Chapter 12:Nakakarami

117 6 0
                                    

Nakakarami

Triana Godelaine Montreal Narvaez

Kitang kita ko kung paano pumutok ang labi niya. "Isang isa na lang ngipin mo na ang tatanggalin ko." Banta ko sa kanya. Pinahid niya ang labi niya gamit ang hinlalaki ng daliri niya. Bago pa siya mag salita ay hinila ko na si Austin paalis.

Nang makuha na namin ang remote kay Sir Chandra ay umalis na kami agad. Bakit kasi hindi na lang sila bigyan ng tag sa sariling remote para sa mga slides nila? Mayroon kasing tig iisang TV sa bawat room ng school.

"Ano yung sinasabi ni Andrei?" Natigilan ako nang marinig ko ang tanong ni Austin. Ano ba ang dapat kong sabihin? Bakit kasi ang daldal ng lalaking iyon? Kailangan ko pang hanapin mamaya ang isang iyon. Humanda siya sa akin.

"Bakit di mo sinabi sa akin na alam mong andito pala ang pamilya mo sa Cebu?" Tanong ko rin sa kanya.

"Sagutin mo ako, God. Sino ka?" Humigit ang pag kakahawak ko sa remote. I was afraid that if he found out the truth he would judge me like everyone else.

Pinilit kong ngumiti. "Si Godelaine, Austin." Kunot noo kong sambit. Nag patuloy kami sa paglalakad. "Eh ikaw? Kapatid mo si Andrei?" Usisa ko.

Natigilan siya sa paglalakad. "Oo, God. Kalimutan mo na iyon. Simula nang umalis ako sa puder ng pamilya ko ay wala na silang karapatan pa sa akin." He said coldly

Wala ni isa ang nag salita. Pag dating namin sa loob ng room namin ay dumeretso kami sa faculty. Binigay ko agad iyon sa subject teacher namin.

*********

Nang sumapit ang P.E class namin ay puro laro ginawa namin. Palagi kaming nag hahabulan dahil iyon ang gustong mangyari ng teacher namin ay mag taya tayaan daw kami.

Si Aldrin ay palaging ako ang tinataya. Sumunod na man ay nag laro kami ng puting piringan. Dahil trip nila ako ngayon ay ako ang taya. Gamit ang panyo ni Aldrin ay ipiniring ito sa mga mata ko at pinaikot ikot ako ng dalawang beses. Malakas na tawa ang naririnig ko sa mga classmate ko dahil para akong lasing habang na nag lalakad. Hindi ko na alam kung saan ako mag lalakad dahil para akong matutumba o ano dahil pakiramdam ko naikot ang mundo ko.

"Go, Godelaine!" Sigaw sa akin ng nga classmate ko. Napatadyak ako ng makawala ang nahuli ko. Nangibabaw ang tawa ni Luis ng muntik akong masubsub.

"Godelaine sa kaliwa!" Sigaw ni Irish. Agad ko siyang sinunod. "Sige pa!" Napakagat ako sa labi ko dahil sa inis. Nakakawala ang lahat ng mga itinuturo sa akin ni Irish.

Minsan ay nauupo ako dahil sa takot na baka madapa ako or what. Napapikit ako. Pinakikiramdaman ko ang paligid. "Godelaine sa likod mo!" Sigaw ng isa sa mga classmate ko. Ramdam kong may kumalabit sa likod ko. Nilingon ko iyon pero tila hangin ang nahahawakan ko kaya napuno nanaman ng tawa.

Sumigaw ako sa inis. Nagtaka ako sa katahimikang nayamayani sa buong piligid. Puro hampas lang ng mga dahon ang naririnig ko. Nilingon ko ang likod ko ng marinig ko ang yakap mula doon. "Deretsuhin mo ng takbo, God. Hindi yan gagalaw, promise!" Sigaw ni Luis.

Nang sinunuod ko iyon ay bumangga ako sa matigas na dibdib. Napayakap pa ako sa kanya dahil medyo napalakas ata ang pag bangga ko sa dibdib niya. Sino ito? Kinapa kapa ko siya para nalaman kung sino iyon mula sa kilay niyang makapal, sa mga mata niyang nalalalim. Shit...This is Austin De Guzman! Naghiyawan ang mga classmate ko.

Mabilis akong umatras at tinanggal ang piring sa mga mata ko. "A-austin." I looked at my classmates after I said that. Punong puno ng kaba ang puso ko dahil sa ginawa ko. Hindi ko na sana sinunod pa si Luis.

Nakailang laro kami. Nang si Luis na ang taya ay naupo ako sa ilalim ng puno habang tawang tawa na pinapanood siya. Dahil nang siya na ang paikutin ang nawindang ito at muntik pang masubsub sa lupa. "Luis, may butas!" Sigaw ni Aldrin.

Halos sumakit ang tyan ko kakatawa dahil humakbang ito ng malaki kahit wala namang butas. Nagpaikot ikot siya at halos mag wala dahil iniiwasan talaga siya. "Luis sa kabila!" Ani Irish sabay takip sa bibig niya habang pinipigilang tumawa.

Napalingon ako kay Austin na ngayon ay kausap si Cindy. Parehas silang nakaupo sa grass at nag ku-kwentuhan. Napairap na lang ako sa kawalan. Nang mahuli ako ni Austin na nakatingin sa kanila ay tumayo ako at nagpunta sa tabi ni Irish.

"Gusto ko siyang sabunutan, God." Mahinang sabi ni Irish habang nakangiti. Natawa ako sa sinabi niya at ngumisi. Nang makita kong tumingin sa amin si Austin at Cindy mula sa kabilang banda ay kunwari binulungan ko si Irish at nagkatinginan kami kasabay ng pag tawa ng malakas na animo'y may nakakatawa.

Bumulong sa akin si Irish saka nag takip ng bibig. Tumango tango ako at nagkatinginan ulit kami sabay tawa ng malakas. Halos naagaw na namin ang atensyon ng lahat. Kunot noong lumingon sa amin si Aldrin. May pahinga pa sa damo si Irish sabay palakpak. Bumulong muli ako sa kanya saka nanlaki ang nga mata niya sabay tawa ng malakas.

Hinampas hampas niya pa ang braso ko. Nakakadala ang bawat paghalakhak niya. Nag tawanan kaming dalawa. Kita na ang walang reaksyong mukha ni Austin na nakatingin sa amin. Naka smirk ko siyang tinignan saka inirapan.

"Sandali lang." Paalam ko. Tumango siya saka bumaling sa mag naglalaro. Naglakad ako papunta sa cr, kahit ang totoo ay hinahanap ko si Andrei. Where's that freaking man?

"Are you looking for someone or me?" Nilingon ko ang pamilyar na pinanggalingan ng boses. Kita ko ang ibabang labi niya na pumutok. Nilingon ko ang soccer field na nasa kabilang banda. Malamang sa malamang hindi kami makikita nila.

Inangatan ko siya ng kilay kasabay ng paghinga ko. "Yeah. May gusto akong tanungin sayo, idiot." Sabi ko habang nakatingin sa kabilang banda, baka may biglang dumating at kung ano pang isip. Baka machismis kami nag may something sa aming dalawa ng kupal na ito.

Ngumisi siya saka sumandal sa poste. "Matapos mo akong suntukin at sampalin kanina ngayon may lakas na loob ka pang mag tanong sa akin...abah, iba na ata yan." Tumawa siya na parang nay nakakatawa sa sinabi niya. Inangatan ko siya ng kilay.

"Totoong kapatid mo si Austin?" Tanong ko sa kanya. "Ayaw ko na mag paligoy ligoy pa. Gusto ng direct to the point at wala akong  oras para makipag asaran sayo. So...answer my question."

Nanliit ang mga mata niya habang nakangisi. Kumuyom ang mga kamao ko. "Ang tapang mo talaga ah...hindi na ako mag tataka kung isang araw ikaw na ang tingalain ng lahat." Ngisi niya. Napawi ang pagkunot ng noo ko.

Naalala ko ang tanong niya kanina. So, kilala talaga ako ng kapreng ito? "Wag mong ibahin ang usapan, Andrei. Sabihin mo sa akin yung totoo." Seryoso kong tanong.

Tumango siya at the same time kita ko ang pagiging seryoso niya. "I was his second brother." Sagot niya sa akin. "Naaksedente niya ako dati pero alam kong hindi niya iyon sinasadya. Lumayas siya dahil––"

"Dahil gusto mo din?" Nakangisi kong tanong. "You know I wouldn't wonder if na gusto mong mapahamak ang kapatid mo. Itsura mo pa lang." Tinarayan ko siya at akmang tatalikod nang hawakan niya ang kamay ko.

Agad kong binawi iyon at pinagpagan ang kamay ko. Baka mamaya ay masama pa ako sa pagka agnas niya. Yaks! "Triana Godelaine Narvaez." Nakangisi niyang sabi.

"Montreal." Pagtatama ko.

"Sa oras na sabihin ko sa kanila kung sino ka talaga. I'm sure na magagalit sila sayo." Nakangiting saad niya. "Pero don't worry hindi kita ipapahanak tulad ng panghuhusga mo sa akin kanina." Tawa niya.

Hindi ko alam kung anong nakakatawa bakit tawa siya ng tawa. Trip niya ring ngumiti kahit na walang nakakatawa. Nakakainis! "Talaga. Wag mo akong pag tatangkaang ipahamak humanda ka sa akin." Banta ko.

Humalakhak siya dahilan para mas mainis ako sa kanya. Kumuyom ang kamao ko at nagtiim din ang bagang ko. Susuntukin ko na sana siya nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamao ko gamit ang isang kamay lang niya. Malakas na tumama ang likod ko sa posteng sinasandalan niya kanina. Inilapit niya ang mukha niya saka mukha ko. "Nakakarami ka na ah." Ngisi niya. Nanlaki ang mata ko ng halikan niya ang pisngi ko.

Mula sa gilid ng aking mga mata sabay naming nilingon ang imahe ng isang lalaking nakatayo. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Austin.

Into you (Señorita Series No.02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon