EPILOGUE

177 7 1
                                    

Triana Godelaine Montreal Narvaez

Nandito na kami sa wedding reception. Romantic ang lahat dahil gabi na at punong puno ng mga christmas lights at gold bulbs. Sobrang ganda at sobrang laki.

Inabot sa akin ang bouquet ko. Oras na para ihagis ang bouquet na ito. Tumalikod ako. Sabay sabay kaming bumilang.

"One....."

"Two....."

"Three....."

Pagbitaw ko niyon agad akong lumingon. Napawi ang ngiti ko pero natawa agad nang makita kong tulala si Laia na hawak hawak ngayon ang bulaklak. Nakatitig lang siya dito pero biglang umatras ang ulo niya at hindi makapaniwalang nakatitig dito.

Dali dali siyang tumakbo sa akin. "Tingnan mo, Sister! Sabi ko sayo ikakasal na rin ako. Hindi tulad ng iba jan." Parinig niya at agad na tinapunan ng tingin si Kuya Aizan na ngayon ay dinilaan siya.

"Oo na. Edi ikaw na. Akala naman nito may boyfriend s'ya!" Pang aasar ni Kuya Aizan. Natatawang hinampas ni Kiana si Kuya Aizan sa braso.

Nagtawanan ang mga tao dito dahil silang dalawa talaga ang hindi nagkakasundo. Ako naman ay nagiging mukhang audience pag nag aaway silang dalawa sa harapan ko.

Hanggang sa nakaabot kami sa laro na garter toss removal. Napayakap ako kay Austin dahil sa matinding tawa. Si Irish at Luis ang naglalaro noon dahil iyong ang plano namin.

Umupo si Irish sa isang upuan. May nakasuot na garter sa kanyang legs. Kamot kamot sa ulo naman si Luis habang dahan dahang lumuluhod sa harapan niya. Walang blindfold na nagaganap.

Tinakpan ni Irish ang bibig niya dahil sa sobrang tawa at para siyang nakikiliti na hindi maipaliwanag. Puro couple games ang naganap. Minsan pang sumali si Papa at Nathalia. Halos mawala ako sa katinuan kakatawa dahil sa mga nasasaksihan ko.

After that nag cut kaming dalawa ng four layer cake. Napangiti siya at hinawakan ako sa bewang. Nakaupo kami ngayon dito sa kulay puting sofa na nilagyan ng mga bulaklak. Hindi mawawala ang message from family and friends.

Nakatayo ngayon si Luis sa isang platform kung saan napapalibutan ng bulaklak. May spotlight rin sa kanya pati sa aming dalawa ni Austin. "What's up mga tropa ko! Hindi ko akalain na may something sa inyong dalawa noong high school pa lang tayong lima. Pero sana wag na kayong mag aaway ah. Wag mong aawayin si Austin ng walang dahilan, God." Tawa ni Luis. "Umiiyak kasi siya pag galit ka sa kanya." Napatingin agad ako kay Austin. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Luis...." Mariing suway niya dahilan para nagtawanan kami. "Hindi yun totoo." Bulong niya pero hindi ako kumbinsido. Alam ko namang hindi magsisinungaling si Luis.

"Yun lang. Basta maging matured na kayong dalawa. Hindi yung para kayong bata." Aniya sabay bigay kay Irish ng mic.

Sa dami nilang sinabi ay umabot na kami sa puntong tumayo si Austin at inilahad ang kamay niya sa akin. Napatingin ako doon. "Can we dance?" Ngiti niya. Agad kong tinanggap iyon at sumunod sa kanya.

Nakapwesto ang kamay ni Austin at ipinatong ko iyon. Isang marahan at nakakaheleng sayaw ang ginawa namin. Dahan dahan pero damang dama ang pamilyar na kanta.

I came to you and never asked too much

Wondering what you would say

Hoping you'd understand

It's not a role I usually play

Don't speak too much of what's been going on

The past is over and gone

Give me your troubled mind

You know it's used

I can do so much for you≈

Kasabay ng pagkanta ng bawat liriko ay ang pagsabay niya sa kanta. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanya.

I want you

Having you near me, holding you near me

I want you to stay and never, never go away

It's so right

Having you near me, holding you near me

I'll love you tonight, it feels so right

Feels so right≈

Tapos na ang party sa reception kaya andito kami ngayong dalawa ni Austin sa bahay niya. Nakasandal ako sa balikat niya habang tinatanaw ang city lights. Nakaupo kami ngayon dito sa pinakamalaking balkonahe ng bahay niya.

"Hindi ka pa inaantok?" Tanong niya sa akin. Umiling ako at ngumiti. Huminga na lang siya ng malalim at niyakap ako  mula sa likod niya.

"Kanina..." Mahina kong sabi at tumingin sa kanya na hinihintay ang sasabihin ko. "About what Luis said. Is that true?" Tanong ko.

Bumagsak ang tingin niya sa kamay ko. Hinawakan niya iyon. "Hindi ko gustong nag aaway tayo. Hindi ko rin gustong galit ka sa akin. Nasasaktan ako sa tuwing pinagtutulakan mo ako sa iba o lumayo na ako sayo." He kissed my hand. "Mahal na mahal kita kaya ayaw kong nakikitang galit ka sa akin."

Parang dinurog ang puso ko dahil sa sinabi niya. Fuck. Ang sakit marinig mula sa labi niya ang mga ganoong klase ng salita. Hindi ko alam na umiiyak din siya pag nangyayari iyon. Nagmumukha tuloy akong immature sa aming dalawa.

"Sorry..." Mahina kong sabi. As he did so I kissed his hand as well. Humarap siya sa akin at sinimulan akong paulanan ng halik. Ipinagdikit niya ang mga ilong namin at muli akong danampian ng halik.

Napasigaw ako nang buhatin niya ako papasok sa loob ng kwarto niya. He laid me on his big, soft bed. Naupo ako nang tumalikod siya at may kinuha.

Lumabas siya sa kwarto at hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Napaayos ako ng upo nang biglang bumukas ang pintuan.

Pumasok siya nang mayroong dalang 12 roses. "What's this for?" Tanong ko sa kanya. Pansin ko agad ang pekeng rosas.

Umupo siya sa gabi ko. "It's a sign of my love for you." Pagkasabi niyang iyon ay marahan niyang kinuha muli sa akin ang mga rosas. Napangiti ako the same time hinalikan ko ang pisngi niya.

Natigilan siya pero mas natigilan ako nang hinalikan niya ang labi ko. Inilapag niya ang mga rosas sa gilid ng kama. "I love you 'till the last roses dies." He said between our kisses.

"I love you 'till I die." I whispered in his ear.

I'm Triana Godelaine Narvaez my love story is over.

Into you (Señorita Series No.02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon