Chapter 08:Pag tingin

121 6 2
                                    

Pag tingin

Triana Godelaine Montreal Narvaez

Sa inis ko ay nagawa ko iyon. Nakakabwisit. Hindi ko naman siya ginagalaw, pero ang lakas ng loob niyang sabihan ako ng kung ano ano.

Pag dating ko sa tabi ng ilog ay naabutan ko doon sina Austin, Irish, at Aldrin na nag hahanda ng mga plato. "Halika dito, Godelaine!" Sigaw sa akin ni Irish. Tumango naman ako at nag lakad papunta sa kanila. Sumunod na dumating si Luis na may dala ng pitchel at baso. "Kakain tayo dito."

I smiled at how happy they looked. "Eto lang yung ulam doon sa bahay." Ani Aldrin sabay bukas ng mangkok na may lamang adobong pusit. Sumunod na binuksan ni Luis ang dala niyang pulang mangkok. May laman naman itong penakbet. Ang kay Irish naman ay pritong talong na may sasawan na toyo na nilagyan ng sibuyas, kalamansi, at kamatis. Kay Austin naman ay nilagang baboy.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Bakit kasi hindi ko alam na kakain sila dito? Tuloy ay hindi ako nakadala ng pag kain. "Upo kana, Godelaine. Sa susunod kami naman ang pakainin mo." Pabirong sabi ni Aldrin.

Natawa naman ako at umupo sa tabi ni Luis. Napatingala ako kay Austin pero nagulat ako nang makita ko siyang nakapanghalumbaba at walang reaksyong naka tingin sa akin. Inangatan ko siya ng dalawang kilay na parang nag tatanong pero ngumisi na lang siya sa akin. "Pag si Godelaine na tunaw sige." Nakangising saad ni Luis sabay iwas ng tingin na akala mo ay kinikilig.

Umiwas din ng tingin si Austin na parang kinikilig. Napansin kong namumula ang tainga niya. Lakas ng tama ng isang ito. Anong problema niya?

Napangiti ako nang makita kong nag kakamay sila habang kumakain. "Hindi ata marunong mag kamay si Godelaine." Ngisi ni Luis sabay tingin Austin. Agad naman akong nag iwas ng tingin habang umiiling.

Sa gilid ng aking mga mata ay kitang kita ko siya he was staring at me. Wtf? "Gusto mong subuan kita?" Hindi ko maipakita ang ngiti ko. I feel like I'm blushing.

"H-hindi okay lang–" Halos mapatalon ako nang bigla siyang umupo sa tabi ko.

"Ahhhh." Aniya na pinapanganga ako.  Tatanggi pa sana ako pero parang di ko na alam. Bahagya kong ipinag hiwalay ang mga labi ko. Natawa kaming lahat ng ginawa niya akong batang pinapakain niya. Parang ginagawa niyang eroplano ang kamay niya at pinapatama sa noo, ilong, at pisngi ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ba?!" Natatawa kong sigaw. Napatingin ako kayla Luis na ngayon ay tawa ng tawa. Nang isubo niya sa akin ang kanin ay mahina kong kinagat ang kamay niya. Magkahalong sigaw at tawa niya ang bumalot sa buong paligid.

Nag tawanan kami kaya naman napuno ng ingay ang paligid. "Ganito yan dakutin mo yung kanin saka mo isubo. Nang walang pag aalinlangan." Sabi niya sabay kain ng marami. Nag tawanan naman kami dahil puno yung bibig niya ng pagkain.

Kinuha niya ang kamay ko saka tinulungan kung papaano. Bakit kasi hindi ko sinusubukan mag kamay sa bahay? Gustong gusto kong pigilan yung tawa ko pero hindi ko magawa.

Natigilan kami nang may humintong kotse sa likod namin. Sabay sabay namin iyon nilingon. Bumaba ang driver at binuksan yung backseat. Nakangiting bumaba si Cindy na may dalang maliit na speaker. Nakasuot siya ng blue shirt at pants. Pinarisan niya ito ng puting sapatos.

"Hi guys!" Nakangiti niyang sabi. Paano niya nalaman na dito kami nag tatambay? "Sorry ngayon–oww kumakain pala kayo." Nakangiting sabi niya.

"Oo. Tapusin lang namin ito." Saad ni Aldrin sabay kain. Umupo siya sa tabi ni Austin habang inaayos yung speaker. Pag katapos naming kumain ay tahimik akong sumunod sa kanila papunta sa liblib na lugar kung saan kami mag papractice.

"So...What is your plan?" Kagat labing tanong ni Cindy. Napatingin sa akin sina Irish at Luis.

Napa hah naman ako pero agad akong  napangiti. "Alam ninyo naman yung dance partner diba?" Tanong ko. Lumiwanag ang mukha ni Cindy saka lumapit kay Austin.

"S'ya na lang partner ko." Masayang sabi niya. Parang nawalan ako nang gana sa sinabi niya. Pinilit kong mag isip ng maayos pero naiinis ako. Nahagip ng mata ko si Irish na walang reaksyong naka tingin sa kanya.

