Chapter 21:One Month

100 6 0
                                    

One Month

Triana Godelaine Montreal Narvaez

Pagtunog ng bell hudyat na papasok na kami sa room ay halos mag sitakbuhan ang lahat para di lang malate. Pag upo ko tabi ni Austin ay bumaling agad siya sa akin at nagpanghumbaba.

Hindi ko siya tignan dahil abala ako sa pagsusulat ng notes na hindi na kopya noong last friday. Hindi ko rin naman ito masulat dahil may ginagawa ako hacienda.

Naaninag ng mata ko na nakangisi siya ngayon. Gusto siyang patalikudin sa akin dahil nakakailang ang ginagawa niya. "Wag mo nga akong guluhin, Austin." Sambit ko na abala pa rin sa pagsusulat.

"Why?" Natatawa niyang tanong. "Wala naman akong ginagawa 'ah. Let me watch you." Nakangising aniya. Agad kong kinuha ang notebook niya na ipinahiram sa akin at akmang ihahampas sa kanya pero iniwas niya ang ulo niya. "Wait. Baka mapunit yung sulat ko jan. Sige ka. Wala kang ipapasa mamaya."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Kinuha niya sa kamay ko ang note book ko. "B-bakit hindi ko ito napansin?" Nagtatakang tanong ko. May sulat na ang notebook ko. Sulat kamay niya ito. Panay panay at walang burado. Napangiti ako, Siguradong sulat niya ito.

"Sa akin kasi nakatuon ang atensyon mo." Ngisi niya. Kinagat ko ang labi ko para itago ang nag babadyang ngiti ko. Ramdam ko rin ang init ng pisngi ko.

"Sinungaling. Hindi kaya." Pagtatanggi ko kahit totoo naman. Nagitla ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Alam kong nakatingin na sa akin ngayon ang iba naming classmates, pero hindi ko pa din maialis sa kanya ang paningin ko.

"Eh' bakit namumula ka?" Nakangisi niyang tanong. Kumurap kurap ako at iniwas ang tingin ko sa kanya. Naramdaman ko ang na mas inilapit niya ang mukha niya sa akin.

Bago pa ako magsalita ay dumating na agad ang teacher namin para sa first period. Wala naman siyang pinagawa sa amin kundi ang patahimikin kami. Panay ang drawing ni Luis sa mga anime characters na paborito niya. Señor high na kami ngayon pero isip bata pa din siya. Hindi kami hihiwalay hiwalay ng room dahil kung sino ang classmate mo simula ng grade 7 ka ganoon din iyon hanggang sa señor high.

"Anong susunod mong gagawin sa hacienda?" Tanong sa akin ni Austin habang sinusulat ko ang mga susunod kong gagawin. Ang isang kamay ay nakatukod. Nagulat ako nang paulit ulit niyang hawakan ang mga dulo ng darili ko. Nasa ilalim ang kamay kong iyon kaya ang lakas ng loob niyang hawak hawakan ako.

Gusto ko mang bawiin ang kamay ko pero hindi ko magawa. Paulit ulit niyang ginawa iyon pero parang wala akong balak alisin iyon. Until I realized that I was smiling too. "Patatabunan ko ng maraming bato ang putik." Sambit ko.

Mahina siyang tumawa. Hinihilot hilot niya ang kamay ko. "You really hate that mud." Aniya.

Umirap ako. Sa tuwing naalala ko iyon nabibwisit lang ako. "Of course. Walang dahilan para hindi ko patabunan iyon. Makikiusap ako kay Don Pablo." Tumawa siya at dahan dahang yumuko pero hindi niya pa din binibitawan ang kamay ko. Akala ko ay matutulog siya pero mali ako.

Halos mapatalon ako nang halikan niya ang kamay ko. "Ang lambot ng kamay mo, God." Wika niya nang nakayuko pa din sa desk niya.

Magsasalita pa sana ako nang biglang may magsalita sa harapan. "De Guzman, pinapatawag ka sa kabilang room. Pakibantayan daw yung sila dahil hindi daw tumitigil." Ani ng isang estudyante.

Bakit si Austin pa? Doon sa last section? Ang daming mga pasaway doon 'ah. Member nga pala si Austin ng SSG. Kainis. Binitawan niya ang kamay ko. Ngumuso lang ako at nagkibit balikat. "Babalikan kita dito mamaya." Nakangiting sambit niya. I nodded and followed him out of the classroom. May ibinigay na papel sa kanya ang babae at sabay silang lumabas.

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now