Chapter 14:Nakakabaliw

115 5 0
                                    

Nakakabaliw

Triana Godelaine Montreal Narvaez

Tulala ako habang pinapanood sina Cindy at Austin na papalapit sa amin. "Magandang tanghali po, Don Pablo" ani Austin sabay yuko.

"Good afternoon, Lolo." Nakangiting sabi ni Cindy sabay mano kay Don Pablo. Nagkatinginan kaming dalawa ni Luis.

"Magandang tanghi sa inyong dalawa. Anong sandya ninyong dalawa?" Tanong ni Don Pablo. Dali dali kong dinampot ang notebook at nagkuwaring nakatingin sa mga halaman. Hindi ko masyadong narinig ang usapan nila dahil abala ako sa pag dadasal.

"Bakit kayo andito?" Nakangiting tanong ni Cindy sa amin. Aba malamang lupain ito ng ama ko. Kita ko rin ang pag tataka sa mukha ni Austin.

Muli kaming nagkatinginan ni Luis. "Bibisitahin kasi namin Laia. Sabi ay tulog pa daw kahit tanghali na." Palusot ko sabay tingin sa kamay kong nanginginig. "Don Pablo, uuwi na po kami." Magalang kong saad sabay talikod.

Napapikit ako ng mariin. Shit! Bakit kasi ngayon pa niya naisipang mag ikot ikot dito? Sandali akong natigilan. Hindi talaga niya alam na ang ina ko at ina niya ay iisa lang. Mabuti at humingi ako ng pabor kay Don Pablo na wag ipagkalat kung sino talaga ako.

***********

Napawi ang ngiti ko nang makita ko si Mama na nakatayo sa harapan ng pintuan namin. Hindi ko siya pinansin nang pumasok ako sa loob. "Malapit na ang birthday mo." Biglang sabi niya dahilan para matigilan ako. "Napag pasyahan namin na dapat iyong i-celebrate sa hacienda Montreal."

Kumuyom ang kamao ko. By the time I agree I'm sure Austin will know who I really am. Pero ang hirap na kasing magtago. Ang hirap na kasing mag sinungaling. Humarap ako sa kanya. "Alam mo...matagal na rin namang walang may pakialam sa birthday ko. Bakit ngayon ka lang gumagawa ng paraan para handaan ako?"

Umiling iling siya. "Ang hirap magsinungaling, Triana. Hindi ka ba nahihirapan? Hindi ka ba nakokonsensya?" Tanong niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Nakahinga ako ng malalim. Iparating na niya ang gusto niyang iparating. "Ang mag alaga ba ng iba pang anak hindi ka ba nahihirapan? Hindi ka ba na kokonsesya na ang isang anak mo nangangailangan ng pagkalinga ng isang ina pero mas pinili mong iwan para sa sarili mong kapakanan." Hindi ko na alam ang nasabi ko. Agad akong tumalikod at nag simula nang mag lakad paakyat sa itaas. Pinalis ko ang luha sa mga mata ko. Bakit ganoon? Yung galit ko bigla bigla lang magiging luha.

*********

"Ang sabi ni Mommy malapit ko nang makita ang kapatid ko." Natigilan ako sa pagkain nang sabihin iyon ni Cindy. Kahit kailan hindi kita ituturing na kapatid. Napatingin ako kay Aldrin at Irish na ngayon ay nakatingin sa kanya. Si Austin naman ay patuloy lang sa pagkain.

"Bakit hindi mo pa ba nakikita ang kapatid mo?" Tanong ni Aldrin. Naka pout si Cindy na umiling.

"No 'eh. Sabi ni Mom masyado daw busy. Ni ayaw niya ipaalam sa akin ang pangalan non. Ayaw niya rin ipaalam kung anong itsura." Ani Cindy sabay inom ng juice niya. Napatingin ako sa kinakain niya. Puro slice ng fruits at slice cake ang baon niya. I'm very sure na si Mama ang may gawa noon.

Napatingin ako kay Luis na lobo ang dalawang pisngi habang nakatingin akin. Malapit na nga talaga ang birthday ko pero mauuna si Papa. Ang totoo ay hindi ako pupunta doon.

"Invate ko kayo." Sabi niya at inisa isa kami ng tingin. Napangisi ako na parang siya yung may birthday. "Sa september 02 yun ah." Nakangiting saad niya.

Napatingin sa akin silang apat liban kay Cindy. "Kabirthday mo, God!" Nakangiting sabi ni Aldrin. Huminga ako ng malalim saka tumango. Ako kasi yun!

***********

Nang mag uwian kaming lahat ay nagpunta kami sa lobby kung saan makikita ang mga nanalo na. Ngayon daw ipapalabas ang announcement nito kaya naman sampung minuto kaming nag hintay.

Si Irish ang nakipagsiksikan doon samantalang kami ang naghintay. Kitang kita ko kung paano niya ginitgit ang mga schoolmates namin makasingit lang. Napailing na lang ako.

Napatingin ako kay Austin na ngayon ay walang reaksyong naka tingin sa malayo. Agad kong iniwas ang tingin ko nang tumingin siya sa akin. Ilang sandali pa rinig ko ang nag sisisigaw na si Irish mula sa mga tao. Nagmamadi siya lumabas. "Hindi ako nagkakamali, panalo tayo!" Tuwang tuwang sabi niya. Hinila niya ako at tumalontalon pa. Napatingin pa sa amin ang mga tao sa paligid.

**********

In the days that followed, Austin and I were still not feeling well. Hindi ko makuhang tumingin sa kanya saka tuwing andyan siya sa tabi ko. Hindi ko makuhang maging panatag.

Minsan ay si Angel ang kasama niya kaya iniiwasan ko na lamang. Sa mga araw na iyon ay mas pinili kong maging tahimik na lamang.

Pagdating ko sa bahay ay halos mapaatras ako nang makita ko ang dalawang babae at si mama. Nandoon din ang asawa niyang si Mr. Lenard.

"What's going on?" Tanong ko. Inisa isa ko sila ng tingin.

"Mayroon akong designer na magsusukat sayo at event designer na makikinig sayo kung anong gusto mo." Napapikit ako ng mariin. Napangiti siya nang tumango ako.

Sinabi ko sa designer na kusto ko na silk long dress na kulay red at may slit ito sa gilid.  They ask why I don't want a gown umiiling na lang ako. Sabi ko ay romantic na lang at gabi na lang dapat ganapin. Sinabi ko rin na ayaw ko ng maraming bisita at tumango na lang sila. Napangisi ako. Gagawin ko lang ang gusto ko tamang sunod lang rin sila. Kulang pa iyan. Madami pang kulang na dapat nilang punan.

*********

Paghapon ay minabuti kong pumunta sa kapatagan kung saan matatagpuan ang mga magsasaka. Malawak at malaki ang taniman dito sa hacienda Narvaez. Nakasuot ako ngayon ng white long dress at summer hat.

Tanging ang simoy ng hangin na humampas sa mga dahon at huni lamang ng mga ibon ang naririnig ko. Napatingin ako sa kabundukan. Sobrang ganda at maaliwas itong tignan. Napangiti ako. Someday I will have everything I see. Gagawin ko ang lahat para bumalik sa akin lahat lahat ng mga pinaghirapan ko. Gagalaw silang lahat sa ngalan ng mga salita ko. Kikilalanin na isang mabuting taga pagmana ang isang anak na bunga lamang ng pag kakamali.

Natigilan ako nang bumagsak sa harapan ko ang isang pulang saranggola. Hinanap ko pa kung saan iyon nag mula pero hindi ko nakita. Kalauna'y lumapit sa akin ang hindi ko inaasahang si Austin. May hawak siyang sinulid na nakapulupot sa lata na mukhang luma na. Agad kong inabot sa kanya ito at agad nang tumalikod pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Sandali." Napatingin ako sa kamay naming dalawa. Binitawan niya ito at lumayo ng dalawang pulgada. "W-wag mo naman akong iwasan."

Literal na natulala ako sa sinabi niya. May kung anong kirot ang hindi ko maipaliwanag. Tinanggal ko ang hat sa ulo ko. "Hindi kita iniiwasan, Austin. Ikaw ang umiiwas." Pagtatama ko. Noong araw na marahas akong hinalikan ni Andrei ay iniwasan at hindi na niya ako pinapansin. Kaya ang ginawa ko ay ganoon na lang rin ang iwasan din siya dahil hindi ko gawaing ipagsisikan ang sarili ko sa isang taong ayaw naman sa akin.

"Hindi ako umiiwas." Aniya sabay tingin sa mga mata ko.

"Simula nang malaman mong gusto kita hindi na naging normal ang pakikitungo mo sa akin, God." Kita ko ang lungkot sa mukha niya. Ako nga ba? Saan banda ako umiwas sa kanya? Dahil ba lapit ng lapit sa kanya si Cindy o doon sa gusto niya ako? Kasi kung ako ang tatanungin, siya ang umiwas. Noong nalaman nakita niya yung ginawa ni Andrei sa akin. Hindi ko naman ginusto iyon.

"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung bakit din ako naiwas sayo?" Matapang kung tanong sa kanya.

Sandali niya akong pinakatitigan. "Nagseselos ka." Bigla niyang sabi. Nawala ang pagkunot ng noo ko.

"Hindi." Sabi ko sabay talikod. Nahinto ako nang hawakan niyang ulit ang kamay ko.

"Alin banda doon, God. Sabihin mo sa akin." Kitang kita ko na disidido siyang malaman kung ano nga ba iyon. "Gagawin ko. Ayaw mong lumalapit sa akin si Cindy, diba? Sabihin mo sa akin susundin ko. Kasi alam mo nakakabaliw isipin kung paano tayo babalik sa dati."

Umiling iling ako. "Wala kang dapat isipin–"

"Kasi kung alam mo lang. Sisingsisi ako na umamin pa ako sayo."

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now