Chapter 24:Letters

90 6 1
                                    

Letters

Thrid Person Poin Of View

"Good job, God!" Sigaw ni Aizan sa bunsong kapatid na si Godelaine matapos nitong patamaan ng palaso ang sunod sunod ang board.

Tumango si Godelaine at hinubad ang kanyang suot na sumbrero. Naglakad ito patungong cottage kung saan naroon sina Don Pablo, Irish, Luis, at Aldrin. Walang reaksyon ang mukha ni Godelaine nang tumingin kay Aizan na ngayon ay siya naman gumagamit ng pana.

"Kilala ang larong iyan bilang isang libangan ng mga owner ng mga hacienda." Tugon ni Don Pablo. "Iyan din ang libangan ng mga tao dito sa tuwing wala silang magawa." Saad pa nito.

Ngumiti naman si Luis. "Sa tingin ko po, Don Pablo si Godelaine po ang pinakamagaling na babaeng humawak ng pana." Ngiti nito.

"Sa hacienda ng mga De Gracia mayroon isang anak na babae si Don Hector." Kwento nito. Tumingin muna siya kay Godelaine na ngayon ag taas noong sinusuri ng tingin ang kuya niyang hindi magawang patamaan ang mga target.

"Si Serina po?" Tanong ni Aldrin. Napangisi siya dahil sa tuwing nakikita niya sa kanyang diwa si Serina De Gracia ay parang nababaliw siya. Sa ganda pa naman nito ay hindi na siya makatulog.

"May boyfriend na yun." Tawa ni Luis. Nagpout naman si Luis kaya mas nakita ang kanyang mapupulang labi. "Tsaka wala ka naman panama sa boyfriend noon na nagmula sa hacienda Villareal." Ngisi nito.

"Tsaka kilala sila sa buong mundo. Kahit na tumayo ka sa harapan noon sa loob ng isang oras hinding hindi ka pa pansinin noon, sira." Dagdag pa ni Irish. Nag tawanan silang lahat liban kay Godelaine na nakasanayan na nito limang taon na ang nagdaan. Nakatingin lang ito sa ganda ng dagat.

Nasanay na lang silang lahat na naging ganoon si Godelaine. Madalas mainit ang ulo nito at masuningit pero kahit ganoon ay naiintindihan na lang nila ito.

Kung titignan ay mas lumitaw ang kagandahan nito kumpara noong kabataan niya. Mas tumangkad ito ng kunti at mas pumuti lalo. Ang mahaba niyang buhok ay may hibla ng white blonde noong nakaraang taon pero ibinabalik niya rin ito dahil nagsawa na.

Tumayo si Godelaine at lumapit sa kuya niya. "Deretso ang likod pati ang kamay mo." Pangaral niya sabay ayos ng likod ng kuya niya na ngayon ay napapangiti. "Hindi mo kailangan mag pagulo sa mga nararamdaman mo. Kailangan mo itong bitawan ng hindi nag aalinlangan. Kailangan mong hayaan na kumala siya sayo para makita kung saan ito tatama."

Napayuko si Godelaine dahil sa sinabi niya. Napangiti si Aizan ng tumama sa pinakagitna ang palaso. "Habang hawak mo iyan wag mong papansinin ang mga tao sa paligid mo." Saad nito sabay layo ng kunti.

Pumasok si Godelaine sa loob ng kwarto niya sa loob ng mansion ng mga Narvaez. Simula nang maging 18 siya ay dito na siya tumira. Hinayaan lang iyon ni Nathalia dahil palagay naman niya mas lalong umuunlad ang hacienda nila dahil kay Godelaine.

Naging sikat na fashion designer ni Laia tulad ng pangarap talaga nito. Hindi na niya pinilit pa ang sarili bilang taga pagmana ng hacienda.

Samantalang si Luis ay isa nang ganap na mentor sa Manila. Nagtuturo ito ng sayaw sa mga dancer. Madalas siya kinukuha sa mga istasyon ng network. Nakita na rin siyang sumayaw sa TV kaya't sikat na sikat ito. Si Irish naman ay isang ganap na modelo sa La Cosme. Si Aldrin naman ay nagtatrabaho sa hacienda Narvaez bilang isang nangangasiwa rin. Malaki ang kita niya dito dahil halos lahat siya ang may hawak.

Si Godelaine naman ay mas naging matagumapay na tagapagma. Hindi pa man nakapangalan sa kanya ang lahat ay nakuha na niya ang puso ng lahat.

Gabi na pero hindi pa din siya natutulog. Puro kuliglig lang ang naririnig niya. Kinuha niya ang cellphone niya at binuksan ang Instagram account niya. Nakapangalan pa dito ay 'GodNarvaez'

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now