Chapter 22:Please

94 5 0
                                    

Please

Triana Godelaine Montreal Narvaez

Pag labas ko ng room nila abbie ay nag sigawan ang mga classmates niya. "God, sandali!" Austin yelled at me. He tried to hold my hand but he couldn't. Halos takbuhin ko ang hallway makapasok lang sa room namin. Sobrang bigat ng dibdib ko dahil sa ginawa niya. Bakit kailangan niyang kandungin ang babaeng iyon?

Nagulat ako nang hawakan niya ang balikat ko at iharap sa kanya. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa ginawa niya. Ayaw kong makita niya akong ganito. Malakas na pwersa ang ginawa ko makawala lang sa kanya.

Pagpasok ko sa room ay pinunasan ko agad ang luha ko. Naupo ako sa tabi ni Luis na ngayon ay gulat na napatingin sa amin. Buti at walang teacher. "Anong nangyari?" Tanong niya. "Okay ka lang?" Dagdag pa niya.

Tumango lang ako. "I'm okay." Sambit ko. Pinunasan ko ulit ang luha kong kumakawala sa mga mata ko. Gusto kong umuwi.

"God..." Ani Austin sabay upo sa tabi ko. He tried to hug me but I pushed him away. "I'm sorry. Kanina ko pa siya pinapaalis pero–"

"Wag mo akong kausapin!" Iritadong sambit ko. Ang paninikip ng dibdib ko ay sobra sobra na. Ang init na dumadaloy sa buong katawan ko ay nagsisimula nanaman. Napapikit na lang siya ng mariin.

Nag angat ako nang tingin nang makita ko ang assistant ng principal. "Miss. Montreal and Mr. De Guzman go to the principal office." Walang reaksyon akong napatingin kay Austin na ngayon ay nakanguso.

"Anyare?" Tanong ng mga classmates namin. Hindi ko sila sinagot. Nauna akong naglakad kay Austin. Pagdating namin doom ay naroon si Mr. Domingo ang principal. Andoon din si Abbie at ang kaibigan niyang si Yassy. Mag katabi sila sa isang puan. Naupo naman ako sa tabi ni Austin.

Ang sama ng tingin niya sa akin ni Abbie. "What happened there earlier?" Tanong ni Mr. Domingo. Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko silang magsalita.

"Kasi po nag lalaro po kami ng truth or dare, nautusan po kasi si Abbie na kumandong sa mga binti ni Austin tapos...."

"Pinapaalis ko po siya dahil hindi po ako natutuwa sa ginagawa nila. Kanina pa po ako nagsasabi na umupo sila pero they didn't listen to me." Seryosong saad ni Austin. "Pero hindi po siya nagpatinag pinilit niya po talagang umupo sa akin." Anito sabay tingin sa akin.

"What do you think you're doing?" Sakrastikong tanong ni Mr. Domingo kay Abbie na ngayon ay umiiyak nanaman. "Hindi angkop sa paaralan natin ang maglaro ng ganoon lalo pa at oras ng klase. And you are not listening to Mr. De Guzman?" Mahinang natawa ang principal pero alam kong galit siya.

"And you?" Bumaling sa akin si Mr. Domingo. "Señorita Triana Godelaine Montreal?" Nangingiti siya. Nalaglag ang panga nina Abbie at Yassy dahil sa pagtawag sa akin ni Mr. Domingo na 'Señorita.'

"She didn't like what she did to my man. Kahit sino pong girlfriend pagnakita mong ginaganoon ang boyfriend mo ay mag iinit din po ang dugo mo." Walang reaksyong sambit. Nanggigil ako. "Kahit asawa mo rin po ba ang gumaganon sa ibang babae ay hindi ka po matutuwa tama po ba?" Umangat ang dalawang kilay ko.

Malapit ang pamilya ni Mr. Domingo sa mga Narvaez. May utang na loob sila sa mga ito lalo na sa akin dahil nakiusap ako kay Don Pablo na huwag silang paalisin sa bahay nila. Hindi kasi sila nakabayad sa utang nila.

Umangat naman ang gilid ng labi niya. "Pero sinaktan–"

"I'll accept your punishment for me." Deretsong sambit ko dahilan para tumango siya.

"Dapat kang ma expell!" Ani Abbie. Nag simula nanaman siyang mag inarte.

Ngumiti ako at humarap sa kanya. "Okay lang yan. Diba sabi ko mas pipiliin ko pang lumipat ng ibang school kesa makita ka araw araw."

"God..." Awat sa akin ni Austin. Hinawakan niya ang braso ko pero inilag ko ang kamay ko sya kanya.

"Okay." Tumango si Mr. Domingo sa amin. "I decided instead to suspend the four of you but I'd rather you clean up the old buiding of the old books."

Nalaglag ang panga nilang dalawa. Pairap kong sinulyapan si Austin na ngayon ay nakangisi. Tinarayan ko na lang siya at bumaling sa principal.

"S-seryoso ka, Mr. Domingo?" Aligagang tanong nito. Tatlong beses natawa si Mr. Domingo.

"Syempre hindi. Kayong dalawa." Tukoy niya kay Yassy at Abbie. "Isang linggo ko kayong palilinisin ng cr." Napatakip sa bibig si Abbie. Another kahihiyan nanaman.

Magsasalita pa sana siya pero bumaling na sa akin si Mr. Domingo. "Señorita Montreal, promise that you will never repeat what you did." Aniya na parang sumasakit ang ulo.

"I promise." Sambit ko sabay taas ng isang kamay ko. Tumango siya.

"Kayong dalawa." Tukoy niya kay Abbie at Yassy. "Tandaan ninyo school ang pinasukan ninyo hindi club." Pangarap niya. Napayuko ako dahil gusto kong tumawa. "Hindi tama ang makipagharutan sa loob ng eskwelahan. Lalo na't boyfriend pala nito si Señorita Montreal ang hinaharot mo."

Kinagat ko ang dalawang labi ko. Gusto kong tumawa ng malakas. Nilingon ko itong si Austin na ngayon ay nakasandal at gusto ring matawa. "Hindi naman po niya boyfriend iyan, Mr. Domingo. Nililigawan pa lang naman–"

"Anong nililigawan? Hoy–hindi kaba na inform na sinagot ko na siya kaninang umaga?" Tanong ko na parang nanay na sinermonan siya.

"Tama na yan...sige na magbati na kayo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mr. Domingo sa amin. Iniisip niya sigurong makikipagbati ako sa kanila. No. No. No. Mukhang kailangan kong umisip ng paraan para makaalis dito. Hinilot ko ang sintido ko.

"Are you all right, Señorita?" Tanong sa akin ni Mr. Napatayo pa siya sa upuan niya. Naramdaman kong hinawakan ni Austin ang leeg ko.

"M-may lagnat nanaman po kasi–" Hindi natapos ni Austin ang sasabihin niya ng sinadya kong pabagsakin ang ulo ko sa dibdib niya. Rinig ko ang bilis ng tibok ng puso niya. "God!" Matatarantang sigaw niya. Hindi ko na alam kung ano pang ginagawa niya ngayon nakapikit ako.

Halos napasigaw ako nang bigla niya akong buhatin. Buti at kaya kong pang pigilan ang sarili ko. "Dalhin mo siya sa clinic!" Tarantang sigaw ni Mr. Domingo bago pa kami makalabas ng opisina niya.

Nang maramdaman kong malayo layo na kami agad ay binuksan ko na ang mga mata ko. "Ibaba mo ako!" Sigaw ko. Nagulat siya at wala atang balak na ibaba ako pero hinampas-hampas ko ang dibdib niya. Nasaktan na ata siya kaya binitawan niya ako.

Umalingawngaw ang tawa ko sa buong pasilyo. Sobrang sakit ng tyan ko kakatawa. Naupo ako sa sahig sa sobrang tawa ko. Ramdam ko ang mainit na luhang lumandas sa mga mata ko the same time ramdam kong sobrang sakip ng dibdib ko. Nasasaktan ako dahil sa nakita ko kanina.

Pinalis ko ang luha ko at tiningala siya na ngayon ay kumurap kurap ng tatlong beses. Nang makontento na ako kakatawa ay tumayo na ako at iniwan siyang mag-isa. "Oh ngayon tataray tarayan mo ko matapos mong sabihin na boyfriend mo na ako." Habol niya sa akin.

Hinarap ko siya. "I just said that to embarrass them!" Giit ko, pinangtaasan ko pa siya ng dalawang kilay. "Tsaka wag kang assuming jan! Wag mo na akong ligawan." Sambit ko sabay talikod.

"Oy! Sandali!" Sigaw niya sa akin. Dali dali akong tumakbo paakyat para di niya naabutan, pero mali ako. Hinawakan niya ang kamay ko saka pinaharap sa kanya. "Sorry na..." Lumambing ang tono ng boses niya.

Tinulak ko siya at naglakad na paakyat ng hagdan. Sinabayan naman niya ako sa paglalakad. "Sige." Nakangiting saad niya. "Pag hindi mo ako pinatawad ngayong araw pagsisisihan mo ito."

Binigyan ko siya ng matalim na tingin.  "Wala. Wag mo na akong ligawan kung ganyan ka." Tamad kong sambit. Parang may kumurot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Alam kong hindi siya titigil kakaligaw sa akin mapasagot lang ako. Pero alam niyang rin naman na hindi pa iyon ang tamang panahon.

"God, please.." Aniya. He tried to hold my hand again but I shook it. Naka pout akong naglakad paakyat sa room. Bago pa ako makaliko papunta sa room namin ay malakas na pwersa ang ginawa niyang paghila sa akin.

Punong puno ng kalungkutan ang mga mata niya. Pakiramdam ko may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Parang may gusto siyang gawin pero hindi niya magawa.

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now