Chapter 40:Basag

89 5 0
                                    

Basag

Triana Godelaine Montreal Narvaez

"Balik na tayo sa hotel." Malamig niyang sambit. Napatayo ako at dinampot ang mga kinakain namin. Nauna siya sa kotse habang may kausap pa din.

Napapikit ako ng mariin! Hindi ko pa kasi tapos ang sasabihin ko! Hindi ako nakapag salita. Sinulyapan ko siya. Nakakunot ang noo niya at tila mainit ang ulo.

Tahimik kaming nakarating sa hotel. Hindi siya nagsalita. Saan ba banda nag-iba ang mood niya? Sa mga sinabi ko? O doon sa tumawag sa kanya?

"Matulog ka na. I'm just going to somewhere, I'll be right back." He said in a cold tone. Bago siya umalis ay nilingon niya akong nakatingin sa kanya. Is he mad?

Hindi na ako nakapagsalita nang talikuran niya ako. Fuck! Marahan akong naupo sa kama. Nakatitig lamang ako sa kuko kong nakadiin sa phone ko.

Bakit parang natameme ako? Hindi ko pa tapos sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya eh! Nag vibrate ang cellphone ko kaya napatingin ako sa dito.

Austin:

Matulog ka na...

Bumagsak ang tingin ko sa high heels kong magkadikit.

Kinabukasan pag gising ko ay wala siya sa tabi ko. May nakahandang pagkain sa coffee table. Dalawang slice cake at gatas. Parang may kung anong bumagsak ang loob ko. Where is he? Mamaya na kami uuwing hapon.

Napatingin ako sa lalagyan ng sapatos. Tanging ang tsinelas niya lang ang nandoon. Wala ang sapatos na ginamit niya kagabi. Masama talaga ang loob niya sa akin!

Kinuha ko ang cellphone ko at nang tawagan ko siya ay hindi niya ito sinasagot. Kumalabog ang puso ko.

Nang sagutin niya ito ay halos hindi ako makahinga. "Hello?" Namilog ang mga mata ko. "Si Austin ba ang hanap mo? Tulog pa siya."

"O-okay. May ginagawa ba siya kagabi?" Tanong ko na halos manginig ang buong katawan.

"No..actually mag kasama kaming dalawa buong gabi." Biglang lumambing ang tono ng boses niya. Agad kong pinatay ang cellphone ko. Napatakip ako sa bibig dahil sa nalaman ko!

Umalis siya dahil sabi niya may pupuntahan siya! Alam kong importante iyon kaya hindi na ako nagtanong!

Nanginginig akong tumayo at pumasok sa loob ng banyo. Habang naliligo ako ay sunod sunod na tumulo ang luha ko! Damn! Damn you, man!

Nagalit ka sa sinabi ko sayo kahit hindi pa ako tapos. Ngayon nag hanap ka ng ibang babae kasi hindi ka nakontento sa sinabi ko. Sasagutin na kita pero hindi mo ako pinatapos!

**********

Dala-dala ko luggage ko papunta sa loob ng panibagong hotel. Kailangan kong iwan dito ang mga gamit ko. Babalik din ako agad dahil mamaya na ang flight papunta sa Cebu! Kung ayaw niyang sumama edi wag!

Tinignan ko ng mabuti ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ngayon ng puting polo na pinatungan ng red coat. Ang suot kong fitted pants ay kulay pula din. Para akong girl version ng mga lalaki tulad ng mga businessman o di kaya ay sa opisina. Inayos kong mabuti ang black necktie ko.

Ang buhok ko ay naka high ponytail. Nilagyan ko ng smokey eye shadow ang mata ko. Sinuot ko ang black stilletos heels ko.

Pagtapat ko sa harapan ng De Guzman building ay nagyukuan ang mga employees. I will no longer wonder why they do that. Because I know for myself that the world knows me now.

May sumalubong sa aking isang babaeng singkit ang mga mata. Naka bun ang buhok at naka office attire. "Good morning, Señorita Godelaine Narvaez. What can I do for you?" Tanong niya sa akin.

Into you (Señorita Series No.02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon