Chapter 25:Not good

90 4 0
                                    

Not Good

Austin De Guzman

"Nag papatawa ka ba, Austin? Gusto mo ang babaeng iyon?" Natatawang tayong sa akin ng aking Lola na si Viviana. Nanunuyang tawa ang lumabas sa bibig niya. "Sa tingin mo ba bagay kayong dalawa? Langit at lupa ang pagitan ninyong dalawa, hijo." Sumeryoso siya.

Nanatili akong nakayuko. Pauwi na sana ako kanina pero sinundo nila ako. Ayaw ko pa sanang sumama pero mapilit sila. Hindi ko alam kung anong gusto niyang mangyari. Pinapunta nila ako dito ni Lolo sa bahay nila mommy para insultuhin. Nakakainis.

"Hindi ba't anak sa labas ang babaeng iyon?" Tawa ni Tita Angelina. Sinamaan ko siya ng tingin. Ano bang pakialam nila? "Hindi makakabuti–"

"Triana Goldelaine is a kind person." Sagot ko.

Tumawa si Auntie Angelina. "Mabait." Tawa niya dahilan para mainis ako. Gusto ko siyang sigawan at kalimantan sa mga sandaling ito na kapatid siya ng ina ko. "Hindi ba't mas maiging si Señorita Cindy na lang ang iyong–"

"Walang panama ang isang tunay na anak sa isang ampon, Auntie." Sabat ni Andrei na kababa lang sa hagdanan. "Wala rin naman siyang panama kung si Señorita Godelaine ang gumagalaw sa loob ng hacienda Narvaez mapaganda lang ito. Si Señorita Godelaine din ang dahil kung bakit mas yumayaman sila." Sakrastikong sabi ni Andrei.

Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko alam na tutulungan niya ako ngayon laban sa Auntie at Lola namin. "Ngayon sabihin mo sa akin, Auntie anong panama ni Cindy kay Godelaine kung ang alam lang naman nito ay mag paganda?" Habol pa ni Andrei.

Tumawa si Lola. "Gusto mo siya Austin?" Tanong ni Lola. Hindi ako nagsalita. "Edi sumama ka sa amin papunta sa America. At least may kaya kang ipagmalaki sa kanya."

Napaisip ako pero hindi ko siya kayang iwan. "Hindi ako samama." Deretso kong sambit.

"Sumama ka na, Austin." Sambit ni Lolo. "Kapag hindi ka sumama kakausapin ko si Don Pablo na ilayo ang taga pagmana nila sa iyo."

Malaki ang impluwensya ni Lolo. Kaming mga De Guzman ang sikat na negosyante sa buong lalawigan. Business partner naman sila ni Don Thiago. Kaunting sulsul lang ni Lolo sa kanya paniguradong pagbibigyan niya ito.

"Hey, Austin." Ngiti ni Cindy sabay kapit sa braso ko. Simula nang umalis ako Pilipinas ay sumunod na rin siya sa amin kasama ang mama niya. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko. Hindi ko gusto na ganoon ang ginagawa niya dahil ang gusto ko ay si Godelaine lang ang gumagawa sa akin noon. Pero iba si Godelaine. She does not hold hands especially when she is angry. I miss her. Hindi niya rin gusto na siya ang humahawak, gusto niyang siya ang hinahawakan bagay na ayaw kong ginagawa sa akin ni Cindy.

Sumimangot si Cindy nang umupo siya sa harapan ko. "Di mo ba ako namiss?" Malambing niyang tanong. Hindi ako kumibo.

Nag angat ng tingin si Lola. Ngumiti ito kay Cindy. Tanawa naman si Andrei na nasa gilid ko. "Hindi ikaw ang namimiss ko, Cindy." Sambit ko dahilan para mapawi ang ngiti niya pati ni Lola.

Ilang years na ba nilang pinagpipilitan sa akin si Cindy? Hindi ba nila maintindihan kung sino talaga ang gusto ko? Gaano ba kahirap intindihin na si Godelaine talaga?

"I-im sorry." Yumuko siya at medyo lumayo.

"What are you talking about, Austin? Wag kang magsasalita sa kanya ng ganyan. Girlfriend mo siya." Sakrastikong sambit ni Lola dahilan para umangat ang dalawang kilay ko at hinilig ko ang likod ko sa sofa.

"She's not my girlfriend, lola. Ang dapat na girlfriend ko ay nasa Pilipinas. Iniwan kong mag isa dahil sa inyo." Lumalim ang bawat tingin ko sa paligid.

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now