Kabanata 32

210 3 1
                                    

Kabanata 32





One year has passed, until now ay hindi ko pa rin nalilimutan ang nangyari noon sa prom. Hindi na nga dito nag-enroll ng college si Dominique, habang si Marcus? Bigla na lang nawala.

Hindi sa gusto ko siyang hanapin, ayoko lang muna siyang makita. Gusto ko munang hanapin ang sarili ko lalo na ngayong may pinagdadaanan rin si Ada.

Noong nakaraang araw ay nag-away sila ni Neo. Sinabi na kasi niya ang tungkol sa pang-aabuso sa kaniya ng stepdad niya. Galit na galit si Neo, hanggang ngayon ay sinisisi niya ang sarili niya kung bakit hindi man lang niya napotrektahan si Ada.

Sa tuwing tinatanong pala ni Neo si Ada tungkol sa mga pasa at sugat niya ay gumagawa siya ng kwento para mapaniwala si Neo.

Malungkot kong nilingon ang kaibigan. Nasa rooftop kami ngayon at naka-ubob siya sa kaniyang tuho habang ako ay nakaupo at nakasandal ang likod sa pader, nakatingin ako sa may ibon na lumilipad sa himpapawid.

Kanina pa umiiyak si Ada. Hindi ko siya magawang patahanin. Pareho nilang sinisisi ni Neo ang sarili nila dahil sa nangyari kay Ada.

Sinabi ni Ada na kailangan muna niyang ayusin ang sarili niya bago siya bumalik kay Neo. Kahit ayaw no’ng isa ay pumayag siya sa gusto ni Ada. Gano’n niya kamahal ang kaibigan ko.

“Ada…” malambing kong tawag sa kaniya. Ang hikbi niya ay unti-unting humina hanggang sa tuluyan itong nawala. Mabuti na lamang at bakante namin ng dalawang oras ngayong hapon, uwian na namin mamaya pero nanatili kami ni Ada dito sa rooftop ng centennial building.

“Pagod na pagod na ako Clary,” biglang sabi niya. Batid kong hindi na siya umiiyak, halos yakapin ko ang sarili ko sa lamig ng boses niya.

“Nandito lang ako Ada,” sabi ko. Umusod ako palapit sa kaniya at niyakap siya. Ayos lang kahit hindi siya yumakap pabalik sa akin, hahayaan ko muna siya sa ganitong kalagayan. Basta’t alam niyang hindi ko siya iiwan gaya ng hind niya pang-iwan sa akin noon.

Sa lumipas na isang taon ay marami akong natutunan, marami akong nakilalang bagong lalaki pero wala akong interes sa kanila. Aaminin kong siya pa rin ang gusto kong makita kahit ayaw pa ng puso ko.

Siya pa rin ang gusto ko hanggang ngayon kahit sobrang sakit ng nalaman ko noon. Siya pa rin ang gusto ko kahit paulit ulit man akong masaktan nang dahil sa kaniya.

Sa lumipas na isang taon natutunan kong mahalin ang sarili ko, kaya ngayon handa kong harapin  lahat ng sakit na dadating sa buhay ko. Ngayon ay handa na akong masaktan ulit, handa na akong tanggapin lahat ng katotohanan.

Dumaan ang sabado at linggo pero hindi ko matawagan si Ada pati si Neo. Alam ko ang bahay nila dahil nakapunta na ako minsan doon nang may tinapos kaming project sa isang subject namin.

Oversized Maroon T-shirt at short shorts ang suot ko, naka sandals lang ako at nilugay ang mahabang buhok. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa pero wala pa rin siyang mga reply sa messages ko.

Kahapon ko pa siya tinitex pero hanggang ngayon ay hindi pa siya sumasagot. Sana ayos lang siya, sana walang ginawa sa kaniya ang stepdad niya.

Parang ako lang ata ang tao sa bahay ngayon bukod sa mga kasambahay namin. Palagi namang wala sina Mommy and Daddy dahil inaasikaso ang hacienda namin, samantalang ang dalawag kapatid ko ay may sariling mundo.

Madali akong bumaba mula sa kwarto at tumungo sa labas. Nagpaalam pa ako kay Manong Guard na bibsitahin ang kaibigan, noong una ay hindi siya kumbinsido pero tumango na rin kalaunan. Nagkalat ang ilang mga military sa paligid ng bahay.

Nitong nakaraang araw kasi ay nakakatanggap si Ate Therese ng mga threats pero hindi ko alam kung anong nilalaman no’n, hindi ko rin alam kung kanino galing.

When He Came✔️Where stories live. Discover now