Chapter 32:Babe

86 4 0
                                    

Babe

Triana Godelaine Montreal Narvaez

"Hintayin mo ako dyan." Sambit ko sabay takbo papunta sa cr. Dali dali akong nagbanlaw at nagpalit ng short dress na pantulog.

Dim na ang lights sa lahat ng bahagi ng mansion. Wala na rin isang kasambahay ang gising. Medyo binuksan ko ang main door para papasukin si Austin sa loob.

Napangisi ako nang hilain ko siya papunta sa kusina. Naupo siya sa stool at ako naman sa loob. "Gabi na bakit nag punta ka pa?" Tanong ko.

Ngumuso naman siya at inilatag sa harapan ko ang pink na paper bag. "Naalala kong galing pa pala sa America iyong ice cream. Nasa ref lang kaya dinala ko dito."

Natawa ako nang buksan niya iyon ay medyo lusaw na ang ice cream. Kumuha ako ng dalawang mangkok na babasagin at siya naman mismo ang naglagay noon. Kumuha ako ng tinapay at ibinigay sa kanya ang isa.

"Aalis ka bukas tapos nagpunta ka pa dito?" Tanong ko habang nilalagyan ng ice cream ang tinapay.

"Tanghali pa naman ang flight namin." Sagot niya habang kumakain ng ice cream. Halatang galing ibang bansa talaga ang ice cream pero hindi ko ipagpapalit ang lasa ng dirty ice cream gaya ng binibili namin dati.

"Namin?" Tanong ko. Tinignan ko siya mata sa mata. Natatakot ako nang baka kasama nanaman si Cindy.

Nilunok niya muna ang kinakain niya. "Kami ni Andrei." Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi niya. Akala ko pa naman ay kasama niya si Cindy.

"Anong oras ang balik mo sa sabado?" Tanong ko. May dalawang araw kaming hindi magkikita.

"Umaga. Pupuntahan agad kita dito. Kung pwede lang sumama ka na." Tawa niya. Napawi ang ngiti ko. Hindi pwede. Hindi naman ganoon kadali iyon. May mga bagay na dapat kong unahin kesa sumama sa kanya sa Manila. "Next time. Gusto kong sumama ka sa akin ah. Gusto kong makipag date sayo sa pinaka espesyal na lugar. Gusto gusto kitang dalhin doon." Kinurot niya ng mahina ang pisngi ko.

"Anong espesyal na lugar ba iyon?" Tanong ko. Wala akong edeya kung ano ba ang lugar na iyon. Hindi ko rin alam kung saan iyon.

"Isa iyong makasaysayang lugar sa Pilipinas, God. I want to be with you there." Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya.

Parang sobrang espesyal sa kanya ang lugar na iyon sa hindi maipaliwanag kadahilanan. "Sige." Tipid kong sagot.

**********

"Kailan mo kasi sasagutin si Austin, God. Nang hindi na siya ipilit pa ng Mama mo kay Cindy?" Tanong sa akin ni Irish kinabukasan habang andito kami sa garden.

Mamayang tanghali ang flight nina Austin at tatawagan niya daw ako bago sila umalis.  "Hindi pa sa ngayon..." Sagot ko habang nakatingin sa kinakain kong chocolate na dala rin ni Austin kagabi.

"Sa bagay may prinsipyo ka pala." Tawa niya. Kinagat niya ang burger na kinakain niya. "I know hindi ka nagmamadali." Ngisi niya. Ngumiti ako. "Sus! Kinikilig ka nanaman." Tawa niya.

"Ewan ko sayo." Pagtatanggi ko. Tumayo ako at naglakad papunta papunta sa mansion. Naka sunod naman siya sa akin. Pumasok ako sa  office ko at sinimulang ayusin ang mga problema ko.

Binasa ko lahat ng mga kailangan ko. Ang mga dapat kong tapusin at unahin. Hindi ko mapigilang mapapikit kapag inaantok ako.

Alas nuwebe na nang tawagan ako ni Austin. Sabi niya ay nasa labas na daw siya ng mansion. Bumaba ako sa hagdan suot ang isang long dress na mayroong manipis na strap. Sumalubong sa akin ang naka fix niyang buhok. He was wearing a white shirt and fitted jeans.

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now