Chapter 43:Kisses

117 6 0
                                    

Kisses

Triana Godelaine Montreal Narvaez

Sa isang long table kung saan nakaupo ang mga De Guzman. Sa kabila ay ang Montreal at kaming mga Narvaez. Nakalatag doon ang iba't ibang klase ng ulam.

Napakaromatiko ng paligid dahil mayroon mga violin, piano, at flute. Katabi ko si Austin na ngayon ay nakatingin sa mga putahe ng ulam.

Nasa tabi kami ng payapang dagat ngayon at tanging kasiyahan lang ang iniisip. "Para saan naman ang dinner na ito, Don Thiago?" Sakrastikong tanong ni Señora Viviana.

Ngumiti si Papa. "Hindi ako ang dapat na sumagot niyan, Señora." Ani Papa sabay tingin kay Austin na ngayon ay tumayo.

Tumikhim si Austin saka ngumiti sa akin. Lahat ng mga mata ng tao ay pinapanood siya. "Alam ng lahat na nililigawan pa lang kita, Triana Godelaine." Sumilay ang ngiti aa kanyang mga labi. "Sabi nila bakit hindi daw ako sumusuko sa panliligaw sa isang katulad mo. Isa lang ang masasabi ko walang salitang makapagbabago sa nararamdaman ko para sa iyo."

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil pinipigilan kong umiyak sa harapan nilang lahat. "Kahit kailan hindi kita pinilit na sagutin ako. Kahit kailan hindi ako magsasawang suyuin at intindihin ka sa lahat ng pag kakataon. Pero ngayon in front of my family, our friends, and your family, Señorita Triana Godelaine Montreal  Narvaez will you be my girlfriend?" Dahan dahan siyang lumuhod sa harapan ko at inilahad ang isang napakagandang kwintas. Brilyante ang mga bato na tila'y isang bitwin sa langit.

Bawat salitang kanyang binibigkas ay ang siyang nagdudulot ng kirot sa puso ko. "Oo naman." Ngiti ko.

Nagpalakpakan silang lahat at ako naman ay natulala nang isuot ang kwintas na bigay niya sa aking leeg. Sa tuwa ko'y agad ko siyang niyakap ng mahigpit. "Thank you..." Bulong niya.

"Ako dapat ang mag thank you sayo. Hindi mo naman kailangang bumili ng ganito kamahal na kwintas mapasagot lang ako. Sasagutin naman–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang halikan niya ako sa labi.

"I know, Baby...I know." Bulong niya.

Nang magsimula kaming kumain ay napuno ng kwentuhan ang hapag na animo'y walang alitang naganap noon.

Pinagmasdan ko silang lahat. This is the kind of family I need. Ilang sandali ay natigilan kami ng mayroong dumating. Napangiti ako nang makita ko si Señorita Nerfritire at Andrei na naglalakad papalapit sa aming lahat. "I'm sorry I'm late may inasikaso oa kasi kami." Ngiti ni Andrei.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Nerfritire na ngayon ay nakangiti sa akin. "Thank you.." I whispered in the air. She just nodded and smiled.

***********

Walang humpay ang pag indak ni Laia habang sinasabayan ang nakakaindak na kanta. Tanaw na tanaw namin ang sobrang gandang dagat ng Cebu. Nakasakay kami ngayon sa isang malaking yate.

Suot ko ang white polo habang nasa loob nito ang isang blue one piece swimsuit na may crisscross sa harapan.

Si Luis naman ay sayaw rin ng sayaw. Habang si Irish ay nakatanaw sa malayo. Nililipad ng hangin ang kanyang buhok.

Si Cindy at Aldrin naman ay nagkukwentuhan sa tabi. Austin naman ay nasa walang kibong pinapanood ang mga isda sa ilalim ng dagat.

Tawa ni Andrei ang nangingibabaw sa tuwing nagkukwentuhan sila ni Nefritire. "Bakit ang tahimik mo?" Tanong ko sa kanya.

Sumilay ang ngiti sa labi niya. "Ang ganda nilang pagmasdan 'no?" Tanong niya at tumingin muli sa mga iba't ibang klase ng isda sa dagat.

Tinignan ko rin ang mga isda. "Oo...sobrang laya nila." Ngiti ko. Sumabog ang buhok kong nakapusod kanina dahil sa malakas na hangin. Alas otso palang ng umaga kaya at hindi naman masyadong mainit ang araw kahit na nagpapakita na siya ngayon.

Into you (Señorita Series No.02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon