Chapter 03:Mother

178 10 0
                                    

Mother

Triana Godelaine Montreal Narvaez

Hindi ko alam na ganito pala kasaya ang mag karoon ng mga kaibigan. Nakikita ko sa kanila na sobrang saya nila dahil sa nangyari kanina. Walang bakas sa mukha nila na masaktan sila. Nakisabay na lamang ako dahil para kaming mga baliw na tila kasiyahan naman pagkatapos nang kalungkutan.

Tama sila na madaya talaga ang mundo. Pagkatapos mong maging malungkot ay magiging masaya ka naman. Pagkatapos mong maging masaya magiging malungkot ka naman. Kung ako ang papapiliin ay mas iibigin kong tumigil na lamang.

"Grabe ang galing mo, Godelaine! Isang malakas na sipa lang pala kapalit ni Bong!" Saad ni Luis sabay tawa ng malakas. Nandito kami ngayon sa pinakadulo ng Hacienda Narvaez kung saan natatanaw ang Isla De Gracia at Isla Villareal.

"Nakakainis kasi." Mahina kong sabi. Nahihiya akong sabihin sa kanila na may alam ako sa karate dahil ayon yung sports na pinili ko. "He shouldn't just show me the next day I'll break his bones." Sabi ko. Napatingin naman sila sa akin sabay tawa ng malakas.

"Isipin mo for the first time in my life ngayon ko lang nakitang muntikang tumihaya si Bong!" Tawa nilang lahat. Napakamot ako sa ulo. Sa daming nilang pinag usapan sapat na para malaman ko ang totoo. Matagal na pala nilang kaaway itong 'Bong' na sinasabi nila kaya lang wala ni isa ang nagtatangkang bumugbog dito dahil marami daw tropa.

"Alam mo Godelaine pwede ka namang sumali na sa squad namin e." Saad ni Luis sabay akbay sa akin. Medyo nagulat pa ako pero kalaunan ay napangiti na lang ako. "Tsaka malaki ang utang na loob namin sayo. Kundi mo tinulungan itong si Austin malamang pinaglalamayan na ito ngayon." Saad niya. Natawa naman kami.

"Kaya nagpapasalamat kami sayo." Ani Irish. Tumango naman silang lahat. Napatingin ako kay Austin na ngayon ay nakangiti. That's right because I don't have any friends yet. Bukod doon masaya ako dahil natupad na ang pangarap ko.

"Simula ngayon ikaw ay ganap na nakasali sa squad namin!" Sigaw ni Luis. Pinanood namin kung paano siya yumuko sa dagat para abutin ito at basain ako. Napasigaw ako sa sobrang tawa dahil pinagtutulungan nila ako maya gumanti na rin ako.

Sa huli ay umuwi kaming lima na basang basa dahil pareho kaming nag basaan.

**********

Napawi ang ngiti ko nang makita ko ang kotse ni Papa sa tapat ng bahay. Parang gusto ko na lang na umalis pero hindi pa ako nakakarating sa bahay nina Austin o ninuman sa kanila.

Pinunasan ko ang damit kong basa gamit ang bimpo ko dahil para akong nahulog sa kanal sa sobrang dungis ng itsura ko. Nakanguso akong pumasok sa loob. Doon ko nakita sina Nathalia at Papa na nakatayo sa loob ng salas at parang papatayin nila akong pareho dahil sa tingin nila. "Where the hell are you from?" Tanong sa akin ni Nathalia.

Umirap ako sa kawalan. Pakialam ba niya. Hindi ako sumagot at patuloy lang sa pag pupunas ng sarili ko. Napangiti ako nang lumabas si Ate Nimfa mula sa kusina. "Mabuti at nandito ka na, God. Kanina pa naghihintay sayo sina Don Thiago." Saad ni Ate Nimfa. Inilapag niya ang dala niyang meryenda sa lamesa at dali daling pumunta sa itaas.

"Nakita ko kanina ang ginawa mo, God." Sabi ni Papa. I didn't look at him, they.

"Napakatigas talaga ng ulo ng anak mo, Thiago. Nakita mo na? Kung pinadala-"

"Kaya nga po ako lumalayo layo sa inyo dahil ayaw ko pong madamay kayo. Ngayon bakit nandito kayo?" Inis kong tanong. Ang akala naman ng babaeng ito kung sino siya.

"Aba't sumasagot kana ah!" Akmang sasampalin niya ako pero agad dumating si Ate Nimfa. Hinawakan niya ako saka inilayo kay Nathalia.

"Tama po si Señorita Godelaine, Señora Nathalia. Nag palipat po ng ibang school si Señorita dahil gusto na po niyang lumayo sa inyo. Ngayon kung nais ninyo pa pong mapahiya ang pangalan ninyo guluhin at ipaglandakan ninyo sa lahat na anak sa labas si Señorita Godelaine." Mahabang sabi ni Ate Nimfa. Napangisi ako. Puno ng sakrasmo ang pagkakasabi ni Ate Nimfa kaya naman umangat ang kulay ni Nathalia.

Inis siyang nagmartsa palabas. Si Papa naman ay walang magawa nang talikuran ko. Napabuntong hininga na lamang si Ate Nimfa saka tumalikod na din.

