Kabanata 3

322 6 1
                                    

Kabanata 3





Parang walang nangyari kahapon nang makapasok ako kinabukasan. Panay pa ang ngiti sa akin nina Vana at Gelo pero hindi ko sila sinuklian.

Hindi ko akalain na magagawa nila iyon sa akin. Ang gusto ko lang naman ay ang mapasali sa laro nila. hindi ko inasahan na gano’n ang gagawin nila.

Tahimik akong nakaupo sa pwesto ko habang pinaglalaruan ng kamay ko ang Pilot na signpen ko. Pansin kong napatingin doon si Vana dahil lumingon siya sa akin kaya madali ko iyong tinago sa bag ko at binaling ang atensyon kay Ma’am Emily na nasa harapan na ngayon.

Panay discuss lang siya sa mangyayaring Camping ng mga Girl scouts. Kunwari nakikinig ako sa kaniya pero hindi naman talaga ako interesado. Simula pa noong grade 1 ay hindi na ako sumasali sa mga ganoong klaseng activities, kahit sabihin pa nila dagdag grade.

Unang-una, wala naman akong kaibigan dito sa classroom lalo na sa ibang section at year level kaya panigurado ay magiging kawawa lang ako doon at hindi mag-e-enjoy.

Sa nangyari kahapon, umasa ako na may kakausap sa akin at hihingi ng tawad. Pero umabot na sa puntong group namin ang assigned ngayon sa paglilinis ng classroom pero wala paring kumakausap sa akin.

Kinuha ko ang face towel sa bag nang matapos kami sa paglilinis saka ko tinulungan ang iba kong kasama sa pagliligpit ng mga cleaning materials.

Naglalakad ako pababa ng hagdan nang makasalubong ko ang grupo nina Gelo. Nilihis ko ang daan ko at napatigil sa paglalakad nang maramdaman ang isang kamay na humawak sa braso ko.

“Teka sandali Clary.” rinig kong sabi ni Gelo humarap ako sa kanila saka niya binitawan ang hawak sa akin.

“May sasabihin lang kami tungkol sa nangyari kahapon,” umpisa niya. Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon nina Jhonny at Maximo na parehong nasa gilid niya.

“A-ano iyon?” tanong ko. Siniko ni Jhonny si Gelo at tumikhim naman si Maximo. Hindi ko napigilang mapataas ang dalawang kilay sa kanila.

“Gusto ka kasi naming kausapin, pwede bang ‘wag dito?” sabat ni Maximo. Hindi na siya naka polo uniform at naka black na T-shirt nalang. May panyo na nakasabit sa kaniyang balikat at pinaglalaruan ang dulo no’n.

“Sige, ahm saan ba?”

“Tara, sunod ka sa amin” aya ni Jhonny.

Hindi ako nakapalag nang hawakan ako ni Gelo. Pilit kong hinihila ang kamay ko sa kaniya pero mas lalo niya lang hinihigpitan ang paghawak doon.

“T-teka saan ba kasi tayo? Pwede naman doon sa may quadrangle nalang.” Sabi ko. Hindi nila ako pinakinggan at patuloy lang sila sa paglalakad.

Nalagpasan na naming ang Special Science at Special Program in Journalism na mga building ng High School pero tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad.

Sa dulo kasi na bahagi ng nadaan naming magkatapat na building ay isang mini forest. Tahimik na doon dahil pasado alas-singko na ng hapon. Kadalasan kasi ay alas-kwatro ang uwian ng mga elementary at ilang mga Highschool students.

At kung may gagawin mang practice para sa isang performance, ay doon sila naglalagi sa may quadrangle na pinagdadausan rin ng Flag ceremony kada Monday.

“Dito na tayo.” Si Gelo. Binitawan niya ang kamay ko kaya mabilis ko iyong tinago sa likod. Nasa bandang sulok na pala kami ng Mini Forest at tanaw na tanaw mula rito ang maliwanag na kalangitan, nag-aagaw na ang kahel sa kulay asul na langit.

Malapit naring dumilim, naririnig ko ang huni ng mga insekto pero natigil ako sa pagmamasid nang nasa harapan ko na si Gelo samantalang nasa magkabilang gilid ko naman si Jhonny at Maximo.

When He Came✔️Where stories live. Discover now