Chapter 06:Pinili

124 7 0
                                    

Pinili

Triana Godelaine Montreal Narvaez

"Gusto kong abutin iyon kasama ka." Nawala ang reaksyon sa mukha ko nang marinig ko ang sinabing iyon ni Austin. Ilang sandali ay natawa siya sa sinabi niya. "Syempre kasama kayo nila Irish." Aniya.

Napangiti naman ako. "Oo." Ilang sandali ay tumayo na ako. "Tara sa bahay." Sabi ko.

Nag tataka naman niya akong tinignan. "Bakit? May pasok pa ako." Sagot niya. Umupo naman ako sa tabi niya at sinamaan siya ng tingin.

"Birthday mo ngayon. Ibig sabihin rest day mo naman. Magkano ba yang kinikita mo sa mga Narvaez na yan at nang mabayaran ko." Taas noo kong saad.

Napakamot naman siya sa pisngi niya saka tumayo. "Halika na nga." Tawa niya.

"Nag paluto pa naman ako kay Ate Nimfa." Sabi ko sabay ngiti. Sabay kaming dalawa na naglakad palabas ng school.

"Ikaw naman? Asan ang mga magulang mo?" Natigilan ako sa tanong niya. Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan iyon ng kalungkutan. 'You've seen my parents for a long time.'

Napansin niya siguro na natigilan aki kaya natigilan din siya. "K-kung ayaw mong mag kwento ayus lang." Bawi niya. Sumalubong sa amin ang malamig na simoy ng hangin kahit na hapon pa lamang.

"Ang mama at papa." Napapikit ako sa inis. What should I say? Pilit kong ngumiti. "They have been dead for a long time." Kumuyom ang kamao ko dahil sa sinabi ko. "Ang Tita ko na lang ang nag susustento sa akin."

Jusko tamaan sana ko ng kidlat! Sobra na to! "S-sorry." Aniya saka lumingon sa akin. Pinilit kong ngumiti at tumango.

"Okay lang naman. Matagal na rin iyon." Sabi ko sabay lakad. I'm sorry, Austin. Hindi totoong patay ang magulang ko. Buhay sila at matagal mo nang kilala. Si Mama ang Donya ng hacienda Montreal at si Papa ang Don ng hacienda Narvaez. At ako? Ang Señorita na walang sariling hacienda.

'Wag kang mag alala, Austin. Sa oras na mapaikot ko na ang lahat ng mga tao dito sa isang ito. Tutulungan kita.'

Natigilan kami sa pag lalakad nang may tumigil sa harapan namin na van. Kunot noo kong tinignan kung sinong sakay nito. Si Laia. Tss. Bumaba siya at lumapit sa amin.

"Magandang hapon po, Señorita Laia." Nagtatakang saad ni Austin. Tumingin naman siya sa akin. Inirapan ko si Laia saka nag bow rin sa kanya. Kapal...

"Pwede bang iwan mo muna kami saglit, Austin?" Tanong ni Laia ng hindi man lang tumitingin kay Austin. Nag tataka pa rin ang mukha nito pero sumunod naman siya. Sinundan ko muna ng tingin si Austin na ngayon ay pumunta sa medyo malayo. "Ang akala mo natutuwa ako dahil ikaw ang bukang bibig nilang lahat!" Galit na sabi niya.

Nginisihan ko naman siya. "Wala akong pakialam kung ako man o hindi." Mahinahon kong anas.

"Look, Godelaine. J

Into you (Señorita Series No.02)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora