Chapter 02:Trouble

229 10 0
                                    

Trouble

Triana Godelaine Montreal Narvaez

"Triana Godelaine Montreal?" Tanong sa akin ng bago kong teacher. Naglalakad kami ngayon sa hallway papunta sa classroom. Nagtakbuhan na ang mga students dahil kakatunog pa lamang ng bell. "Ikaw ba ay anak ng isang banyaga?" Tanong niya sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya. Sasagot na sana ako pero may sumingit sa likod ko. "She is my daughter, Miss." Napawi ang ngiti ko nang makita ko si Papa at may kasamang baklang teacher. Nagulat naman ang teacher na nasa harapan ko.

"Don Thiago Narvaez, magandang umaga po." Aniya sabay yuko. "Anak mo po pala itong si Godelaine, napakaganda." Sabi niya. Walang bakas sa mukha niya ang aalinlangan dahil isa akong anak sa labas.

Alam nang lahat na dalawa lamang talaga ang anak ng Don Thiago. Isang  lalaki at isang babae.

Tumango naman si Papa. "Pwede pakihintay lang saglit dito si Godelaine? Let's talk for a moment." Sabi niya sa akin. Tumango naman ang teacher saka naupo muna kasama ng isang pang teacher.

Inis akong sumunod sa kanya. Nakatayo kami ngayon dito sa harapan ng building ng school. "Bakit ka lumipat ng ibang school nang hindi man lang nag sasabi sa akin?" Walang reaksyon niyang tanong. Kinagat ko ang labi ko. Mabuti na lang talaga walang tao ngayon dito sa harapan ng school.

"Is it not clear to you that I do not want to be with you?" Tanong ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin. "Hindi ko hahayaang hinalain na lang nila ako pababa. Tandaan ninyo po ito. Sa mga oras na ito ayaw ko na pong makilala ako ng lahat ng mga students dito na isa akong Narvaez na anak sa pagpkakamali at hindi kayang ipagtanggol ng sarili niyang ama dahil takot itong masira ang pangalan niya."

"Godelaine, makinig ka sa akin." Mariin niyang sabi sabay hawak sa magkabilaang braso ko. "Sa oras na kalabanin mo ang Tita Nathalia mo hindi ko lang alam kung saan ka pupulutin." Aniya.

"Sa mga sinabi mo po hindi ko lang alam kung ama pa ba kita. Pinapatunayan mo lang na hindi mo ako kayang ipaglaban. Parehas lang kayong dalawa ni Mama." Gusto kong siyang sigawan at sabihing 'Pareho kayong walang kwentang magulang.'

"Pasensya na po, Don Narvaez at Señorita Godelaine pero kailangan na nating pumasok." Magalang na sabi ng baklang teacher. Tumango si Papa.

Habang naglalakad kami nina Ma'am Degiya at Sir Chandra sa hallway ay sandali akong natigilan dahilan para mapahinto rin sila at takang nakatingin. "I just wish you would never tell anyone about this."

Ngumiti naman silang dalawa. "Oo naman." Saad ni Sir Chandra.

Pagdating namin sa room ay sigawan ng mga estudyante ang sumalubong sa amin. Pero nang sumigaw ang isa ay nag sitakbuhan sila sa kani-kanilang upuan.

Napawi ang ngiti sa mukha ni Ma'am Degiya at istriktong naglakad papasok sa room. "Maiwan na kita dito, Señorita." Yumuko si Sir Chandra kaya yumuko na rin ako upang magbigay galang.

"Maupo kayong lahat. May bago kayong classmate tapos ganyan ang ipapakita ninyo?" Walang reaksyon ang mukha niya. Tumango siya kaya pumasok na ako sa room. Bulungan ng mga estudyante ang sumalubong sa amin. Nakangiti sila at inuusisa ako ng tingin.

"Godelaine?" Tawag sa akin ng isang lalaki. Napangiti ako at kumaway sa kanya. Nag tayuan sila saka kumaway din sa akin. Napatingin ako kay Austin nakangiti rin siya sa akin ngayon. Yung babae lang ang hindi ko nakikita sa kanila.

At the beginning of class, they were very friendly to me. Nakikipag kwentuhan naman ako pero panay lang rin ang tango ko dahil nakikinig ako sa mga tinuturo sa aming lahat.

Into you (Señorita Series No.02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon