Kabanata 12

231 3 1
                                    

Kabanata 12





Tumatama ang mainit na sikat ng araw sa aking mukha. Ang bawat butil ng pawis ay nararamdaman ko sa aking noo at sa likod. Namamawis na rin ang kili-kili ko kahit nasa silong kami ng malaking puno.

Mas lalo akong pinagpapawisan habang nakasakay na sa kabayo. Hawak-hawak niya ang lubid habang sinasabayan niya kaming naglalakad.

Ano kayang pumasok sa isip niya at nandito siya?

Kanina pa kami paikot-ikot sa rancho pero ni isa amin ay hindi nagsasalita. Naagaw ang atensyon ko dahil sa mga babaeng nag-aayos ng mga bagong ani na tabako. Panay ang kaway nila sa direksyon namin.

“Gusto mo ba silang puntahan?” bumaba ang tingin ko sa kaniya. Nakatingala siya kaya nagkatitigan kami. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya ngayon sa hacienda namin. Na nasa harapan ko siya at sobrang lapit lang sa akin.

“Bakit wala ka no’ng recognition namin?” matapang na sagot. Kanina pa ako tinutulak ng puso ko upang tanungin ko siya tungkol doon?

“Hindi mo sinabi na gusto mo pala akong makita, sorry.” Kumunot ang noo ko. hindi ko alam kung tama ba iyong tinanong ko sa kaniya? Hindi naman siguro mali ‘di ba? Gusto ko lang siyang makita pero bakit parang iba sa pakiramdam?

Bakit ko nga ba siya kailangang makita kung sa una pa lang ay wala naman talaga kaming koneksyon sa isa’t-isa? Malamang at mas mahalaga sa kaniya ang girlfriend niya kaysa sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa lubid na hinahawakan ng kamay ko. Humigpit ang kapit ko doon. Natatakot akong mahulog pero mas nakakatakot ‘tong nararamdaman ko sa kaniya ngayon.

Dumagdag pa iyong huling sinabi sa akin ni Ada bago mag bakasyon, nagbitaw siya ng isang palaisipan na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ang sagot. Pinilit ko siyang tanungin. Kinulit ko siya ng kinulit kahit nasa America na sila pero hanggang ngayon ay hindi niya sinasabi sa akin kung ano ang ibig niyang sabihin.

“B-bawal ba?” tanong ko ulit sa kaniya. Malapit na kami sa direksyon ng mga babae na nagtatali ng mga bagong ani pero bigla kaming lumihis ng direksyon. Namangha ako dahil lumampas na kami sa barikada at tinatahak ang ‘di pamilyar na daan. Mabilis akong lumingon at nanlaki ang mata ko dahil napagtanto kong malayo na pala kami mula sa rancho.

“Hindi naman, nakakapagtaka lang dahil gusto mo akong makita. Kung sana ay sinabi mo,” aniya. Hindi na ako sumagot. Nanlalambot ang mga tuhod ko ngayong kausap ko siya at ang lapit niya sa akin kaya panigurado kung mas hahaba ang pag-uusap na namin ay hindi na ako makauwi sa bahay na diretso ang paglalakad.

Baka gumapang na ako pauwi panigurado.

“Bakit tayo napatigil?” tanong ko. Pinatigil niya ang kabayo na sumunod rin, gumawa iyon ng ingay pero panandalian lang rin. Hindi niya ako sinagot kaya wala akong nagawa kundi manahimik na lang.

Baka may gagawin lang siya saglit, ayoko namang tignan kung anong gagawin niya dahil sobrang lakas ng tibok ng puso ko marinig lang ang boses niya, panoorin pa kaya siya?

Ang mahigpit na hawak ko sa lubid ng kabayo ay mas lalo pang humigpit. Ang dulo ng kuko ko ay ramdam na ramdam ko na sa palad ko at nagsisimula na iyong magpawis.

Unti-unti akong naghahabol ng hininga. Mas lalo ring bumilis ang tibok ng puso ko habang nararamdaman ang init ng hininga niya sa taas ng tainga ko.

Mabilis kong nabitawan ang lubid na mahigpit ko namang hinahawakan kanina. Bigla akong nanghina at hindi alam kung ano ang gagawin.

Ang mainit niyang braso gawa ng mainit na sikat ng araw ay dumampi sa magkabilang baywang ko. naramdaman ko rin ang katawan niyang nakadampi ata sa buong likod ko.

When He Came✔️Where stories live. Discover now