Chapter 38:His Girl

92 4 0
                                    

His Girl

Triana Godelaine Montreal Narvaez

Nagising na lang ako nang nakahiga sa malambot na kama habang pinakikiramdaman ang paligid. Tumayo ako at naglakad papunta sa banyo. Napangiti ako nang maalala ko  yung nangyari kagabi.

Pagtapos kong maghilamos at magtoothbrush ay naabutan ko siyang inaayos ang pagkain sa balkonahe. Naupo ako sa kama habang pinupunasan ang mukha ko ng tuwalya. Naglakad siya papalapit sa akin at lumuhod sa harapan ko.

"Good morning." Bati niya. Ngumuso ako at tumango. Ngumiti siya at dimapian ng halik ang aking labi. Natawa siya dahil nakatulala lang ako sa kanya. Hinalikan niya ulit ako at saka ako hinila pa tayo.

Naglakad kami papunta sa balkonahe. "Isasama pala kita mamaya. May party si Andrei." Sabi niya habang inaayos ang upuan niya.

Inirapan ko siya. "Hoy! Baka nakakalimutan mong kaya ako nandito dahil isang araw lang ang palugit ko sa gala mo." Sermon ko sa kanya.

"Sige na...mamaya pa naman iyong gabi." Nag pacute pa siya sa akin. "Tsaka pag ako pumunta doon sige pagkakaguluhan ako ng mga babae." Napawi ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

"Edi wag ka ng pumunta doon." Sabi ko habang tinutusok-tusok ng tinidor ang pancake sa plato.

"Hindi pwede para sa business din iyon." Nakangusong sabi niya. Natawa ako dahil ang cute niya.

Walang reaksyon ko siyang tinitigan. "Fine." Huminga ako ng malalim at iniisip ko pa lang kung anong susuotin ko mamaya ay hindi na ako mapalagay.

Nang matapos kaming kumain ay nagtungo siya sa coffee table habang may inaasikasong papel. "What's that?" Tanong ko habang naglalakad palapit sa kanya.

Napangisi ako nang yakapin ko siya mula sa likod. Ang aking mga kamay ay naglalakbay sa kanyang braso. "Ah...sa resort namin, natin." Sagot niya.

Bumaba ang tingin ko sa mga papel. Sinadya ko ang buhok kong kumawala sa pagkakatali. Binasa ko ang mga nakasulat doon. "The 300 rooms. May mga presidential 30 rooms. May mga 6 Villa's which is almost as close to the hacienda Alfaro." Great.

"Sa seaside namamalagi ang mga tao tuwing gabi. May bar kasi doon. Meron din namang seaside na walang tao." Kwento niya.

"Now..what are you doing to do?" Tanong ko. Kinuha ko ang papel nakita ko doon ang malalaking budgets ng resort.

"Dadalhin kita doon." Aniya sabay hila sa kamay ko papunta sa harapan niya. Pinaupo niya ako sa lap niya. "Gusto kong doon tayo ikakasal." Natawa ako sa sinabi niya. Niyakap niya ako galing sa likod niya. "Sa susunod na lang kita dadalhin sa special place." Bulong niya.

Ngumiti ako. "Kasi dadalhin mo muna doon si Cindy bago ako?" Natigilan ako nang halikan niya ang pisngi ko.

"Why do you always think too much huh? You always make excuses to be jealous of Cindy." Malambing niyang bulong.

Kinurot ang puso ko dahil sa sinabi niya. He was right. Palagi kasi akong nag oover think kaya ganito ang nangyayari sa akin, sa amin. "Nawawalan ka ng tiwala sa sarili mo o sa akin dahil lang jan sa worthless mong pinag iisip." Sumandal ako sa didbib niya.

"You never know how I feel, Austin. Wala ka sa araw araw na iniisip ko kung ano na kayang nangyayari sa inyong dalawa sa America. Sa tuwing matutulog ako alam kong umaga na sa inyo at hindi ko maiwasang hindi mabaliw." Nangilid ang luha ko.

Ang tagal tagal ko nang tinatago sa puso ko ang bagay na ito. Ngayon ko lang ito na kwento sa kanya dahil sa mga nangyayari sa amin.

"Sshh..walang ganoon. Walang nangyayari sa amin doon. Ikaw lang ang laging nasa isip ko." Bulong niya. Inilapit niya ang mga labi niya sa tainga ko. "Tama na. Hindi nakakatulong sa iyo ang mga sinasabi mo."

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now