**********

"Ano ang balak mo?" Tanong sa akin ni Ate Nimfa. Umiling na lamang ako dahil pareho kaming nakaharap sa salamin na malaki dito sa kwarto ko. Pinupunasan niya ang buhok ko dahil bagong ligo ako ngayon.

Tinignan ko ko siya sa salamin. Bata pa si ate Nimfa. Nasa 30 years old lamang siya pataas. At masasabi kong maganda talaga siya. Matangos ang kanyang ilong. Ang mga mata niya ay katamtaman lamang. Her skin was like porcelain. "I honestly don't know what to do anymore. Ayaw ko na pong maging malapit sa kanila."

Rinig ko ang buntong hininga niya. "Nasa iyo pa rin ang desisyon, Señorita." Nakangiti niyang sabi.

Honestly, it doesn't really matter to me if we're okay or not. Gusto ko lang mag karoon ng mga kaibigan at makilala bilang isang Montreal, not as Narvaez.

**********

Lumipas ang isang taon ay mas lalo pa kaming naging magkakaibigan. Kung saan sila pupunta ay doon din ako. Never kaming umuwi nang malungkot dahil kung ano anong trip ang gusto naming magawa. Isang taon ko na rin tinatago sa kanila ang katotohanan. One year they didn't even know I was a bastard.

Si Austin ang palagi kong nakikita sa loob ng mansion dahil doon daw siya nag tatrabaho. Samantalang sina Luis, Irish, at Aldrin ay palagi rin silang sinasamahan. Mabuti at wala akong imahe sa loob ng bahay na iyon kaya ayos lang sa akin.

Sa tuwing dinadala ako doon ni Papa ay dapat sa pilitan dahil hindi talaga ako sumasama sa kanya.

"Kailangan mong malaman Godelaine ang pagpapatakbo ng isang hacienda ay hindi biro." Paliwanag sa akin ng aming Lolo na si Don Pablo. Nakikinig lamang ako sa kanya dahil wala naman akong balak na tulungan sila.

Mabait si Lolo Pablo. Ama siya ni Nathalia. Malayong malayo sa ugali ni Nathalia. Nababakas sa mukha ni Lolo Pablo ang pagiging isang mestizo. Nananalaytay sa dugo niya ang dugong banyaga na minana rin ni Nathalia.

Habang si Papa naman ay isang kastila na mayroong asul na mga mata. Ang ina ko ay isang Brazilian at Italian.

I just pouted and didn't say anything. "Alam mo, God kung sakaling mawala man ako dito sa mundo ikaw ang gusto kong mag mana nito." Natigilan ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa lawak ng hacienda namin.

"Bakit ako po, Don Pablo?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya saka marahang yumuko sa harapan ko.

Tinitigan ako ng maberde niyang mga mata. "Dahil ikaw si Godelaine." Saad niya sabay tawa. Nginusuan ko na lamang siya.

Kahit hindi kami magkadugo ay siya pa ang mas unang nakakaintindi sa akin. Siya pa ang unang nakakaintindi sa nararamdaman at kinalalagyan ko dito sa mundo. "Hindi ninyo naman po ako sinasagot ng maayos e." Kunot noong sabi ko.

Mahina siyang natawa. "Godelaine, makinig ka sa akin. Tinuturuan kitang matutunan ang lahat ng ito dahil gusto kong malaman mo na may tiwala ako sayo." Parang biglang hinaplos ang puso ko. Sana ay lahat ng tao ay ganito. "Nakikita ko sayo ang kapalaran ng isang mabuting pinuno sa isang hacienda."

"Bakit sa akin mo po sinasabi iyan, Don Pablo? Andito po si Laia." Kumunot lamang ang noo niya.

"Dahil naiiba ka sa lahat."

"Don Pablo, pasensya na po ayaw ko lang pong isipin ng inyong anak na baka binibilog ko ang ulo ninyo." Saad ko.

"Triana." Napatingin kaming parehas sa pamilyar na boses na tumawag sa akin. May kung ano sa puso ko ang parang tinutusok ng paulit ulit.

Nasasaktan ako. Sa apat na taon akong naghintay bakit ngayon lang ulit siya bumalik? Bakit ngayon lang ulit siya?

Nangilid ang luha ko. Para akong tuod na nakatitig lang sa kanya. Gusto ko siyang sigawan. Gusto kong sabihin sa kanya na galit na galit ako sa kanya! May anak siyang iniwan at inapi dahil iniwan niya.

"Anak ko." Aniya sabay lapit sa akin. Namalayan ko na lang nakahawak siya sa mga braso ko. Kunot noo ko siyang tinignan. "Anak ko. Ang laki laki mo na." Mangiyak ngiyak na saad niya.

Namasa ang mga mata ko ko. I didn't know what to say. "Triana, ang mama mo ito." Saad niya habang nakaluhod sa harapan ko. Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko.

Sa gilid ng aking mga mata nakita ko sina Papa, Laia, Kuya Aizan, at Nathalia. Sa kabilang banda may roon isang lalaking naka suot ng suit. "Halika na, anak. Dadalhin na kita sa amin. Iuuwi kita doon. Doon marami kang magiging kaibigan." Akmang hahawakan niya ako ay agad kong hinila ang kamay ko. Kunot noo niya akong tinignan....

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now