Chapter 23:Wala na

104 6 0
                                    

Wala na

Triana Godelaine Montreal Narvaez

Saturday morning was a noon when I woke up. "Good afternoon po, Ate Nimfa. Andyan po ba si God?" Napatayo ako sa sofa nang marinig ko ang boses ni Austin.

"Oo. Pasok ka." Wika ni ate Nimfa saka pimapasok si Austin sa loob. Buti at naghimalos at nag toothbrush na ako bago bumaba.

Nakasuot siya ng puting tshit at pants. Samantalang ako ay naka padjama at puting T-shirt naman. Inirapan ko siya. Hindi ko pa din siya kinakausap ng maayos dahil sa nangyari noong nakaraang araw. "Ano nanaman?" Pagtataray ko sabay tingin sa TV. Cartoons ang palabas ngayon kaya hindi ako makarelate.

"Gala tayo." Sabi niya sabay upo sa tabi ko. Umismid ako at umiling.

"Makipagdate ka doon sa Abbie mo." Tamad kong sabi. Pinindot pindot ko ang lipatan ng channel. Napairap na lang ako dahil puros TV shows at oa na drama ang lumalabas.

"God, masira yan." Saway sa akin ni Ate Nimfa. Tumalikod siya at nagpunta sa kusina. Pinatay ko agad ang TV at bumaling kay Austin.

"May pasok ka sa hacienda diba?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya. "Oh' anong ginagawa mo dito?" Pagsusungit ko.

Nagpout siya at sumandal sa balikat ko. "Kahit ngayon lang." Malambing niyang sabi. Tumayo ako dahilan para muntik siyang masubsub sa sofa.

Pinalobo ko ang dalawang pisngi ko habang naglalakad kami ngayon dito sa bayan. Punong puno ng mga tao dito at ang daming paninda kahit tanghaling tapat. Bumili siya ng cotton candy na kulay blue at pink.

Sinout ko ang kulay black kong sumbrero at eye glasses ko dahil nagtitinginan yung mga tao sa akin.

Napatingin ako kay Austin ng kalabitin niya ako. Kinagat ko ang labi ko dahil sa ginawa niya. Yung cotton canday ay ginawa niyang balba. I couldn't help but laugh because of his looks. "Binibining Godelaine, ngumiti ka." Aniya sa pangmatandang tinig.

Mukha siyang tangang gusto gusto talaga akong patawanin. Kinagat ko ang labi ko at tinikuran siya. "You're not funny." Pagsisinungaling ko sabay talikod.

Hinabol naman niya agad ako. Tumigil kami sa tapat ng tindahan ng mga malalaking teddy bear. Wow. Tumingin ako sa kanya. Kita ko ang pagngisi niya. "You choose one color." Inilayo ko sa kanya ang ulo ko.

"Wag na. Okay lang. Tsaka di ako mahilig sa mga teddy–"

"Ngayon dapat ka nang maging mahilig." Nakangising sambit niya. Parang may kung anong damdamin ang hindi ko maipaliwanag dahil sa ginawa niya. Pumasok siya sa loob ag kinuha ang isang malaking teddy bear na kulay red. Napalunok ako nang bayaran niya ito.

Hindi ko alam kung dapat ko ba itong tanggapin o hindi. "Sinayang mo lang ang pera mo." Nakanguso kong sambit habang naglalakad kami papunta sa isang cafe. May mga milktea at kung ano ano pang pagkain ang naroon.

"Wala naman sa akin ang pera. Wala ring sayang kung sayo ko ibinigay."  Aniya sabay pasok sa loob cafe. Napangiti ako sa sinabi niya parang may iba pa siyang gustong sabihin na hindi ko naman maintindihan. Umupo kaming dalawa sa mabalahibong upuan ng magkaharap.

Pinili niya ay yung almond milk tea habang ako naman ay frappe na chocolate flavor. Siya na rin ang nagbayad niyon. Sa totoo lang dati niya pa ako nililibre pero hindi na ako natutuwa sa nililibre niya sa akin ngayon. Mahal na at masyadong nakakahiya. Sapat na siguro sa akin kumain na lang kami doon ng fish ball at uminom ng malamig.

Nang napatingin ako sa kanya ay puno ng lungkot ang mukha niya, Pero unti unti itong napalitan ng pagngiti. Ano bang problema niya? "I'll make sure you one day walk the red carpet while your aura yells at the authorities." Napawi ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Napaisip ako sa bagay na iyon.

Into you (Señorita Series No.02)Onde histórias criam vida. Descubra agora