Kabanata 28

202 3 1
                                    

Kabanata 28




Umingay ang mga manonood. Narinig namin ang announcer na lamang na ng puntos ang team ng school namin. Nanatili pa rin ang tingin ko sa kaniya, gano’n rin siya sa akin.

“Sa’n ka pupunta?” biglang tanong niya, doon lang ako natauhan at binitawan ang straw ng buko shake na nasa pagitan ng labi ko.

“Sa kaibigan ko, ikaw?” gusto kong palapakan ang sarili ko! hindi ako nautal, lumiwanag ang mukha niya na ipinagtaka ko naman.

“Sa’yo,” aniya. Kumunot ang noo ko.

“Huh?”

“I mean sasamahan ka,” paglilinaw niya. I pursed my lips at matipid na ngumiti. Lumingon ako sa likod at gano’n na lang ang gulat ko nang makitang sa amin nakapako ang lahat ng mga customer nila, naagaw na namin ang atensyon ng ibang tao dahil nasa gitna pa kami ng quadrangle.

“P-pero pa’ano ‘yong…”

“Ok lang ‘yan tara na?” putol niya sa akin. Nangangalay na akong kakatingala sa kaniya, siya ang may hawak ng payong samantalang hawak hawak ko naman ang buko shake na binili ko sa stall nila.

“B-bakit ka nandito?” tanong ko.

“Sinamahan ko lang iyong pinsan ko,” sagot niya. Lumingon ako sa kaniya at sakto naman na nakatingin siya sa akin. Iniwas ko agad  ang tingin ko, biglang bumilis ang takbo ng puso ko. wala sa sariling napahawak ako doon habang naglalakad kami papunta sa pwesto namin ni Ada.

“May problema ba?” mabilis akong umiling at yumuko. Hindi dapat niya malaman na ang bilis bilis ng tibok ng puso ko ngayon! Ano nalang ang sasabihin niya ‘pag nagkataon?

“Sigurado ka? Namumula ka kasi,” dagdag niya. Tumigil siya kaya wala akong nagawa kundi tumigil rin.

“H-hindi ano, uhm ayos lang talaga kasi ako. uhm mainit kaya gan’to namumula ang pisngi ko,” patay malisya kong sabi sa kaniya.

Mukhang napaniwala ko naman siya dahil nagsimula na muli siyang maglakad.

Hindi nagtagal ay nahanap namin si Ada, wala na kasi sila ni Neo sa dati naming pwesto kanina. Nasa may silong pala sila ng Akasya, sakop na ng English park, katapat kasi no’n ay ang Quadrangle at ang stage ng School.

“Clary! Sayang hindi mo naki—“

Napanganga si Ada nang makita ang kasama ko, tulala siya ng ilang segundo. Mabuti na lang at tinawag siya ni Neo kaya mabilis siyang nakabalik sa wisyo.

Humarap si Neo sa amin, nanlaki ang mata niya nang makita ang kasama ko.

“MG?!” narinig ko ang tawa ni Marcus sa gilid ko, habang si Ada naman ay takang-takang lumingon sa dalawa.

“Magkakilala kayong dalawa?” tanong ko kay Neo. Pareho kaming naguguluhan sa nangyayari ngayon ni Ada. Ano bang mayro’n sa kaniya at gano’n na lang ang gulat ni Neo?

“K-kasi siya ang leader sa Brotherhood na sinalihan ko,” natulala ako nang marinig iyon kay Neo. Mabilis akong lumingon sa katabi ko at hindi nakaligtas sa akin ang pag-iiba emosyon sa mukha niya.

“Kamusta Neo?” umpisa ni Marcus, parang bigla siyang nag-iba sa paningin ko. Mula noon ay ayoko na sa mga Fraternity. Gulo lang ang dala nila lalo na kung sangkot ka. Tapos ngayon itong kasama ko pa ay leader ng isang Frat?!

“T-teka lang ha? Kakausapin ko lang saglit si Clary,” ngiting sabi ni Ada, hindi na ako nakapalag pa ang mabilis akong hatakin palayo ni Ada sa dalawa.

“A-ada,” gulantang na sabi ko habang nagpapahila sa kaniya. Lumingon ako sa likod at nakita kong masaya nang nag-uusap ang dalawa.

Unti-unting lumalabo ang ingay na nanggagaling sa quadrangle, nagpapahila lang ako kay Ada hanggang sa mapunta kami sa may gilid ng lata building. Building ito ng mga lower section ng Grade 9. Kakaunti lang ang estudyante doon dahil karamihan sa kanila ay nanonoo ng mga palaro.

When He Came✔️Where stories live. Discover now