Chapter 30:Selfish

87 4 0
                                    

Selfish

Triana Godelaine Montreal Narvaez

Padarag kong isinarado ang pintuan ng kotse niya at dali daling tumakbo papalapit kay Papa na ngayon ay nakapamewang na nakatingin sa amin. Tumango ito at pumasok sa loob. Alam niya kaya yung ginawa namin–errrr.

Sa mahabang lamesa nakaupo sa pinaka unahan si Don Pablo. Magkatabi naman sina Papa at Nathalia. Si Kuya Aizan at Laia. Sa tabi namin ni Austin ay sina Cindy. Naroon din sina Irish, Luis, at Aldrin. Si Mama naman ay nakangiting kausap ang Lola ni Austin. Si Andrei ay nakanguso habang naghihintay ng juice na inilalagay sa baso niya.

Nang magsalubong ang tingin namin ni Austin ay inirapan ko siya at bumaling kay Don Pablo na nagdadasal. Pagkatapos ay inilabas nilang lahat ang iba't ibang putahe ng ulam.

"Kumusta pala ang naging buhay mo sa America, Cindy." Tanong ni Kuya Aizan kay Cindy na ngayon nakangiti.

"I'm okay naman with Austin. Actually masaya naman siya kasama." Sagot ni Cindy sabay lingon sa aming dalawa.

Hindi ako nag react nanatili ang tingin ko sa alimasag na nilagyan ng kalabasa. Napalunok ako nang maalala kong hindi pala ako marunong kumain nito. Nagulat ako nang kunin yun ni Austin at binalatan. Inilagay niya iyon sa plato ko. "You want more?" Tanong niya.

"H-hindi. Okay na." Nakayuko kong sagot. Alam kong nakatingin sa amin ngayon ang nga tao dito.

"Pasensya ka na, Hijo. Sadyang hindi kasi kumakain si Godelaine ng mga sea foods." Tawa ni Papa. Kinunotan ko siya ng noo.

Humalakahak si Austin. "Pero mas masarap kumain ng naka-kamay." Ngiti niya. Napatingin ako sa kanya. Para akong inosenteng walang muwang sa mundo na tinuturuan niya ng bagay bagay.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa ginagawa niya o mas nasasaktan ako dahil sa sinabi kanina ni Cindy.

Nagkamay siya at isinubo iyon sa bibig niya. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilang hindi tumawa. "Austin!" Suway sa kanya ng Lola niya.

"Ayus lang, Señora." Tawa ni Don Pablo. "Sa totoo lang ay ngayon ko lang ulit nakitang tumawa si God nang dahil ulit sa kanya."

Nahinto ako sa sinabi ni Don Pablo. Ganon ba talaga kahalata ang pagkalugmuk ko kay Austin? Ginaya ko na lang siya dahilan para mapangiti siya ng husto.

"Alam ninyo po, Don Pablo. Si Godelaine po kaya yung pinakamaraming nakakain sa amin noong high school pa kami." Kwento ni Luis. "Palagi siyang umaayaw sa mga street foods pero pagnatikman niya na po ay hindi na siya titigil."

Napapikit ako sa sinabi niya. Talagang nilalaglag ako ng isang ito ah. "Tapos si Godelaine din po yung pinakamalakas makipag away sa amin." Tawa ni Aldrin. Hinampas naman siya ni Luis dahil sa pagiging madaldal niya.

Ilang sandali ay tumawa si Andrei. Napatingin ako sa kanya at kinakagat ko na lamang ang labi ko. "Yung bola ko nga pala?" Tanong niya sa akin.

Nagkibit balikat na lamang ako. "Kinuha yun noong babaeng maganda. Yung mestiza. Anong pangalan noon, Drin?" Tanong ni Luis.

"Nefertari?" Tanong ni Aldrin sa amin.  "Hindi Nerf–"

Ngumisi si Andrei saka namula ang kanyang pisngi. "Si Señorita Graizell Nefritire?" Tanong ni Don Pablo dahilan para napatingin kaming lahat sa kanya. "Teka...taga hacienda Alfaro yun di'ba?" Tanong ulit niya.

Ngumisi si Andrei dahil sa tanong ni Don Pablo. "Opo. We have a deal with your granddaughter that within a month I will make Nefritire fall in love with me." Ngisi ni Andrei. (Noted:Ang basa po diyan ay Grey-Zell Ne-Fri-Ti-Re.) Mukhang limot ko na ang deal na iyon ah. Bakit ngayon ko lang muli naalala? 

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now