Chapter 19:Black

122 6 0
                                    

Black

Triana Godelaine Montreal Narvaez

It's been one year since that kind of incident, nanatiling matibay ang samahan namin. Wala ni isa ang nagtangkang iwan ang bawat isa. Ang tanging nag bago ay ang mundo kong ginagalawan ko. Naging mahirap sa akin ang pagsasabay sa pagtatrabaho sa loob ng hacienda. Pag aaral na din.

Sinikap kong kunin ang bagay na abot kamay ko na. Iyon naka lamang ang dapat mapasa-akin. Palagi nilang kunukuwistyon ang pagiging taga pangasiwa ko sa loob ng hacienda gayong andyan naman ang tunay na anak.

Si Kuya Aizan ay mas gustong maging isang magaling na abogado. Si Laia naman ay gustong pantayan ako pero hindi niya magawa dahil mas gusto niyang maging isang fashion designer.

I'm wearing a cowgirl outfit now. Ipinatong ko sa ulo ko ang hat, saka sumampa sa kabayo. Nang patakbuhin ko ang kabayo ay nagtungo ako sa bahagi ng hacienda kung saan maraming manok. Andoon kasi nakalagay ang mga kulungan ng mga manok na 45 days.

Ibinigay ko sa tagapangala ang kabayo. Yumuko ito sa akin bago umalis. "Good morning, Señorita." Ani Kuya Joseph. Nasa edas siya 40 pataas. Isa siya sa mga nangangalaga dito. Bukod doon ay inatasan din siya ni Don Pablo na mangalaga ng mga baka at baboy.

"Good morning po, Kuya." Sabi ko. Iginala ko ang paningin ko sa mga kulungan ng manok. Masyadong maingay ang mga inahin na nangingitlog. "Naipadala na po ba iyong mga itlog ng manok sa bayan?"

"Opo, Señorita. Kahapon lang po." Magalang niyang sagot. I nodded. Ilang sandali ay narinig kong tumikhim siya. "Itatanong ko lang po sana kung bakit binibigay mo po sa bayan iyong mga sobrang itlog kesa ipagbili sa mall sa Manila?" Tanong niya.

Ngumiti ako. Iniisip ko palang na magiging masaya ang mga tao doon ay buo na ang loob ko. "Mas maganda po kasi ang itlog na lang ng bibe ang ipagbili natin sa Manila dahil mas malaki po ito kesa sa itlog ng manok " paliwanag ko. "Yung mga binibigay ko naman po sa bayan ay mga sobra lang po iyon." Patuloy ko pa.

"Bakit kailangan mo pang magpaliwanag sa isang dukha, God? Bilang isang manggagawa wala silang ibang dapat gawin kundi ang sumunod sa utos ng mas mataas sa kanila." Nilingon namin kung sinong tanga ang nagsalita ng ganoon. We saw Clarcci Suarez. She is a girlfriend of Kuya Aizan.

This bitch is annoying. "Wag ka ngang magsasalita ng ganyan sa kanya. Hindi kayo mag kalevel." Nanunuya kong sambit. Pinantaasan ko siya ng kilay.

Nakakainsulto niya akong nginisihan. "Talagang hindi. We are rich, they are poor." Pinasadahan niya ng mga daliri niya ang buhok niya.

Sa inis ko ay hinarap ko siya. She would not speak to the poor in that way. "No, Claricci. Hindi nga sila nagtapos ng pag aaral pero mas may alam pa silang kumilos ng naaayon sa mata ng lahat, pero ikaw? May pinag aralan ka pero hindi mo alam kung paano kumilos ng naaayon sa mata ng mga tao." Inirapan ko siya bago ako tumalikod.

Naiwan siyang tulala. Nag patuloy kami ni Kuya Joseph sa pag lalakad. "Sorry for what Claricci said. Hayaan ninyo po at isusumbong ko siya kay Kuya Aizan." Ngumiti lang sa akin si Kuya Joseph. Nakaramdam ako ng kahihiyan dahil sa sinabi ni Claricci.

Nagpunta kami sa pand ng mga bibe. Kumunot ang noo ko dahil muntik pa akong madulas sa putik. Buti at inalalayan ako ni Kuya Joseph.  "Kukunin ko lang ang pagkain nila, Señorita." Pag papaalam niya.

I nodded and circled my gaze at it. Maputik at hanggang tuhod silang languyan. Nang bumalik si Kuya Joseph ay dala niya sa balde ng boysen ang kanin na nilagyan ng tubig.

"Ako na po." Sabi ko sabay kuha sa kamay niya ng balde. Magsasalita pa sana siya para kontrahin ako pero dumating ang isang batang lalaki. Pawis na pawis ito at malayo ata ang tinakbo.

Into you (Señorita Series No.02)Where stories live. Discover now