Chapter 20:Kahit kanino

105 6 0
                                    

Kahit kanino

Austin De Guzman

"Austin!" Tumigil sa harapan ko si Kuya Joseph dala hawak ang anak niya. "Pakidala ito kay Señorita Godelaine." Aniya sabay kuha ng isang balde. Nagtataka akong sinundan siya ng tingin. Nagmamadali siya na parang may hinahabol. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon.

Binuhat ko ang balde at napangisi na lang. Hindi ko alam kung bakit tila mayroon kakabaing saya ang nararamdaman ko. Andito si Triana Godelaine Montreal, paanong hindi?
Bihira lang siyang nagpupunta dito sa hacienda kaya naman sobrang saya ko pagnakikita ko siya.

Dalawang buwan na rin simula ng magpaalam ako sa mga magulang niya na liligawan ko siya ay pumayag naman ang mga ito. Pati rin si Godelaine ay napapayag ko. Hindi ko alam kung anong klaseng drugs ang babaeng yun at sobrang lakas ng tama sa akin.

Naka ilang liko lang ako nang makita ko ang mga bibe na nakawala. Kumunot ang noo ko. Anyare? Nang lingunin ko ang pand ng mga ito ay nagulat ako nang makita ko sa kabilang banda si Godelaine. Napatingin agad siya sa akin.

Tears streamed from her eyes. Takot na takot siya. "God!" Sigaw ko at agad tumakbo papalapit sa kanya. Nang hawakan ko ang kamay niya ay damang dama ko ang init nito. Tumingala siya sa akin. Namumula at nagluluha ang mga mata niya, pati na rin ang mukha niya.

I tried to pull his hand out but the mud was a bit sticky. Natulala siya mga ilang sandali. Yumuko siya at kitang kita ang takot sa mukha niya. Ilang sandali ay biglang nag angat siya ng tingin. "Kumapit ka." Ani ko.

Nagkaroon siya ng lakas ng loob pero nang may tumalon siguro sa ilalim niya ay nabitawan niya ang kamay ko. Napangisi ako pero inirapan niya lang ako. Kumapit ulit siya. Nang maiangat ko na siya ay bigla nanlaki ang mga mata ko nang matumba kaming pareho sa lupa. Ang mga ilong namin parehas ay magkadikit.

Ilang segundo pa siyang natulala. Damang dama ko ang init ng paghinga  niya. Nagulat na lang ako nang biglang pumikit ang kanyang dalawang mga mata.

My world stopped when I felt his lips on my lips. Kumunot ang noo ko at sinubukan ko siyang ugain pero hindi siya gumagalaw. "God..." Tawag ko. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya pero hindi siya nagigising. "Godelaine."

"Anong nangyari?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Don Pablo. Gulat siyang nakatingin sa apo niya.

"Hindi ko po alam. Naabutan ko lang po siyang nakatayo sa putikan." Sagot ko. Binuhat ko agad si Godelaine na ngayon ay nag iinit ng husto. Agad siyang inasikaso ng mga kasambahay.

*********

"Ayos lang po ba si Godelaine?" Tanong ko nang makapasok sa loob ng mansion. Paakyat kami sa hagdan. Hindi ito ang unang pagkakataong nakapasok ako dito dahil madalas akong inuutasan ni Señora Nathalia mas dala ng pagkain kay Señorita Laia.

Tumango naman si Don Pablo. "Bata pa lang si Godelaine sa tuwing sumasama ng husto ang loob niya o di kaya ay nasobrahan sa pagod ay nagkakaganon siya. Bukod doon ay sa tuwing natatakot siya ng husto." Ilang sandali akong napaisip. Noong nakaraang birthday niya ay nagkaganoon din siya. "Bigla bigla na lang siya aapuyin ng lagnat na parang batang bawal takutin."

Napatango naman ako. I didn't know she was feeling that way. Palagi ko siyang nakikitang malakas at mukhang hindi natatakot. "Matagal na po ba siyang ganoon?"

"Simula noong naglimang taon siya. Noong nalaman niyang anak siya sa labas. Palaging umiiyak at palaging inaapoy ng lagnat. Sa tuwing lalagnatin siya mas gugustuhin niyang may katabi dahil hindi siya basta basta nakakatulog dahil may kakaiba daw siyang nararamdaman." Kwento ni Don Pablo. Naalala ko ang sinabi niya sa akin noon na may weird siyang nararamdaman.

Pagdating namin sa kwarto ay siya lang mag-isa. Nakasuot siya ng polo dress. Nakalugay ang mahaba niyang buhok. Napangiti ako ang ganda niyang tignan lalo na pag ganyan siya, pero mas maganda siyang tignan kung nakangiti siya.

"God..." Tawag ko sa kanya. Tumango sa akin si Don Pablo saka iniwan ako. Lumingon sa akin si Godelaine. "Pasensya na ngayon lang ako nakabalik." Ani ko sabay upo sa tabi niya.

Iginala ko ang paningin ko sa kwartong ito. Mukhang sa kanya ito pero hindi niya ata tinutulugan dahil sa mismong bahay niya siya natutulog.

Kulay puti ang pintura ng kanyang kwarto. Ang kama niya ay light pink at puti naman ang apat na piraso ng unan niya. Ang kanyang kurtina ay kulay light pink din mayroong telang georgette. Sa gitna ng kwarto niya ay mayroong grand piano na mukhang kakalinis lang. Dalawang pintuan doon na sa palagay ko ay cr at closet niya.

She smiled at me and nodded. "I'm sorry nga pala kanina." Sambit niya. Iniwas niya ang tingin niya sa akin dahil alam ko ang tumatakbo sa isipan niya ngayon. Magsasalita pa sana ako pero bumukas ang pinto.

"Pasensya na po, Señorita Godelaine at Señor Austin. Kumain po muna kayo." Aniya. Dalawa silang pumasok. Yung isa ay dala ang kanin at ulam. Yung isa naman ay dala ang juice at tubig. Sa gilid nito ay mag gamot.

Tumango lang si Godelaine saka bumaling sa akin. Sinundan ko ng tingin ang katulong nila pero nagulat ako nang tumingin ako sa kanya ay nakapanghalumbaba ito at nakangisi sa akin. Napalunok ako at nag iwas ng tingin. "Kung hindi ka dumating doon malamang hindi ko na alam ang gagawin ko." Nakabusangot na sambit niya.

Gusto ko sanang matawa dahil ang cute cute niyang tignan. Bihira lang sa kanya ang bumusangot habang naka pout kaya naman parang naninibago ako at talagang hindi ko mapigilan na mas magustuhan siya.

Nang matapos kaming kumain ay nag paalam akong uuwi na ako dahil baka hanapin ako ni Tita Grace. Galing pa naman iyon sa palengke.

Habang naglalakad ako sa hagdan ay nakita ko si Señorita Laia na suot suot ang magarbo niyang long dress. Nakangiti siya hawak ang abaniko niya. "Hi, Austin?" Bati niya sa akin sabay kaway.

Ibow and greet her. "Magandang hapon po, Señorita." Ani ko akmang lalabas na ako ay tinawag niya ulit ako. Napapikit na lang ako at tumayo ng maayos sa harapan. "Sabihin mo sa akin bagay ba ang suot ko?" Nakangiting tanong niya. Pumungay pa ang kanyang mga mata ng tatlong beses saka ngumiti.

Napalunok ako dahil sa ginawa niya. "Austin, can we talk?" Lumingon kaming parehas sa pinggalingan ng pamilyar na boses. Si Cindy.

Nilingon ko naman ngayon si Señorita Laia na napaismid. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Ano naman kaya ang sasabihin ng isang ito? Sumunod ako sa kanya. Naglakad kami papunta sa fountain na bagong gawa pa lang. Nakaukit sa gilid ng  bahagi fountain ang isang babaeng mahaba ang buhok at medyo nahuhulog na ang strap ng suot niya. It was like a goddess bathing in the river.

I think she is Godelaine. From her beautiful eyes, pointed nose, and thin lips. That's who she is. The goddess I know. Sobrang mahal siya ng pamilya niya. Nasabi sa akin iyon ni Don Pablo bago ipatayo ang imahe ni Godelaine sa fountain. 'Gusto kong ipakita sa kanya na kahit hindi ko siya tunay na apo ay mahal na mahal ko pa rin siya. Ipapatayo ang rebulto na iyan bilang isang tanda na mayroong isang dalagitang nabubuhay sa panahon ito na sobrang galing sa paghawak ng hacienda.'

Bumaling ako kay Cindy na ngayon ay nakatingin sa fountain. " I will no longer wonder why many love Godelaine so much. Kayang kaya niyang gawin ang mga imposibleng gawain tulad na lang ng pag mamanage ng hacienda sa murang edad." Ngumiti siya sa akin ng matungkot. I don't know what she wants to convey.

Hindi ako napakagsalita. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin. Gusto ko siyang deretsuhin pero hindi ko magawa.  "I just want you to know that...I like you." Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Bumaba ang tingin ko sa kamay ko. "H-hindi ko kasi alam kung bakit kasi siya pa kung andito naman ako." Nakayuko niyang sabi.

Huminga ako ng malalim. "I'm sorry, Cindy. Pero hindi madidiktahan ang puso kung sino ang magugustuhan nito." Sambit ko. Tanging ang simoy ng hangin at ang ibon lang ang naririnig namin. "Kung natuturuan man siyang siya pa din. Hindi ko siya kayang ipagpalit kahit kanino."

Into you (Señorita Series No.02)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant