Chapter 18:Tears

117 6 1
                                    

Tears

Triana Godelaine Montreal Narvaez

I woke up the next morning. Isang braso ang nakayakap sa akin. No longer do I have to wonder who it is. Napangiti at napahawak sa labi ko. I smiled more as I smelled his scent. I think his only scent is axe body spray.

Uminit ang pisngi ko nang maalala ko yung mga nangyari kagabi. Isn't it wrong that I gave him my first kiss? Sadyang hindi ko lang makalimutan.

Iginala ko ang paningin ko sa kwarto. Ang puti at malaking kwarto. Wala itong balkonahe pero sobrang lamig.

Natigilan ako sa pag halik sa kanya nang makita kong sumusobra na ata ang ginagawa naming dalawa. Nag iwas ako ng tingin dahil sa kahihiyan. "Let's sleep." Sabi ko.

Sabay kaming humiga. Tumalikod ako sa kanya dahil sa matinding kahihiyan. "God..." Tawag niya sa akin.

Hindi ko alam kung sasagot pa ako pero wala akong magawa. "Ano iyon?" Tanong ko. Pinakiramdam ko ang mainit na paghinga ko.

"Ang mama mo at ang mama ni Cindy ay iisa–"

"Hindi kami magkapatid." Bigla kong sabi. Hindi ko yata matatanggap ang salitang mag kapatid kaming dalawa. Kaagaw ko siya sa dalawang bagay. Una ay ang pagmamahal at atensyon ng ina ko. Pangalawa ay ang lalaking nasa likod ko ngayon.

"Pero iisang ina lang ang pinang–" Hindi muli siya natapos sa sasabihin niya nang harapin ko siya. Mapungay na ang kanyang mga mata. Kitang kita kong nagulat siya sa ginawa kong pag harap sa kanya.

"Wala akong pakialam kung kapatid ko siya o kahit ano. Galit ako sa kanya dahil inaagaw niya ang lahat ng mayroon ako." Deretso kong sabi. Hindi siya sumagot kaya dinugtungan ko ang sasabihin ko. "Tulad na lang ng pagmamahal ni Mama–"

"Isa kasi kayo ng ina." Mahinang sabi niya.

"You do not understand me dahil never kang nawalan ng–"

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now