Chapter 34:Fine

79 4 0
                                    

Fine

Triana Godelaine Montreal Narvaez

Hindi ko alam kung anong klaseng kasalanan ang nagawa ko sa mundo kung bakit ganito niya na lang ako parusahan.

Napapikit ako ng mariin. Damn, I love him...so badly. Ilang beses nag ring ang phone this morning pero wala ako ni isang sinagot. Siya lang naman ang tumatawag sa akin.

Ayaw kong maging makasarili. Tama si Señora Viviana hindi ako bagay sa apo niya, dahil anak ako sa labas. Bullshit! Ginusto ko ba ang lahat ng iyon?

Ipinilig ko ang ulo ko. Nakahiga ako ngayon dito sa loob ng kwarto ko at habang sunod sunod na tumutulo ang mga luha ko. Sobrang sikip ng dibdib ko.

Hindi ko nilingon ang pintuan ko nang bumukas ito. I know who dared to come in my room. Naglakad siya papalapit sa akin. May dala siyang tray. Umirap ako at tumagilid para hindi ko siya makita. Lalo lang akong naiinis sa presensya niya.

"Do you really not do anything for me as a mother?" Tanong ko nang hindi siya nililingon. Hindi siya kumibo. "Isa ka sa mga dahilan kung bakit ako nasasaktan. Masaya ka na ba?"

Sa inis ko ay bumangon ako. Nakahilig siya sa vanity ko. "Sabihin mo sa akin. Ano iyon? Gagawin ko?" Tanong niya.

Malakas akong tumawa. T*ngina lang. Tinakpan ko ang bibig kong hindi maawat sa pag tawa. Hanggang sa humiga ako at damang dama ang maiinit na luhang kumakawala na naman sa mga mata ko.

"Grabe." Sabi ko nang tumigil ang luha ko. "Kung alam ko lang noong hindi pa ako pinapanganak na ikaw ang magiging ina ko sana hindi na lang ako pinanganak." I say with a serious tone of voice. Nang umupo ako ay sumandal ako sa headboard ng kama dahil naninikip ang dibdib ko.

"Alam kong hindi ganoon kadali ang mapatawad na lang ako–"

"Hindi talaga kita mapapatawad because of that fucking shit." Seryosong tugon. "Hindi ka ba nag sasawa?" Tanong ko. "Isa ba akong malaking kasalan–"

"At kung oo, Triana? Is there anything else you can do?" Seryoso rin niyang tanong.

Tumawa ako ulit. Ang init ng pakiramdam ko ay nandyan na naman. "Bakit gusto mong ibigay sa akin ang hacienda mo?" Tanong ko. Mula sa pagkakatago ng aking mga kamay loob ng kumot ay damang dama ko ang pagiging malamig ng dulo ng daliri ko. "Because you can see the outcome of the hacienda Narvaez from my arms?" Walang reaksyon ko siyang tinignan at kitang kita ko ang galit sa mga mata niya.

"Hindi yan totoo. Ipina pamana ko sayo ang hacienda Montreal dahil gusto kong makabawi sa lahat ng pagkukulang ko sayo." Tumulo ang luha niya.

Kinagat ko ang labi ko. Gusto kong sigawan siya pero ayokong kalimutan na ina ko any isang ito. "Hindi isang hacienda ang kapalit ng lahat ng pagkukulang mo sa akin." Deretso ko siyang tinignan. "Ang kailangan ko hayaan mo na ako, umalis ka na."

"Triana--" hindi niya pa natatapos ang sasabihin niya nang tumayo ako sa kama at tinapon ang mainit na sopas niyang dala-dala sa tiles.

"Mula sa pag iwan mo sa akin. Hanggang sa pag kunsinte mo sa ampon mong pakasalan ang lalaking mahal ko ay wala ka ng karapatan sa akin!" Sigaw ko. Napahawak ako sa dibdib kong naninikip. Nanghihina kong itinuro ang pinto. "Get out of here in my room!" Mariin kong sabi.

Umiling iling pa siya bago umalis. Napapikit ako at sumandal sa paanan ng kama ko. Hindi ko mapigilang umiyak ng malakas.

Patawarin sana ako ng Diyos dahil sa ginawa ko. Hindi ko gustong sigawan at magalit sa kanya ng ganoon. Alam kong ina ko siya pero hindi ko alam. Hindi ko na talaga alam.

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now