Chapter 31:Having you near me

81 4 1
                                    

Having you near me

Triana Godelaine Montreal Narvaez

"Malapit nang ipa-harvest ang mga pinya, God." Sambit ni Aldrin habang naglalakad lakad kami sa hacienda. Tumango ako at inayos ang suot kong pink na sumbrero.

Umirap ako nang tumigil sa harapan namin ang BMW na kotse. Bumaba doon si Cindy kasama si Mama. Hindi ko sila pinansin at nanatili ang mga mata ko sa mga pinya. "Pwede ba tayong mag usap, Triana?" Tanong sa akin ni Mama.

Muli akong napairap. "Nag uusap na po tayo." Kakausapin niya na naman ako tungkol ginawa ko kahapon kay Cindy. Tinignan niya si Aldrin na nagpapahayag na umalis muna ito. Binalingan ko silang dalawa. Nakahawak si Cindy sa braso ni Mama. Humalukipkip ako. "Kung nagsumbong siya sa ginawa ko sa kanya kagabi, oo tama. Sinampal ko siya."

Huminga ng malalim si Mama. "Triana, Cindy and Austin are getting married." Mahinahong sambit niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil ang mga luha ay kumakawala nanaman sa aking mga mata.

"Ganyan ba kayo? Ganyan ba ang kultura ninyo? Ganyan ninyo ba ipipilit ang isang tao na ikasal sa hindi naman niya mahal?" Kinagat ko ang labi ko. Natatakot ako na baka masigawan ko siya kung sakaling hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Hindi mo ba naiintindihan si Mommy, Godelaine?" Tanong sa akin ni Cindy. Halata sa boses niya na tuwang tuwa siya.

"At kung hindi? May magagawa ka? Alam mo bang hindi ko maintindihan kung bakit–Fuck!" Sigaw ko. Gustong gusto ko siyang sumabtan. "Wala ka nang nagawang mabuti sa akin!" Inis kong sabi. Medyo tumaas ang boses ko.

"Trisha, why not let your daughter be happy? Bakit ganyan ka?" Nilingon namin si Nathalia na naglalakad papalapit sa akin. Hinawakan niya ako sa braso at bahagyang inilayo kay Mama at Cindy. Sakrastiko ang boses niya. "Hindi ka talaga marunong tumanaw ng utang na loob. Anak mo ang nagsasakripisyo ng lahat lahat pero ikaw? Mas pinipili mong alagaan ang ampon mo."

"Wala kang alam!" Mariing sambit ni Mama. Umiling ako. Nagulat ako nang makita ko sa gilid si Austin na kararating lang.

Dinaluhan agad ako nito at mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko. "Tama na po, Tita Trisha. I don't like your daughter." Aniya na tinutukoy si Cindy. "Magalit po kayo wala po akong magagawa pero isa lang po ang sasabihin ko, I love your true daughter." Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa katotohanang sinambit niya. Ang sarap sa pakiramdam. "Noon pa lang po alam ninyo iyan. I asked you for permission when we were young. Dapat alam ninyo po iyan."

Yumuko si Austin bilang paghingi ng permiso na aalis na kami. Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa kung saan. Doon mismo tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. "Is that true, Austin?" Tanong ko nang nakarating kami sa garden. May malaki doon na bato na hanggang bewang namin taas.

Umiling siya. "God, I told you na ikaw lang ang babaeng gusto–"

"So, totoo?" Tanong ko sa kanya. Malabo na ang paningin ko dahil sa nga luhang humaharang sa mga mata ko.

"Yeah." Yumuko siya pero nagulat ako nang iupo niya ako sa bato at niyakap niya ako ng mahigpit. "Pinilit lang niya akong pakasalan si Cindy at hindi ko iyon hahayaang mangyari."

Parang nadurog ang puso ko sa sinabi niya. "Kung isang araw iiwan mo lang ulit ako tulad ng ginawa mo noon pakiusap wag mo na akong paasahin." Umiling siya.

"May mga puso tayong dapat nating sundin, God. Wala ni isa ang mag dedekta sa atin kung sino ang dapat at hindi dapat. God, nasa wastong edad na tayo para ipaglaban ang isa't isa." Humikbi ako at niyakap siya ng mahigpit pabalik. Damn! I miss him! "Gusto ko lang hingin sayo na sana h'wag kang bibitawa kahit anong mangyari."

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now