Simula

1.2K 27 1
                                    

READ AT YOUR OWN RISK

Simula





The night seems so bright. I love darkness because I cannot feel the love every time the morning rays of the sun touched my cheeks.

Many people said I’m just a piece of trash. Hindi ako nababagay sa mundo nila. At mas lalong hindi sila nababagay sa mundo ko.

I left my old life and live a new one. Malayo sa kanila, malayo sa mga taong mapanakit sa akin, mga taong walang ibang ginawa kundi iparamdam sa akin na wala akong saysay sa mundo.

Tama sila pero nakakaumay na. Hindi ko kaya ang bawat salita na lumalabas sa bibig nila. Ang bawat masasakit na salita na hindi ko alam na sa paglipas ng panahon ay unti-unti naring nasasanay ang tainga ko sa karirinig roon.

My mouth twitch as I look down. Maliwanag ang kalangitan kahit gabi na pero doon ako nakakaramdam ng pagmamahal. Ang gabi ang palaging sandigan ko sa tuwing naaalala ko lahat ng mga salitang ibinabato nila sa akin noon.

I’d had enough. Tama na. Siguro kailangan nang tapusin lahat ng ito. Alam ko namang wala silang pakialam kung ano man ang mangyari, dahil sa una palang alam ko nang wala silang pakialam. Hindi sila interesado sa kahit anong gawin at sasabihin ko.

Nakakapagod na sa totoo lang. Pati ang mga buto at ang pagdaloy ng dugo ko sa katawan tila ba nagmamakaawang tapusin ko na ang laban.

Humigpit ang hawak ko sa barandilya. Sobrang kalawang na no’n pero hindi ko iniinda. Ano pa ang saysay ng kalawang sa pagkalat no’n sa kamay ko kung ako mismo ang nagiging sanhi ng dumi sa buhay nila?

Ano ang saysay ng kalinisan na pinapakita ko kung sila nama’y patuloy na dinudumihan iyon?

Naging mapait ang lasa ng laway ko. Ang katawan ko ay unti-unti nawawalan ng lakas. At sa pagkakataong ito, tuluyan na itong bumagsak.

Sandaling nandilim ang paningin ko, para bang umiikot iyon habang patuloy kong inilalaba sa bibig ang pait ng bawat pandidiri nila sa akin.

I don’t know what’s wrong about me, o baka nasa kanila ang problema. Hindi ko alam kung papaano pa mabubuhay sa mundo na kung saa’y mas papanigan ang mga taong mas gustong mabuhay sa madaling paraan, kaysa sa matuto.

Hindi ko alam kung papaano mabuhay sa mundo nila.

Marami na akong tinanong mga tao kung gusto nila sa mundo ko. But they all just shrugged and turn their backs on me. Pero iisa lang ang nanatili.

But I don’t think that’s enough for me to continue my life. I am piece of broken glass that other people don’t mind to repair. As long as they have a sacks of money, they’ll just a buy a new one and forgot the broken one.

I’m smiling like an idiot right now, pero hindi ang mata ko. Palagi kong sinasabing ang isip ng isang tao ay iba sa pag-iisip ng iba. Pero bakit lahat ng nakilala ko ay pawang pare-pareho naman kung mag-isip? Yet they don’t want other people to teach them.

“Probably they don’t want to learned” Ada once said to me. She’s like me. Kaya malapit kami sa isa’t-isa.

Her cold hands slowly touch my bare shoulders. I shivered when I felt her presence beside me. I remember when she said na kahit anong mangyari ay hindi niya ako iiwan. Even if all the people in the world already left me.

But she’s one of them. She leave me behind while I’m currently fighting my demons. Nauna siyang sumuko kaysa sa akin. She doesn’t deserve to be treated like that.

Mabuti nga siya at kumpleto ang pamilya, habang ako? Since elementary up to now, High school I though those people around me are my true friends but I was wrong.

When He Came✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon