Chapter 11:Kilala mo na ba siya?

112 7 1
                                    

Kilala mo na ba siya?

Triana Godelaine Montreal Narvaez

Pag tapos naming tanong tanungin ng emcee ay dumeretso na kami sa backstage. Ako naman ay nag paalam na mag c-cr lang sandali. Tinatanguan ko lang ang mga tumatawag sa akin.

"Nice." Napalingon ako sa boses na pinagmulan noon. Agad ko siyang inirapan at akmang lalakad na ulit ako pero natigilan ako nang hawakan ng pesteng ito ang braso ko.

"Dammit!" Mura ko sabay hila sa braso ko papalayo sa kanya. Pinasadahan ko siya ng tingin. Naka suot siya ngayon ng black shirt at pants.

"Nasan na yung bola ko?" Seryoso niyang tanong. Humarap ako sa kanya ng maayos. Nginisihan ko siya saka tinaasan ng kilay.

"Nasa bahay namin." Sagot ko saka tinalikuran siya. Nakakabwisit ang isang to. Bago pa man ako makalayo sa kanya narinig ko ang pag tawa niya.

Inirapan ko lang siya saka sumigaw na; "Sa oras na pikunin mo ulit ako bubutasin ko sa harapan mo iyon." Banta ko sa kanya. Wag niya akong subukan. Kahit mahal yung bola na iyon wala akong pakialam.

Pumasok ako sa loob ng cubicle. Ilang sandali pa ay rinig ko ang yapak ng mga paa na papasok sa loob ng pinto. "Mabait na bata si Austin, Cindy. Gusto ko siya para sayo." Parang may kung anong bagay ang dumagan sa dibdib ko. Nasaktan ako sa sinabi ni Mama. Bakit pati si Austin?

"Kaya lang po...gusto niya si Godelaine. I would not wonder if one day Godelaine would like him back." Bakas ang lungkot sa boses ni Cindy. Ngayon dapat ba akong sumuko para kay Austin. Pero...wala na ata sa akin ngayon ang ibigay ang mga bagay na dapat ay pag aari ko. Tama...darating ang araw na magiging pag aari ko siya. "Maganda at matalino si Godelaine. Siya na siguro ang tampulan ng pagiging perpekto. Kaya lang wala sa kanya ang pagiging mapagbigay."

Napapikit ako. Ano bang sinasabi niya?! Ang akala niya purket mag kapatid kaming dalawa ay dapat akong mag paubaya sa kanya. Hell no!

"Anak...Don't compare yourself to Godelaine. You are just as perfect as she is. Mayroon lang talaga kayong pinagkaiba." Napangisi ako.

Nagulat silang parehas nang buksan ko ang pintuan. Naka poker face ko silang tinignan. "G-godelaine." Gulat na sabi ni Cindy.

"Tama ka sa sinabi mo maaring isang araw magugustuhan ko din si Austin tulad ng pag kagusto niya sa akin. Pwedeng mas maging malala pa ang nararamdaman ko pero tandaan mo ito walang dahilan para isuko ko ang pinaghirapan ko."

Tama. Pinaghirapan ko at kung ako ang tatanungin kahit alam kong bata pa ako o kami. Not only was my sense of humor to him, but it was true love. Paano nga ba nangyari iyon, ay hindi ko rin alam. Tao lang rin ako na iibig kung sino ang mapupusuan ay pwede bang doon na lang, pero kahit kailan ay hindi ko ito tinuruan.

Sabi nila pag ang bata daw ang mag mahal meaning it's just puppy love. Ibig sabihin hindi pa ito umabot sa sukdulan. Pero bakit ang sakit?

*********

Sabi nila sa susunod pa daw na linggo malalaman kung sino ang mananalo. Dahil sa sinabi kong iyon ay nahihiya tuloy lumapit sa akin si Cindy. Naiinis ako sa kanya. Dapat lang siyang mahiya dahil narinig ko ang pinag usapan nila.

Sa gitna ng activity namin sa science ay wala akong ibang ginawa kundi ang tumulala. Napatingin sa akin si ang teacher namin. "Montreal, kunin mo sa old building yung hiniram kong remote kay Sir Chandra. Dalhin mo sa akin mamaya sa faculty." Tumango naman ako at naglakad lalabas ng room pero natigilan ako nang lingunin mo si Austin na nakasunod sa akin.

Into you (Señorita Series No.02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon