Chapter 01:Angel

270 11 0
                                    

Angel

Triana Godelaine Narvaez

Hindi ako natigil kakatakbo. Ayaw kong magpaabot kay Papa kaya lumiko ako sa kakahuyan papunta sa ilog. I was very angry with him. I couldn't believe he would tell me that. Parang kasalanan ko pa dahil nagkagulo doon.

"Godelaine!" Napalingon ako ng marinig ko ang sigaw ni Papa tila pinagsisihan niya nang tuluyan ang sinabi niya sa akin kanina. Nag patuloy ako sa pag takbo. I didn't stop. I won't stop until I'm tired.

Nang marinig ko ang tinig niya ay nagtago ako sa mga kawayan. Naupo ako doon at hinyaang makalayo siya. Takip bibig akong humagulgol.

Lumaki ako sa piling ng mga katulong ko sa nag iisa ng bahay. Doon ako nakatira ng mag isa kasama si ate Nimfa. Doon ako nag lalaro ng mag isa. Doon ako nagkaisip ng walang magulang na nag aaruga sa akin.

Since I was ten years old I have never been with my Mama again. Simula nang makita ko na may sumama siya sa ibang lalaki parang nawalan na ako ng gana. I could not count on Papa to know that he could not fight me.

Now I'm 13 years old. I'm grade 8 student sa isang malaking paaralan.

Natigilan ako sa pag iyak ng marinig ko ang tinig ng mga taong nag sisigawan. Hindi malinaw sa pandinig kung ano ba iyon kaya bahagya akong sumilip sa maliit na butas mga kawayan. "Kuya Arnold tama na po!" Malakas na sigaw ng mga kasing edad ko at tila natataranta pa ito. Pinalo palo nito ang isang binatilyo at walang kahirap hirap na isinulid sa loob ng isang malaking sako at tinalian.

"Kung sino man ang mag ahon sa kanya dyan isasama ko sa loob!" Sigaw ng isang lalaking malaki ang katawan. Namumula pa ito at mukhang lasing pa.

Binuhad niya ang sako at pinaanod sa tubig. Nanlaki ang mga mata ko dahil ano mang oras pwedeng mamatay ang binatilyong sa loob. Gumagapang pa ang kaba sa dibdib ko at tila ayaw pang patigil din ng lalaking nasa itaas.

Nagsitakbuhan ang mga binatilyo at isang dalagita sa puno at kating kati nang tulungan ang kaibigan sa loob ng sako. Anger raced through my chest. My eyes were darkened.

Isang babae at dalawang lalaki ang gusto gustong talunin ito mula sa taas. Napatingin ako sa ilog. Mas lalo akong nagulantang nang nakita kong nasa malalim na parte na ng ilog ang binatilyo. Agad akong lumabas sa pinagtataguan.

All my life I have just witnessed it. Para akong nakakakita ng isang nakakabaliw na eksena. Siguradong kahit sino ay hindi patutulugin sa oras na maalala mo ang pakiramdam ngayon ng tao na nasa loob ng sako.

Dali dali akong tumakbo sa ilog at pilit na nilakad ito. Natatakot ako na baka sa oras na languyin ko iyon ay mawala siya sa paningin ko. "Hoy! Ikaw! Lumayo ka dyan kung ayaw mong isunod kita jan!" Saway niya sa akin.

Nagpantig ang tainga ko sa narinig ko. "Gawin mo!" Sigaw ko ng hindi lumilingon sa kanya. Siraulo ata tong lalaking ito. Habang tumatanda ay umuurong ata.

Nagsigawan ang mga kaedaran ko at agad tumakbo. Napalingon ako alam kong pababa na sila dito. Ang dress ko ay umaangat pataas pero hindi ko iyon pinansin dahil may short naman ako.

Sumikip ang paghinga ko nang hanggang leeg ko na ang tubig. Nilingon mo ang lalaking nasa itaas. Wala na siya roon. Patay ka sa akin pag nakita kita ulit.

Nang lumampas sa akin ang tubig ay agad akong lumangoy papalapit sa kanya. Mabuti at marunong akong lumangoy. Nanlaki ang mga mata ko nang makita hindi na gumagalaw ang tao sa loob ng sako. Mabilis akong nagtungo doon. Inahon ko ang ulo ko dahil hindi na ako makahinga sa ilalim.

Bigla akong nanginig nang makita kong mahigpit ang pagkakatali sa kanya. "Pano to?!" Inis kong anas. Halos mawalan ako ng lakas sa sobrang higpit pa ng pagkakatali!

Nang matanggal ko ang tali ay agad kong binuksan ang sako. Agad siyang napahinga ng malalim. Kitang kita ang pamumula ng mga mata niya.

Parehas kaming napasigaw nang bigla kaming tangayin ng pag agos ng tubig sa ilog. Parang may humila sa amin pababa at parehas kaming napalubog sa ilalim. Ramdam kong hinawakan niya ang kamay ko at pilit inaangat pataas pero hindi ko magawa dahil para kaming hinihila.

Napatitig siya sa akin habang narito pa rin kami sa ilalim ng tubig. My world seemed to stop when I saw his face closely. His brow. His red lips. His narrow nose. And his perfect eyes.

Pakiramdam ko mamamatay na ako dahil sobrang lalim ng ilog na napuntahan namin ngayon. Nanlaki ang mga mata ko nang mas lalo kaming tangayin malayo. "Austin!" Rinig kong sigaw ng mga kasama niya. Mahina na iyon at tila malayo na talaga kami.

Gustuhin ko mang lumangoy pabalik pero wala na akong lakas. Masyado akong pinagod ng paglangoy ko kanina at pagdala dito. Hinawakan niya ang pisngi ko na ikinagulat ko.

Sumenyas siya sa akin na wag akong mag alala. Tumango lamang ako at nagpaakay sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin nang makaahon kami. Nandito kami ngayon sa ilog. Para kaming basang sisiw na walang matirahan.

"Nasan tayo?" Tanong ko pa. Hindi ko siya masagot dahil wala akong pakialam kung okay man ako ngayon o hindi ang mahalaga malaman ko kung asan ako! Baka di kami makauwi. Hindi ko kabisado ang hacienda ni Papa.

Napatingin ako sa kanya. Ngayon ko lang na pansin na dumudugo pala yung noo at ilong niya. "Your forehead and nose are bleeding." Taranta kong sabi. Kumalabog ng malakas ang puso ko. Di ko alam kung anong gagawin. Ngayon lang ako nakakita ng ganoon.

Napahawak siya sa ilong niya. Hindi ko nakita ang gulat sa mukha niya na parang sanay na sanay na. Napapikit na lang siya at bahagyang tumingala. Napatingin ako sa dress ko. Agad kong pinunit ang laylayan nito at binasa ulit sa ilog.

Napalunok ako nang umupo ako sa harapan niya. "H'wag kang palaging nagpapabubog sa Papa mo." Ani ko sabay punas sa ilong niya ng tela ng dress ko. "Pwedeng mamuo ang dugo sa ulo mo o hindi kaya ay ikabaliw mo pa yan." Paalala ko.

Hinawakan ko ang baba niya. Nagulat ako nang makita kong nakatingin siya sa akin kahit na hindi ginagalaw ang ulo niya. "Sino ka?" Natigilan ako sa tanong niya.

Sinubukan kong sabihin kung sino ako pero naalala ko yung sinabi sa akin ni Papa kanina. 'Wag mong pinapahiya nang ganoon ang asawa ko! Anak lang kita!' Sinubukan kong ngumiti. Pero hindi ko magawa dahil sumisikip ang dibdib ko. "Ako nga pala si Godelaine." Pakilala ko. "Austin?" Tanong ko. Alam ko na ang pangalan niya. Sigaw pa lang ng mga kaibigan niya ay paniguradong hindi ko na makakalimutan iyon.

Bahagya siyang ngumiti at tumango. "Pasensya na." Sabi niya habang nakaupo kami parehas ngayon dito sa tabi ng ilog.

Ngumiti ako. "Ayos lang." Kinuha ko ang bato sa lupa at binato sa ilog. "B-bakit ayaw mong iwan yung papa mo?" Tanong ko. Sandali ko siyang tinignan pero tulala lang siya.

"Hindi ko siya Papa, Tito ko siya." Saad niya. Magsasalita pa sana ako pero mula sa malayo ay narinig ko ang sigaw ng mga kaibigan niya.

"Austin!" Hingal nilang sigaw saka lumapit sa kaibigan. Napangiti ako nang nakita kong nag aalala talaga sila sa kaibigan. Hope he is like me too. Buti pa ang isang ito may kaibigan.

"Ayos ka lang ba? Nag alala kami sayo!" Mangiyak ngiyak na saan ng isa sa kanila.

"Oo nga! Kala ko hindi–"

"Godelaine!" Sabay sabay kaming napatingin sa sumigaw ng pangalan ko. Napatayo ako nang makita kong si ate Nimfa iyon. I could see the worry on her face. Dali dali siyang lumapit sa akin at cheneck kung may mga sugat ako o wala. "Jusko! Ano bang nangyari?! Mayayari ako nito kay Don--"

Agad kong pinutol ang sasabihin niya. Hanggat maari ayaw kong malaman nila na anak ako sa labas ng isang Don Thiago Narvaez. Baka mamaya ay ayawan din nila ako tulad ng ibang tao. Napakamot sa ulo si Ate Nimfa.

"Ayos kana ba, hijo?" Tanong ni Ate Nimfa kay Austin na ngayon ay inaalalayan ng mga kaibigan.

"O-opo." Nakangiting saad niya sabay iwas ng tingin.

"Uuwi na kami. Mag iingat kayo ah." Paalala ni ate Nimfa. Ayaw ko munang dalhin sila sa bahay dahil paniguradong andoon si Papa.

Tumigil ako sa pag lalakad. "Be careful again." Nakangiti kong saad.

I want them to be friends. Napahanga ako sa ipinapakita nilang pag aalala sa bawat isa. In them I see friendship without leaving.

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now