Chapter 28:Dearest

99 4 0
                                    

Dearest

Triana Godelaine Montreal Narvaez

Nang matapos ang kanta ay nanginginig ang mga kamay kong binitawan siya. Mula sa kabilang banda ay kitang kita ko kung paano ako kasuklaman ni Cindy gamit ang kanyang mga tingin.

Napangisi ako sa kawalan at natatawa na hindi ko malaman. Nakakabaliw isipin na ang lalaking gusto niya ay ako pa rin ang hinahabol magpahanggang ngayon.

"Sister!" Maarteng sigaw sa akin ni Laia. Nakasuot siya ngayon ng champagne dress. Ang kanyang buhok ay nakalugay. Kumapit siya sa braso ko na akin namang ipinagtaka. "Yah know yung mukha ni Cindy kanina." Tawa niya sabay hila sa akin papasok as loob ng mansion.

Nagsimula na silang magparty. "Wala akong pakialam sa kanya." Deretso kong sabi nang makarating kami sa salas. Tawa siya ng tawa dahil paulit ulit niyang ginagaya yung mukha daw ni Cindy. Sa tuwing iniisip kong may pagkapilya rin pala itong si Laia ay napapangiti na lang ako.

Nang bumalik kami sa labas ay kumakain na ang mga tao. May isang malaking cake doon na kulay gold at napapalibutan iyon ng cup cake.

Tumabi ako kayla Luis na tawa ng tawa ngayon. Parang hindi nila alintana na nakabalik na dito ang kaibigan nila. "Kain na, mahal na reyna." Tawa ni Irish. Baliw talaga ang isang ito.

Habang nakain ako ay hindi ko mapigilang hindi halughugin ng tingin si Austin. Asan kaya siya? Napanguso ako dahil hindi ko dapat siya hinahanap.

"God." Tawag sa akin ni Kuya Aizan. Nag angat ako ng tingin sa kanya. He is with a beautiful girl. Nakasuot ito ng pink dress. Maputi siya at mayroong tamang height. "This is Kiana, my girlfriend."

Napatayo ako nang sabihin niya iyon. Inilahad ko ang kamay ko kanya. Ngumiti siya at tumango. "Godelaine, his younger sister." Ngiti ko.

"Yeah. I know you. Sikat ka kaya." Aniya. Sa unang tingin mukha siya madaldal at mabait. Hinawi niya ang buhok niya at sabay silang naupo sa harapan namin.

Medyo natagalan din kami sa pag uusap dahil kwento siya ng kwento. I like her for Kuya Aizan. She's not like Claricci. Tumayo na ako at kinuha ang isang wine glass na mayroong red wine at isang bote nito. I want to stay away from that place. Naglakad ako papunta sa dalampasigan kung saan walang katao tao.

Hindi ako mapalagay sa lugar kung saan maraming mayayamang tao. Nakatayo ako malapit sa bato na malalaki. Pakiramdam ko dito Ako nararapat kung saan malayo sa maraming tao.

Umupo ako sa medyo malaking bato at tinanaw ang liwanag ng buwan na siyang nagsisilbing ilaw sa karagatan.

Umihip ang malamig na simoy ng hangin dahilan para liparin ang suot kong dress. Ang buhok kong nakapusot ay bigla na lang nalugay.

Sinalinan ko ang wine glass at sinimulan inumin iyon. Ang pamumuo ng luha ko ay hindi na mahinto. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Gusto kong mag wala dito.

Why does he now show when I'm okay? Para saktan niya ulit ako? Inubos ko ang kalahating baso at sinalinan ulit iyon ng bago.

Panatag ang dagat at tahimik ang buong paligid. Tanging sa mansion nagmumula ang ingay.

"Palagi ka na lang nasa malayo." Nilingon ko kung sino ang nag salita. Tama ako. Siya nanaman.

Tumingin ako sa dagat at pinaglaruan ang malamig na alak na nakalagay sa baso pero nagulat ako nang hilain niya ito. "Fuck!" Anas ko. Hinila ko ulit yun sa kanya at ininom. Bwisit ang isang ito.

"Don't ever drink wine again." Seryoso niyang sambit sabay hila sa akin noong mismong bote.

"Sino ka ba sa buhay ko para sabihin sa akin yan?!" Inis kong tanong nang hilain ko sa kanya ay medyo natapon ito sa kamay niya ang wine kaya umigting ang panga niya. Ipinakita ko sa harapan niya kung paano ko inumin ang wine na ipinagdadamot niya sa akin.

Into you (Señorita Series No.02)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora