sa lahat ng susuotin namin. Ang kay Cindy black crop top at black cargo pants. Habang kay Irish naman ay black sando at high waist black cargo pants. Ang akin ay crop top na may crisscross sa likod at buckle hollow out black cargo pants. Sa lalaki ay walang pinagkaiba, pare parehas silang naka cargo din na kulay itim at sweatshirt na white.

"Ang shoes natin, guys...I'm sure mayroong naman kayong white shoes diba?" Tanong ko. Kasi noong gumala kami ay pare parehas kami ng suot na sapatos. Ewan ko na lang dito kay Cindy pero mayaman naman iyon malamang bibilhan iyon ni Mama.

*********

Hindi lahat ng students ay sasayaw. Nasa 25 pataas ang lahat ng sasayaw at nasa pang lima kami na sasayaw. Sinimulan naming mag practice sa huling pag kakataon bago kami mag ligo at mag bihis.

Pagdating namin sa school ay doon na kami nag bihis. Abot langit ang kaba ko dahil andoon mamaya si Nathalia at si Papa. Malamang andoon din si Kuya Aizan o si Laia. Parang gusto kong umatras. Natatakot ako sa totoo lang....

Nang maisuot na namin ang mga costume namin ay todo ang tingin ng mga classmate namin. Halos mabali ang leeg nilang lahat kakatingin sa amin. Pare parehas kaming tatlo na naka dark make up. Habang ang tatlong lalaki naman ay naka pang lalaking make up. Napangiti ako. Ang gwapo nga naman nila. Ang buhok nila ay naka spray pero messy ito kaya mas bumagay sa kanila. Kaming tatlo naman namin ay naka half ponytail.

"Grabe ang ganda mo." Nakangiting sabi sa akin ni Irish. Tinignan ko siya. Mas lalong nakita ang ganda niya sa make up.

"Ikaw din." Tugon ko sabay ayos ng buhok niya. Tinignan ko si Cindy na ngayon ay nakangiting nakatingin kay Austin na abala sa pag susuot ng kaniyang puting sapatos. Simula noong dinala siya ni Cindy sa mansion nila ay hindi ko muna kinausap si Austin. Sa tuwing lalapit siya ay lumalayo ako. Nag kukunwaring abala sa isang bagay kahit hindi naman. Dammit! I don't know why I feel this way.

Naupo ako sa tabi ni Luis na ngayon ay nakangit sa akin. "Wag kang matakot kung sakaling andoon mamaya ang mga Narvaez. Isipin mo wala sila doon." Nakangiting sabi niya pero mahina lamang iyon.

"A-alam ko iyon." Humarap ako sa kaniya at sandaling ngumiti.

Pinasadahan namin ng tingin ang ibang sasayaw. Halos lahat ay nakasuot sa kanila ng same shirt. Kami lang ata ang mukhang kpop sa suot namin. Habang nasa backstage kami ay nag pakuha kami ng picture sa isang student na sama sama kaming anim. Ako ang nasa gitna. Habang si Irish at Cindy ang nasa gilid ko. Ang katabi naman ni Cindy ay si Austin at Luis. Habang si Irish at Aldrin.

"Ladies and gentelmen our special guests, Don Tiago Narvaez. Señora Nathalia Narvaez. Señorita Laia and Señorito Aiazan." Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Gusto ko na lang na umatras pero hindi pwede. Paniguradong mag tataka sina Irish pag ginawa ko iyon. "And from hacienda Montreal Señora Trisha and Señor Lenard."

Napapikit na lang ako. Pero hindi ako susuko. I looked at Luis, he smiled at me. Batid ko ang pag aalala sa mukha niya pero alam ko ang gusto niyang iparating. Gusto niyang galingan at wag akong matakot. I smiled at him, too. "Yung mama mo." Sabi ni Austin kay Cindy. Tumango si Cindy na tuwang tuwa.

"Sinabi niya talaga na pupunta siya dito. She was so supportive of me."  Ngiting ngiti niyang sabi. Parang may tumusok sa puso ko nang marinig ko iyon. Sana ganon din siya sa akin, pero hindi.

Magagaling ang lahat ng mga sumayaw na. At nang kami na ang  tawagin ay naunang lumabas sina Luis, Austin, at Aldrin. Sila ang unang sasayaw. Sumunod kami ni Irish dalawa. Nakakabinging sigawan ang sumasalubong sa amin. Sinayaw naming dalawa ang Fake love ng BTS at sina Austin ay The Eve ng EXO. Nang lima na kami sumayaw halos mabingi ako. Ang kilabot ay hindi mawala isa sistema ko.

Sina Austin at Cindy ang sumunod ay halos puro puri ang narinig ko na bagay silang dalawa. Damang dama nila ang kantang Perfect ni Ed Sheeran. Napatingin ako kay Papa na ngayon ay naka tingin sa akin. Nang tumabi sa gilid sina Austin ay hindi nawala ang ingay dahil sumunod sina Irish, Luis, at Aldrin. Hip hop na remix ang sayaw nila kaya tuwang tuwa ang mga nanonood.

Nang takpan nila ako ay tumalikod ako at nag simulang paamuhin ang mga mata nila sa pagitan ng pag sayaw ko. Hindi ko alam pero biniyayaan yata ako ng galing tulad ng isang professional dancer. Nag mukha ako kpop dito. Hindi ako nakangiti dito dahil ang sayaw ko ay mabilis. Sa halip ay naka fierce lang ako at dinadama ang bawat galaw. Nang sa huli kong sabay ay lumupat ito sa Havana. Mabagal at may roong pitik. Hanggang sa mabilis at nakakaindak na.

Sa pinakahuli ay sabay sabay kaming sumayaw. Halos mawalan ako ng lakas. Mas mahirap pala ito. Mas masaya palang ubusin ang lakas ko sa may mapapala.

"Woah! Ang galing ninyo!" Sabi sa amin ng emcee. "Pakilala naman kayo." Nakangiting saad niya.

"Hi, good morning I'm Irish."

"Hi, I'm Cindy."

"Good morning to all I'm Godelaine."

"Good morning, I'm Austin."

"Hi, I'm Luis."

"Hello, schoolmates I'm Aldrin."

Hingal na hingal na bati namin. Na tingin ako sa dagat ng mga tao. Nakita ko ang pagka mangha sa mga mata ni Mama. Si Laia ay masama ang tingin sa akin. As usal ganon din ang Mama niya. Si Kuya Aizan ay nag chi-cheer pa sa amin.

"Sino yung sumayaw kanina ng solo?" Nakangiting tanong noong emcee na babae. Dahan dahan kong inangat ang kamay ko. "Ang galing mo naman. Para kang si Lisa." Puri niya. Nag pasalamat ako at ngumiti. "Kayo naman ang sweet ninyong dalawa." Puri niya kay Austin at Cindy. Namula naman mukha ni Cindy. "Yung totoo sinong gusto mo sa tatlong babaeng ito?" Tanong kay Austin ng emcee.

Napakamot sa ulo si Austin at pinahid ang pawis niya sa noo sabay tingin sa akin. Nag tilian ang mga tao dahil sa ginawang pag tingin sa akin ni Austin.

"Si Godelaine ang gusto niya!" Sigaw nila.

Napa tili naman ang emcee. "Anong gusto mong sabihin kay Godelaine ngayon?" Gusto ko sanang bumaba na lang at tumakbo palayo sa stage dahil sa kahihiyan. Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Cindy. Habang si Irish naman ay todo ngiti.

"You're the best, God." Nakangiting sabi ni Austin. Tumango naman ako. Ano ba dapat ang ipakita kong reaksyon sa kanya? Nag sigawan silang lahat dahil sa sinabi ni Austin.

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now