Chapter 15:I like you

115 5 1
                                    

I like you

Triana Godelaine Montreal Narvaez

"Wala kang dapat pagsisihan. Handa akong tanggapin kung ano man ang nararamdaman mo para sa akin."- Natulala ako sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko alam kung anong nasabi ko kanina pero sa palagay ko tama naman ang ginawa kong desisyon. Hindi tamang iwasan namin ang isa't isa dahil lang doon.

*********

"Natatakot na ako, baka pag nalaman na nina Austin kung sino talaga ako ay magalit sila." Sabi ko sa kalagitnaan ng pag lalakad namin sa hallway paakyat sa unang palapag ng school namin.

Yumuko si Luis at nagkibit balikat. "Hindi ko hawak ang damdamin nila, pasensya na." Aniya sabay tingin sa soccer field.

Huminga na lang ako ng malalim. "Handa akong sabihin kung sino talaga ako. Ginusto ko ito kaya wala akong dapat urungan." Sabi ko pa. Inaamin ko, parang gusto kong itigil ang handaan na ito.

"Tama. Andito ako para tulungan ka." Nakangiting ani Luis sabay ngiti. Napatingin ako sa kanya. Alam kong kahit siya ay kinakabahan.

Pagdating namin sa room ay nawala ang ngiti ko nang makita ko si Austin at Cindy na mag katabi. Nakaupo si Cindy sa upuan ko. Agad naman siyang umalis nang nakita niya kaming dalawa ni Luis.

Tumayo si Cindy sa harapan ni Austin at hinihintay matapos ang sinusulat ni Austin. Kumunot ang noo ko. Anong ginagawa niya? "Ano yan?" Kunot noong tanong ko sa kanilang dalawa.

Napakagat labi si Cindy saka nagsalita. "Ah. Hindi kasi ako marunong ng calligraphy." Mahinang sabi niya. Tinignan ko na isinusulat ni Austin ang pangalan ni Cindy sa isang malinis na bond paper. 'Cindy M. Barbosa.' Montreal. Bakit hindi niya napapansin na magkaparehas kaming dalawa ng middle name? Ginawa ko lang last name yung akin dahil ayaw kong pati dito may makakilala.

Umirap na lang ako sa kawalan pero nagulat ako nang nakatingin pala sa akin si Austin. Nakangisi siya. Ngayon ko lang napagtanto na tapos na pala siya sa ginagawa niya. "Thank you, Austin." Nakangiting sabi ni Cindy. Nag-blush pa yung pisngi niya.

Bumaling ako kay Luis na ngayon ay nag susulat pero nakangisi. Napapikit na lang ako sa inis. "Hindi masamang magselos, God. Ang masama ay magseselos ka pero wala ka naman pinagseselosan." Mahina siyang humalakhak.

"Hindi ako nagseselos." Mahina kong sabi. Tumingin ako sa white board namin. Napairap na lang ako sa dami ng sulatin. Bakit pinapasulat pa niya kahit may libro naman? Tss. Napailing iling na lang ako saka nag simulang magsulat.

Nang mag recess kami ay hindi kami sa canteen kumain kundi sa soccer field. Puro tawa ang ginawa ni Aldrin at si Luis naman ay puro biro. "Narinig mo na ba yung alamat ng hindi at ako din?" Tanong ni Luis sabay hawak siya tyan niya. Sabay sabay kaming napatingin sa kanya.

"Hindi." Sagot ni Irish.

Tumawa siya ng malakas. "Ako din." Sagot niya. Pare parehas kaming nag loading.

"ANG INGAY NINYO!" Napatingin kami kay Bong na ngayon ay papalapit sa amin. Kunot noo ko itong tinignan.

Maya maya ay nagkatinginan kami ni Irish saka sabay na natawa. Sumandal ako sa bench. "Oh! Bong. Long time no see. Parang mas lumalaki ka ata, pare." Taas kilay kong sabi. Lumabas ang pambihirang anyo niya kaya bigla kaming matawa ng malakas.

"Sabihin mo naman sa akin kung anong kinakain mo. Share mo naman kasi–alam mo na." Tawa ni Irish. Kumuyom ang kamao ni Bong saka susugod sana sa amin nang batuhin ko siya ng box ng fresh milk. Nabutas ito at sumabog sa ulo niya.

"Namumuro ka na sa akin, Montreal!" Sigaw niya. Tinawanan ko na lang saka kami naglakad papalayo. Tawa kami ng tawa hanggang sa nakarating kaming lahat sa classroom. Natigilan kami sa pagtawa ng makita namin si Cindy na nakahandusay sa sahig.

Into you (Señorita Series No.02)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora