Chapter 42:Unexpected

108 4 0
                                    

Unexpected

Triana Godelaine Montreal Narvaez

Kagabi napagtanto ko na hindi pala sana ako nauhan ng galit ko. Tama si Señorita Nerfriteri, hindi sana ako nagpadala sa galit ko.

Sinabi niya rin sa akin na pinsan niya daw si Danica na pinipilit ang kanyang sarili kay Austin. Nang gabi rin iyon naroon si Señorita Nerfriteri dahil may inaayos din siya. Minsan ay nagpupunta siya sa opisan ni Austin para may ipa-apbruhan. Madalas niyang sinasaway si Danica pero hindi ito nakikinig sa kanya.

Maaga kong tinungo ang Temple Of Leah dahil gusto ko munang gumala gala bago bumalik sa trabaho. Suot ang puting long dress at flat sandals ay nagikot ikot ako doon.

Ang sabi ng may ari ay hindi daw muna iyon pwedeng pasukin. Hindi ko alam kung anong dahilan. Napangiti ako nang makita ako ang pulang rosas.

Nilakad ko ang naglalakihang haligi ng templo. Sobrang laki at sobrang ganda. Hinahangin ang buhok at suot ko habang nilalakad ko ito. I was like a princess in the Roman empire.

From the side of my eyes I could see a man wearing a blue longsleeve polo. Parang paulit ulit na tinusok ang puso ko dahil sa nakita ko. Mas pinili kong huwag muna siyang pansinin.

Pumasok ako sa loob ng templo at nilakad ang napakagandang aisle nito.  Napakapayapa ng paligid. Kung haharap ka sa labas ay matatanaw mo ang napakagandang mga bundok.

Naglakad ako papalapit sa hagdan at nilingon siya. Ang mga mainit luha ay gusto nang kumawala sa aking mga mata. I want to apologize to him.

"I want to promise you that in this monument my only love for you will never end." Sambit ko dahilan para matulala siya.

Hindi ko alam pero bigla akong napatakbo sa kanya. Nakatulala lang siya pero nang tuluyan ko na siyang mahagkan ay hindi ko na mapigilan ang maiyak sa dibdib niya. "Patawarin mo ako. Kung ano ano na lang ang pumasok sa isip ko kaya ko magawa yun. Mali ako, sorry." Until he returned me his warm hug.

Mali ako kasi nagalit ako sayo nang hindi ko man lang nakita ang buong katotohanan. Mali ako dahil nag salita ako ng hindi ko man lang pinag iisipan ang mga kalalabasan nito. I was wrong because I was judging you.

"Sshh, wala akong pakialam kung paulit ulit mong gawin iyon. You know why? That proves that you really love me." he whispered.

"I'm sorry..." Yun lang ang lumabas sa bibig ko.

"It's time to plan our wedding." Aniya sabay halik sa pinakadulo ng ilong ko.

Napangiti ako niyakap ulit siya. "Yeah...It's time for me to marry my dearest man."

**********

Gabi ng bumalik kami sa mansion. Umuwi siya at nag pahinga na. Samantalang ako ay may kailangan pang aprubahan ang tungkol sa mga project tungkol sa gagawing wet market sa hacienda Montreal.

Mahapdi ang mga mata ko nang idilat ko kinabukasan. Boses agad ni Laia ang sumalubong sa akin. Kararating palang niyang mula sa Singapore.

"Sister!" Sigaw niya. May hawak siyang dalawang gowns. "I heard Austin is getting married!" Kinikilig niyang sambit.

Nag init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Kumapit siya sa braso ko habang naglalakad kami papunta sa kusina. "Diba sabi ko sayo pupunta muna tayong Milan?" Tanong niya.

Napaisip naman ako sandali. "Oo nga. Bakit?"

"So are you free on Sunday?" Tanong niya. Napa huh naman ako. Bakit ang bilis? "Kailangan mong sumama sa photoshoot."

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now