Chapter 26:Call

89 4 0
                                    

Call

Triana Godelaine Montreal Narvaez

Nang makita ko siya kanina sa vedio call ay parang hindi ko kinaya. Hindi ko alam kung paano ko nagawang tumango. Hindi ko alam kung paano ko napigilan na hindi umiyak. Ang sakit sakit. Akala ko kasi ako lang yung dapat para sa kanya. Pero mali ako. Kasama niya ngayon si Cindy. Masaya silang parehas. At ako....patuloy na winawasak ang puso.

**********

Natauhan ako nang pumasok sa office ko si Laia, suot niya ang damit na kaguguhit niya lang noong nakaraang linggo. "Sabihin mo, Godelaine. Bagay ba sa akin?" Aniya sabay lahad ng palda ng dress niyang kumikinang.

Hindi pa kami bati pero ganyan na siya kung umasta. Hindi naman na kami nagsasagutan ng husto. Pero nagtatarayan lang kami pero ngayon ang werdo ng isang ito.

"Mas bagay kung ako ang susuot niyan." Ngisi ko sabay hilig sa swivel chair ko. Maarte niya akong tinarayan pero hindi ko pinansin iyon.  Bahala siya sa buhay niya. Umupo siya sa harapan ko.

May sketch siya sa akin na ipinakita. Unti unting binuksan niya iyon. Sobrang ganda ng pagkakadrawing niya. Bukod doon ay may kulay na. "Yan lang yung nagawa ko. Alam ko naman na hindi ka nagsusuot ng ball gown. Tsaka wag kang assuming hindi mo birthday sa sabado." Nakangusong saad niya.

Gusto kong tanungin kung anong trip niya, bakit niya ako bibigyan ng ganyan gandang damit. "Silk ang tela niya. Alam ko rin naman na paborito mo yung kumikinang. Tsaka..." Pinakita niya sa akin ang likod ng long dress na igunuhit niya. Backless ito at may tela na kitang kita ang likod nito. Wow. "Pwede ko naman palitan ang color niyan. What color do you want?"

Tumaas ang dalawang kilay ko. Ang werdo niya talaga. "Black." Sambit ko sabay panghalumbaba. Nagkibit balikat na lamang siya at kinuha ang tape measure.

Sumenyas siya sa akin na tumayo ako kaya sumunod naman ako. "Magaling kang pumili ng mga damit mo." Aniya habang sinusulat ang waist ko.

Hindi ako kumibo. "Sa tingin mo ba kung wala ka dito ay magiging taga pagmana kaya ako?" Bigla niyang tanong dahilan para matigilan ako at mapatingin sa malaking salamin dito sa loob ng opisina ko.

"Ano ba sa tingin mo?" Tanong ko. Ngumuso siya at nagkibit balikat muli. Sinukatan niya ang hips ko.

"Sa tingin ko ay walang mag mamana nito. Tingin ko pipilitin ang isa sa amin ni Kuya." Sambit niya saka isinulat ang sulat nito. "Kailangan kong gawing fitted sayo ang long dress  mo."

Tumango ako nang matapos niyang sukatin iyon ay nagsulat muli siya. "Subukan mo namang maging modelo sa shop ko." Ngisi niya.

Tumaas ang dalawang kilay ko. "What replacement?" Tanong ko sabay tingin sa mga bilang ng mga tracking na paglalagyan ng mga karne ng baka na idideliver sa iba't ibang panig ng bansa.

"Fame." Ngisi niya. Nag angat ako nang tingin. Gusto kong tanungin kung seryoso ba siya sa gusto niyang mangyari. "Mayroon akong iba't ibang shop sa Manila, Cebu, Davao, Macao, Spain, California, at marami pang iba." Seryoso niyang saad.

Mayaman naman talaga ang isang Laia Kryce Narvaez. Isipin mong sa iilang taon niya fashion design ay makapunta na siya sa kung saan saan pang panig ng mundo. Nakapagpatayo na rin ng iba't ibang malaking shop.

Sakrastiko akong tumawa. "May balak ka 'no?" Tawa ko, pero nang marealize ko na hindi ko dapat siya tawanan lalo na at siya pa ang gagawa ng susuotin ko para sa sabado ay tumigil ako.

Maarte niya akong pinaunlakan ng tawa. "Yah know hindi ako kasing brutal mo. Ikaw na nga itong tinutulungan tapos ikaw pa itong etchosera." Pinalobo niya ang pisngi niya.

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now