"Anong sunod?" Tanong sa akin ni Luis. Napakagat na lang ako sa labi saka tumingin sa ere na tila nag iisip. Hanggat na pipigilan ko ang inis ko ay gagawin ko.

"Mag sosolo perform ako." Saad ko sabay hawak sa braso nina Luis at Aldrin. Hinawakan ko si Irish papunta sa gitna nina Luis at Aldrin. "Sa una lahat tayo. Sunod e-exit tayo, Luis, Aldrin, at Luis. Then kayo ang unang lalabas. Pag tapos ninyo e-exit kayo Cindy and Austin. And you three will dance at ako naman mag isa."

Napatili naman si Cindy. Nag simula na kaming gumawa ng step habang si Cindy ay nanunuod lang para gusto ko tuloy siyang sigawan at sabihing pwede bang gumawa ka din ng step. Napagdesisyonan namin na ang unang sayaw namin ay hip hop tutal ay marunong naman silang sumayaw. Si Cindy lang ang problema.

Habang nag papahinga ay naupo sila sa malaking bato habang kami Irish ay panay sayaw. Napangiti ako nang magawan ko ng step ang solo kong sasayawin. Pumalakpak si Irish saka nag thumbs up. "Alam mo God sa itsura mo dapat yung sinasayaw ay sexy dance." Nakangising sabi Irish. Damang dama doon ang pagiging sexy sa sayaw. 'Havana' ang pinatututog kaya sobrang na enjoy ko ito una palang.

"My gosh." Sabi ni Cindy sabay takip ng bibig habang nakangiti. "Super galing mo." Aniya sabay palakpak. Hindi ko siya pinansin.

Hinihingal pa ako na pinapwesto sila ng maayos. Si Aldrin ang gumawa ng step nina Cindy at Austin. Wala akong kibo habang pinapanood iyon. Slow dance ang ginagawa niya. Kung sana...

Kung sana hindi sumali si Cindy malamang sa malamang kaming dalawa ni Austin ang partner. Dahil kung sa oras na ako ang papapiliin siya ang pipiliin ko. Pag kabigkas pa lang noon ni Miss Cantor ay ganoon na sana ang balak ko. Kaya lang...sa isang iglap naglaho.

Napakagat ako sa ibaba ng labi ko. I was annoyed that I couldn't explain. Tiningala ko silang dalawa. Parang may unting kirot sa puso ko ang nangibabaw sa damdamin ko. I'm hurting. Yung mga tawa at halakhak ni Cindy sa tuwing nag kakamali siya. Ang mga ngiti at pag hawak sa kanya ni Austin it was too much for me then.

Sa unang galaw nilang dalawa ay nakahawak si Austin sa bewang ni Cindy. Sunod naman ay iiikot niya si Cindy. Hanggang sa mag iba na ang step niya.

Kita ko ang saya sa mga mata ni Cindy nang iikot siya ni Austin. Nag tama parehas mga mata nilang dalawa. Parang tumigil ang pag takbo ng mundo ko.

Why do I feel this way? Napatingin ako kay Austin. Nginitian niya si Cindy na ngayon ay namumula na. Mag kaibigan lang kaming dalawa at hindi ko ito pwedeng maramdaman.

Nang matapos ang practice namin ay naupo ako sa malaking bato. "Guys...may kukunin lang ako saglit sa car. Pwede mo ba akong samahan, Godelaine?" Aniya sabay ngiti. Nag aalinlangan pa akong tumango pero wala akong nagawa nang hawakan niya ang kamay ko. "May kukunin lang kaming foods guys." Ngiti niya.

Napangiti naman sina Luis. Habang si Irish naman ay nakatingin sa kawalan. Marahan akong tumayo at sumunod sa kanya. Nang makalayo kaming dalawa ay pumantay siya sa akin. "Ang gwapo ni Austin, ano?" Tanong niya sa akin. I nodded. "Tapos ang bait pa." Nakangiting sabi niya sabay hawi ng buhok niya. "Alam mo...habang sinasayaw niya ako kanina ay para akong nakalutang sa ere." Kinikilig na sabi niya.

Hindi naman ako umimik. Nanatiling naka tingin sa daanan. "Godelaine?" Tawag niya sa pangalan ko dahilan para mag taas ako ng tingin sa kanya. "I like him..."

Parang napawi ang lahat ng nararamdaman ko sa araw na ito. Tinuptop ko ang labi ko. "G-ganon ba? Okay yun." Pinilit kong tumango at tumawa. "B-bagay naman kayong dalawa."

"MAMA!" Masayang sabi niya. Napatingin ako sa tinawag niyang mama. Gumuho ang mundo ko nang makita ko kung sino iyon. Kitang kita ko ang pag aalala sa mukha niya.

Anong ibig sabihin nito? Kaming dalawa? Ano?

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now