Chapter 27:Dance

90 4 0
                                    

Dance

Triana Godelaine Montreal Narvaez

Tulala ako habang sinusuot sa akin ang long dress na ginawa mismo ni Laia. Hindi mawala wala sa isipan ko kung paano banggitin ni Cindy ang pangalan ni Austin. Napapikit ako.

"Eto pa." Sabi sa mga nagsusuot sa akin Laia. May georgette fabric inabot dito na kulay itim din. Masyadong nakakatakot suotin ng biglaan ang suot kong ito dahil baka mapunit. Mayroon pa kasi itong kulay balat sa likod. "Sa shoulder mo lang ilagay iyan." Maarteng saad niya tapos pinatong ng konte ito sa kabilang balikat ko at yung isa naman ay kunwaring laglag.

I looked at myself in the big mirror. You can see that my body is shaped. Pero sa kabilang banda ay napangisi ako. Tama...ngayon na ang gabi kung saan babalik sa akin lahat lahat ng mga pinaghirapan ko. Ang sakit at lungkot na dinanas ko. Ang mga masasakit na salita mula sa mga taong mapanghusga. My frustration from love.

"Good evening everyone. Ngayon alam kong na ang lahat sa inyo ay gusto nang makita ang ating tagapagmana. Pero nais ko lang ikwento siya sa harap at likod ng mga tao." Panimula ni Don Pablo. "This kid didn't listen to what I told her about the hacienda. Palagi siyang nakanguso. Palaging bakalobo ang mga pisngi. Palaging boring na boring ang mukha. She was not interested in the hacienda activities." Natawa siya sa sinasabi niya. Alam kong nagsasabi lamang siya ng totoo. "But one day nagulat kaming lahat dahil bigla na lang siyang naging masigasig. We don't know why but we're glad."

Mula dito sa loob ng kotse ay kitang kita ko ang itsura ng buong venue. Mayroong red carpet kung saan ako mamaya lalakad. Ang mga lanterns ay nakasabit sa puno. Rinig na rinig ko rin ang kanyang sinasabi gamit ang earpiece.

"She showed all of us what she was capable of handling in the hacienda. She wants us all to be happy with what she has been doing here in the hacienda. Ngayon...narito siya para maging ina ng ating bayan. Please welcome Triana Godelaine Montreal Narvaez."

Binuksan ng isang personal body guard ang pintuan ng kotse na sinakyan ko bago ako nagpunta dito. Biglang nagflash ang mga camera ng mga tao at media. Kasabay niyon ay ang pagtugtog ng 'Its All Coming Back To Me Now' ng piano version. Nakatingin sa akin lahat ng mga tao. Para akong miss universe na naglalakad papunta sa harapan kung saan mo makikita ang tagumpay na iyong matagal nang inaasam.

Nagpalakpakan ang tao. Kitang kita ko ang ngiti sa kaniyang lahat pero muntik na akong tumigil sa paglalakad nang makita ko si Austin na naka tuxedo na kulay itim. Sobrang gwapo niya. Ang kulay brown niyang buhok ay mas lalong bumagay sa kanya. Pero alam kong sinasabi niyang ngumiti ako kaya ko gimawa iyon nang nanginginig ang aking mga kamay.

Hinawi ko ang palda ng aking dress habang paakyat sa hagdan. Hindi maawat ang pagtibok ng puso ko sa kaba habang nalalapit ako sa stage. Sumenyas sa akin si Kuya Aizan na ngumiti ako. Hindi ko alam pero nahihirapan ata akong gawin iyon ulit. "Good evening everyone." I'm starting. Bumuntong hininga ako at ngumiti. "I just want to say thank you to Don Pablo and Don Thiago who never stopped teaching me how to learn every step of the hacienda handle." Dumausdus sa balikat ko ang balabal na suot ko.

"Tama kayo noong una hindi ako nakikinig sa kanila. Hindi sa ayaw ko kundi dahil sa nag aalinlangan ako dahil nariyan ang kanilang tunay na tagapagmana. Andyan ang dapat pero pinilit nila ako." Bumagsak ang tingin ko kay Austin na ngayon ay punong puno ng paghanga ang mga mata.

I want to go down there and slap him, pero pinigilan ko ang sarili ko baka magkagulo. "But one day I realized that people needed me to take care of their home." Bumuntong hininga ako at ngumiti. "Pero ngayong gabi nakatayo ako sa harapan ninyong lahat para sabihing hindi ko kayo iiwan hanggang sa huli."

Into you (Señorita Series No.02)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant