Chapter 41:Never cry

106 4 0
                                    

Never cry

Austin De Guzman

"I think...Ito na ang tamang oras para tumigil ka na sa panliligaw sa akin."  Napatingin ako kay Godelaine nang sabihin niya iyon. She bites her lower lip at namula ang kanyang pisngi.

May kung anong bumagsak sa sistema ko dahil sa sinabi niya. Mag nagawa akong mali? Malungkot ko siyang tinignan. "Binabasted mo na ba ako dahil hindi ko nagawa ang gusto mong gawin sayo ng manliligaw mo?" Tanong ko sa malamig na tono.

Nalaglag ang panga niya. "N-no. That's not what I mean–" hindi niya tapos ang sasabihin niya nang biglang nag ring ang cellphone ko. Gusto ko siyang patapusin sa sasabihin niya kanina pero napakunot ang noo ko nang si Martina ang tumatawag sa akin.

Tumayo ako at nagpunta sa medyo malayo. "What's that?" Salubong ko sa kanya.

"Mr. De Guzman....si Ms. Danica po nagwawala dito." Napapikit ako nang mariin dahil sa inis. Ano nanaman ang ginagawa ng babae iyon doon?!

"Nag iiskandalo po kasi siya dito sa lobby. Galit na galit." Aniya.

Ginapangan ng iritasyon ang pagkatao ko. Nilingon ko si Godelaine na ngayon ay nakatulala. "Balik na tayo sa hotel." Sabi ko. Pinatay ko na ang linya sa pagitan namin ni Martina.

Tumayo siya at kinuha ang mga kinakain namin kanina. Tahimik kaming nakabalik sa hotel. Hindi nabawasan ang inis na nararamdaman ko kay Danica. Bakit siya nag wawala doon?!

Nang maihatid ko si Godelaine sa hotel ay kita ko ang pagod sa kanyang mga mata. "Matulog ka na. I'm just going to somewhere, I'll be right back." Pag papaalam ko. Nakatulala lang siya at walang imik.

Gusto ko pa sana siyang balikan pero nag ring ang cellphone ko. "Papunta na ako jan. Iakyat ninyo yan sa office ko." Utos ko.

Pagdating ko sa opisina namumutla si Martina at iba pa na sumalubong sa akin. "Where is she?" Malamig kong tanong.

"Nasa itaas na po." Inis akong naglakad papalapit sa elevator. Pag dating ko sa loob ng office ko ay nakita kong ang sama ng tingin na sumalubong sa akin mula kay Danica.

"Hayop ka! Hindi ko alam na may girlfriend ka na pala! Hindi mo ako ininform!" Sigaw niya sa akin. Kumunot ang noo ko. Ano naman pakialam niya? "At talaga si Godelaine pa talaga ang pinunterya mo!"

Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Alam mo ba yang mga pinagsasabi mo?" Tawa ko. Hindi ko alam kung saan banda niya nahuhugot ang mga sinasabi niya sa akin ngayon. "Stop being so much of your mind, Danica."

Hanggat kaya ko ay pinipigilan ko ang sarili ko. "Dahil ba mas mayaman at mas maganda siya kaysa sa akin?" Tanong niya. Tumayo siya at matalim akong tinignan.

Umagting panga ko. "Hindi sa yaman at ganda niya nakuha ang pagmamahal sa puso ko para sa kanya, Danica." Sabi ko. "Sadyang malaki lang talaga ang pinagkaiba ng ibang babae kaysa sa kanya." Saad ko pa.

Tears flowed from her eyes. "Sabihin mo sa akin kung anong mayroon siya na wala ako, Austin?!" Malakas na sigaw niya.

Napahilamos ako sa mukha ko. "Mayroon siya nito!" Turo ko sa dibdib ko. "Mayroon siyang ginintuang puso na siyang nagpakita sa akin na kahit anong lupit ng buhay sa kanya ay hindi siya sumuko."

"No! Ang totoo kasi mayaman siya kaya gusto mo siya!"

Kumuyom ang kamao ko. "Nakilala ko siya bilang isang may kayang babae. Ang akala ko noon iniwan siya ng mga magulang niya sa isang katulong na nag aalaga sa kanya." Kwento ko. Tumulo ulit ang luha niya. "Masiyahin at mabait siyang babae. She never showed me that she had more money than our friends. Hindi siya mayabang. Masaya siya kahit na sa maliit na bagay. Hindi siya maarte."

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now