Chapter 37:Insane

79 4 1
                                    

Insane

Triana Godelaine Montreal Narvaez

Pag kaumagahan ay tahimik akong sumakay sa van na maghahatid sa amin papunta sa airport. Katabi ko si Austin. Habang si Laia naman ay panay ang tingin sa mga kuha ko kagabi habang rumarapa.

"Tuloy na ba yung date n'yo sa special place na sinasabi ni Austin?" Tanong niya habang nakaupo siya sa tabi ng driver.

"Walang ganoong magaganap." Sabi ko sabay tingin sa magandang daan ng Abu Dhabi. Binalingan ko ng tingin si Austin na ngayon ay may katext sa cellphone niya.

Napangiti siya at mukhang kinikilig. Nang hindi ko napigilan ang sarili ko ay humarap ako sa kanya pero hindi niya ako pinapansin. Aba....

"Austin..." Mahina kong tawag but he didn't bother to look at me. Sa inis ko ay tinawag ko ulit siya pero tinaasan niya lang ako ng isang kilay. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko.

Hinilig ko ang ulo ko sa salamin ng van habang nakatingin sa kanya. "Austin!" Sigaw ko. Hinila ko ang cellphone niya kaya agad siyang umalma.

"Ano ba iyon?" Kunot noong tanong niya. Natawa ako sa inis. Gusto ko siyang sabunutan.

"Anong ano ba iyon? Sino bang kausap mo? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo!" Iritadong sambit niya. Nang tignan ko ang cellphone niya ay namatay ito. Pag bukas ko ay may password.

Ang wallpaper nito sa lock screen yung picture namin noong nakaraang linggo. "May tinitignan kasi ako." Pagdadahilan niya.

Tinaasan ko siya ng kilay at tumingin kay Laia na ngayon ay nag se-cellphone. Itinapat ko sa mukha niya ang cellphone. "Buksan mo." Utos ko.

"Ano?" Tawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman bumuntong hininga siya at tinanggal ang password ng phone niya. Bago ko pa mahanap ang apps niya ma ginamit kanina ay nag ring ang phone niya.

Ang galit ay umakyat sa mukha ko nang makita ko ang pangalan ni Cindy sa screen. Napabuntong hininga ako at agad nag sinagot ito. Kukunin sana iyon ni Austin nang samaan ko siya ng tingin. Itinaas niya ang dalawang kamay niya na parang sumusuko na.

"I miss you, Austin." Malambing niyang sambit. Hindi ako nagsalita. "Bakit kasi ngayon ka sumunod ka pa–" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang ibagsak ko ang cellphone ni Austin sa sahig ng van.

"What are you doing, God?" Gulat niyang tanong. Sinamaan ko lalo siya ng tingin. Hirap na hirap ako sa pag hinga dahil naninikip nanaman ang dibdib ko. Dinampot niya ang cellphone niyang namatay ang screen overlay.

Napailing na lang siya pinatay at itinago ang phone niya. "Ang tindi mong mag selos. Nakakatuwa ka." Tawa niya.

Gustong gusto ko siyang sapakin pero hindi ko magawa. Kaya nang maratingin namin ang airport ay mabilis akong naglakad papunta sa upuan ko. Parehas lang ang flight namin iyon ang nakalagay sa ticket niya.

Habang nasa byahe ay pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Kaya nang nasa Manila na ang eroplano ay hating gabi kami nakarating sa isang mamahaling hotel. Mas pinili ni Laia na mag isa sa isang malaking hotel. Si Austin ay hinila ako papasok sa isang suite.

Inis kong inilagay ang jacket ko sa coffee table. "May pa I miss you miss you pa yang si Cindy. T*ngina! Nakaka imbiyerna kayo!" Inis kong sabi ko.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako galing sa likod. "Hindi ko naman talaga alam kung bakit siya tumawag."

"Wag mo akong kausapin, Austin. Nanggigil ako sa inyong dalawa. Kung ganyan ka wag ka–" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang buhatin niya ako papunta sa malaking kama.

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now