Chapter 35:Give me

82 3 0
                                    

Give me

Triana Godelaine Montreal Narvaez

"Sister!" Nilingon ko si Laia na nagtatakbo ngayon. Hawak niya ang isang magandang card. Nang makalapit siya sa akin ay tumalon talon. "Naimbitahan tayo sa fashion week sa Dubai!" Tili niya.

Nalaglag ang panga ko sa gulat. Totoo ba itong naririnig ko? "S-seryoso ka?" Tanong ko.

"Oo! Gosh! Nakita na kasi nila yung mga photoshoot mo, sis. Gusto ka nilang ma-meet." Ipinakita niya sa akin ang passport na dalawa. Ngumuso siya at umirap. "Alam mo namang hindi tayo bati noon pa lang pero I'll do my best naman para makabawi sayo." Napangiti ako sa sinabi niya. Mabait naman talaga ang isang ito. Nauunahan lang ng pagiging inggitera. "Tsaka okay naman na tayo diba?" Ngumiti siya.

"Wala sa akin yun. Ano ka ba!" Tawa ko sabay hampas sa braso niya. Umangat ang dalawang kilay ko nang may maisip akong maganda. "Para makabawi ka na talaga sa akin. Samahan mo 'ko."

Tumagilid pa ang ulo niya na parang nagtataka. Inilapag niya ang invitation at sumunod sa akin. Hawak ko ang kamay niya habang tumatakbo kaming dalawa.

Tumigil kami sa harapan ng puno ng mangga. "Anong gagawin natin jan?" Tanong niya ng nakapamewang. Maya maya ay nanlaki ang mga mata niya. "Wag mong sabihing–"

"Tara." Tawa ko sabay akyat sa puno pero napalingon ako nang hindi siya sumunod sa akin. Nakatingin lang siya sa akin.

"What are you doing, Sis? Gusto mong mahulog?" Maarte niyang tanong. Ngumuso ako at umirap. "You know hindi naman kasi ganyan umakyat sa puno." Tamad niyang sambit. Mabilis niya akong hinawi.

Noon pa lang may kakayahan na siyang umakyat sa puno. Kahit na maarte at maldita siya ay mas gusto niya ng adventure.

I was amazed at what I saw. Hindi siya nahirapan sa pag akyat. "Susmaryosep mga Señorita mahulog kayo jan." Kabadong saad ng magandang hardenero.

Ngumiti ako. "Ayus lang ho kami." Saad ko nang nakatingala kay Laia na ngayon ay nakaupo na sa sanga.

"Bakit hindi na lang po kayo mag patulong?" Tanong niya. Natawa ako dahil sa pangangamba niya, pero napawi ang ngiti ko nang maalala ko nanaman ang nangyari sa amin ni Austin noong nakaraang gabi. Asan na kaya siya? Napailing na lamang ako sa iniisip ko.

"Ano pang hinihintay mo? Tara na!" Tawa ni Laia at agad na umusog para makalapit ako. Sobrang taas nito. Ginaya ko kung saan siya umapak. Halos mapatili ako nang medyo bumigay akong sanga na inaapakan ko.

"Jusko!" Sigaw noong matandang hardenero sa ibaba. Nang lingunin ko ay wala na siya. Umapak ako sa isang sanga at hinihingal na tumingin kay Laia na ngayon ay nangunguha na ng mga mangga.

"Pag ako nakasagi ng dewende dito patay ka sakin." Tawa niya. Natawa na lang ako sa sinabi niya. Pero agad napawi ang tawa ko nang biglang tumunog ang inaapakan kong sanga. Tumunog ito na parang nababaling kahoy.

"Oh my-" hindi na natapos ang sasabihin ko nang bigla akong mahulog pababa. Napapikit ako at kailangan kong saluhin ang sakit ng lupa.

Isang matigas at malapad na dibdib ang sumalo sa akin. Hindi naman pwedeng si manong ito dahil payat iyon. Napahawak ako sa mga siko kong ngayon ay mahapdi.

Dahan dahan akong humarap dito dahil pareho kaming nakatiya at nasa ibabaw niya ako.

Parang kinalampag ang puso ko sa mag kahalong kaba at gulat dahil sa hindi ko inaakalang makikita ko ngayon. Amoy pa lang ng pabango niya ay kilala ko na agad. Dali dali akong tumayo at pinagpagan ang damit ko.

Napahawak siya sa tadyang niya dahil mukhang nasaktan ata. "S-sorry." Sabi ko sabay layo ng unti sa kanya.

Kunot noo siyang tumayo hawak ang likod niya. "Hala!" Sigaw ni Laia na parang gulat na gulat. "Ayos ka lang?" Tanong sa akin niya. Tumango ako. "Ikaw?" Tanong sa kanya ni Laia. Nakababa na pala siya sa puno.

Into you (Señorita Series No.02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon