Chapter 07:Inagaw

129 7 1
                                    

Inagaw

Third Person Point Of View

Buwan lang ang nag daan isa isa nang natutunan ni Godelaine ang mga hakbang patungo sa kanyang plano. Sekreto lang ang kanyang pag sisiyasat dahil sa takot na malaman nila Austin ang katotohanan.

Tanging si Luis lamang ang nakakasama niya dahil si Luis lang talaga ang nakakaalam ng tungkol sa pagkatao niya. "Sa tingin ko po nailagay na po sa truck ang lahat ng mga mansanas na dadalhin sa Manila." Ani Godelaine. Napahanga sa kanya ng tuluyan si Don Thiago at Don Pablo dahil sa kakayahan nito kahit bata pa lamang. "Naibukod na rin po ang mga bulok doon. Ipapabaon ko na lang po iyon sa lupa." Saad ma ni Godelaine.

Napangiti naman si Luis. "Galing mo talaga." Bulong niya. Bahagyang napangiti si Godelaine.

Tumingala si Godelaine kay Don Pablo. "Bukas na bukas din po dadalhin na sa bayan ang mga natira at ipapamigay sa mga tao."

"Bakit ayaw mong ipagbenta iyon, Godelaine?" Biglang sabat ni Laia na ngayon ay kakarating pa lamang. Nakasuot ito ng blue polo at high waist na pantalon. Pinarisan pa ito ng combat boots. Si Godelaine naman ay naka suot ng white long sleeve at green dress sa ibabaw. Bumagay sa kanya ang kulay white flat sandals.

Ngumisi naman si Godelaine. "Bakit hindi?" Mahinahong tanong nito.

"Sinasayang mo lang ang pera na sana ay kikitain ng hacienda." Sabi ni Laia sabay panghimaywang.

Umirap si Godelaine saka bumaling sa mga prutas na natira lamang. Masyadong maliit ang mga natirang mansanas at iba pang prutas na hindi pumasa sa kalidad para ibenta sa mga mall. "Anong gusto mong gawin dito, Laia? Sabihin mo sa akin." Sakrastikong saad ni Godelaine.

"Bakit hindi mo ibenta sa mga tindera sa bayan?" Taas kilay na tanong ni Laia.

Huminga ng malalim si Godelaine. "Hindi ka pa ba nakontento sa iyong kinita?" Kunot noong tanong ni Godelaine. "Paano mo ipapakita ang pagmamahal at pagmamalakasakit mo sa mga nasasakupan mo kung sa simpleng pagkain na ito ay hindi mo maibigay sa kanila?" Tanong sa kanya ni Godelaine.

Napangiti naman si Luis. Habang sina Don Pablo at Don Thiago ay nanonood lang. "Ano nasalanta ng kalamidad?"

"Wala akong sinabing ganon, Laia. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat ka lang mamigay sa tuwing may kalamidad na nangyayari. Subukan mong bigyan ang mga tao. Ang tawag doon ay share your blessing." Saad ni Godelaine sabay talikod kay Laia.

Hinubad ni Godelaine ang gloves niya at inabot iyon sa isang katiwala. "I'm done with my work. Uuwi na po ako." Walang reaksyon sabi ni Godelaine. Sumunod naman sa kanya si Luis.

"Grabe talaga yun si Señorita Laia, no? Parang ewan. Ano bang–"

"God." Napalingon silang parehas nang marinig niya ang tinig ni Don Thiago. Nag tago si Luis sa likod ni Godelaine kahit mas matangkad siya dito. "Salamat dahil pumayag ka."

"Ginawa ko lang iyon dahil gusto kong matahimik na po kayo." Saad ni Godelaine sabay yuko. "Uuwi na po kami." Sabi pa niya sabay talikod. Natulala si Don Thiago sa sinabi ng kanyang anak. Wala na sigurong mas sasakit pa sa salita ng isang anak na may galit sa magulang.

Naka sunod lang si Luis kay Godelaine hanggang sa makalabas sila ng hacienda. Pansin ni Luis ang pangingilid ng luha ni Godelaine. "God, siguro nag sisi na ang papa mo sa sinabi niya sayo noon." Kinakabahang sabi ni Luis.

"Kahit paulit ulit siyang magsisi hindi na mawawala sa isip ko ang sinabi niya sayo akin noon." Bumagsak ang luha ni Godelaine pero agad niyang pinunasan iyon. "Dadalhin ko iyon hanggang mamatay ako, Luis."

Into you (Señorita Series No.02)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin