Chapter 33:Anak sa labas

88 4 0
                                    

Anak sa labas

Triana Godelaine Montreal Narvaez

Sinalubong ako ni Laia nang bumalik ako sa mansion. May kasama siyang mga make up artist, hairstylist, at photographer. Nakahelera ang mga long dress na may iba't ibang klase ng design.

Sinukat sukat niya iyon sa akin. "Eto." Aniya. Isang summer dress iyon na kulay puti at napakaganda ng design. Akmang lalakad ako papunta sa closet ay nagsalita siya. Napapikit ako ng mariin. "No. Hindi yan. Eto." Bawi niya saka inabot sa akin ang isa pang dress na backless.

Isinuot ko yun at sinimulan nilang lagyan ng kolorete ang mukha ko. Nilugay nila ang buhok ko at ginawang wavy. May inispray pa sila sa buhok ko para maging kulay bronze.

Naglakad kami papunta sa malawak na garde na punong puno ng bulaklak. Pinahawak nila ako ng white roses at pinaupo sa bibig ng fountain. "Ang mangyayari ngayon ay dapat kang mag mukhang goddess." Ngisi ng photographer. Ngumiti ako at sinimulang mag pose. Hinalikan ko ang bulaklak at tumingin sa ibaba.

"Gosh!" Sigaw ni Laia dahilan para mapatigil kaming lahat at tumingin sa kanya. "Ang galing." Napapalakpak siya saka pinanood muli kami.

Nang palitan ko ang dress ay kulay puti ito ay long sleeve. May suot akong itim na hat at dwarf boots. Nasa pinaka magandang parte kami ngayon. May hanggang tuhod na damo at may mga lavender. Nakatalikod ako nang kuhaan ito.

Parang isang babaeng naliligaw o di kaya naman ay may hinahanap. "Good." Ani photographer habang tinitignan ang mga kuha niya.

Narito kami ngayon sa loob ng mansion at isa isang tinitignan ang mga kuha namin. Umabot pa kami ng hapon para matapos ang mga ito. Iba't ibang shoot ang nakuha namin. "Look, para kang aesthetic girl dito." Sambit ni Laia habang tinitignan ang kuha ko na naka harap sa fountain. Ang ganda rin ng mga filters. Talagang mukhang aesthetic.

Umupo ako sa swivel chair ko habang inaayos ang mga papers na nagkalat sa lamesa. Humarap ako sa laptop at tinignan ang mga dapat kong asikasuhin sa pagpapatakbo ng hacienda. "Ang Narvaez shop sa Davao ay kumikita ng mahigit anim na daang libong piso." Ani Don Pablo habang nakaupo sa harapan ko.

Ang Narvaez shop ay kilalang fruit shop ng Davao city. Marami ring bumibili dito. Mayroong iba't ibang klase ng prutas tulad ng ubas, pinya, melon, pakwan, langka, rambutan, at iba pa.

"Sa resto po?" Tanong ko. Sinubukan kong pagtuonan ng pansin ang mga bagay na ito. Gusto kong gumabi at makausap na si Austin.

"Mas malaki ang kita nito kumpara noong una. H'wag mo ng alalahanin ang iba pa. Kumain na tayo." Tumango ako at sumunod sa kanya.

Iba't ibang putahe ng ulam ang mayroon sa hapag. Wala si Nathalia dahil nagpunta ito sa Palawan.

Maingay ang naging kainan dahil kay Laia na hindi makapaniwala sa mga pictures na nakuha sa akin. Ipapalabas niya daw iyon sa billboard. Handa pa daw siyang mag bayad ng malaking halaga. Grabe.

Tumikhim ako nang tumahimik silang lahat. "Kapag nakauwi po si Austin pwede naman po akong sumama sa kanya sa Manila di'ba? Mga tatlong araw lang po--"

"Nag paalam na siya sa akin kaninang umaga pa lang." Sabi ni Papa.

Nanlaki ang mga mata ni Laia dahil sa sinabi ni Papa. "Really, God? What kind of place do you two go to?" Usisa niya.

Nagkibit balikat na lamang ako. "I don't know. Basta ang sabi niya sa akin special place daw iyon for him." Ngiti ko.

"Basta don't forget to take pictures." Humagikhik siya.

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now