Kabanata 4

298 4 2
                                    

Kabanata 4





I decided to escape our dinner that night. Sumunod rin sa usapan sina Manong Raoul at Ate Carla na huwag sabihin kina Mommy and Daddy ang nangyari. For sure alam na ng ilan naming kasama sa bahay kung ano ang nangyari sa akin.

Kinaumagahan pagkapasok ko ay sakto rin ang dating ni Ma’am Emily. Hindi ako makatingin sa kaniya lalo na sa mg aka-klase ko. Hindi biro ang pinagdaanan ko kagabi.

Matapos ang klase ng umagang iyon ay tinawag ako ni Ma’am. Nakakapagtaka lang din dahil hindi ako ginulo ng mga ka-klase ko.

“I heard what happened to you yesterday Clary at sinabihan ko na ang mga magulang mo sa nangyari.” nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

Nakaupo ako sa upuan na nasa harapan ng lamesa niya. Break time nang tawagin niya ako. Hindi pa rin ako pinapansin ng mga ka-klase ko. Well ayos na rin iyon dahil ayoko nang may mangyaring gulo nanaman ngayon.

“P-pero Ma’am...”

“Hindi ko tinotolerate ang gano’ng Gawain dito Clary! Lalo na’t nasa loob pa kayo ng campus kagabi! Hindi maganda ang ginawa nilang tatlo sa’yo. You should see a psychologist!” mahina ang boses niya pero ramdam ko ang pag-iingat at lambing doon.

Inayos ko ang upo ko nang lumingon siya sa may pintuan ng kwarto. Nanginig ako nang makita sina Daddy and Mommy na papasok sa loob. Ngayon ay pinagtitinginan na rin kami ng ibang mga estudyante sa labas.

“Ma’am, ano po ba ang pwede nating gawin sa tatlong batang iyon? For sure na hindi ko naman sila pwedeng kasuhan dahil minor palang!” mahinahon si Mommy habang nagsasalita pero alam ko deep inside ay galit siya. She want to remain her composure as the wife of the top most haciendero here in Divinorostro specially in our town of Buhi.

“Well, the school can kick them out here at pwede rin silang bigyan ng order na nagsasabing hindi na sila pwedeng makapag-enroll sa iba pang school.” Ma’am Emily said.

Ayoko naman na mawalan sila ng karapatan makapag-aral. Alam ko namang may mali talaga sa kanila kagabi kaya nila iyon nagawa sa akin. For sure they have their own reason. Alam kong walang silang karapatan na gawin iyon sa akin pero we are just the same human being na kailangang mabigyan ng isa pang pagkakataon.

“Yes, we want that three bastard na mapaalis rito at hindi makapag-enroll sa ibang school.” there is a finality in my Dads’ voice. Napapikit ako dahil sa tigas ng paraan ng pagkakabitaw niya sa salita.

Ayoko sa lahat kapag si Daddy na ang nagsasalita. Wala nang makakapigil sa kaniya. Kailangan siyang sundin or else kami lang din ang kawawa in the end.

Nakakapagtaka lang, our teachers say we are in a democratic country. We have our free will pero bakit gano’n? bakit pakiramdam ko ay hindi naman talaga tayo malaya? Na may iba paring pagkakataon na hindi tayo pwedeng magsalita o kumontra sa isang bagay?

Yes I know that what my parents want is only for my safety. Pero hindi na ba ako pwedeng pakinggan? Kahit minsan lang? kilala ko si Dad, napakinggan ko at nasubaybayan kung papaano siya magalit kina Ate dati.

At ako bilang bunso kailangan maging maingat dahil ayokong mapagalitan niya ako. Mahal na mahal ko sina Mom and Dad. At siguro iyon ang kasagutan sa tanong ko kanina. Kahit sabihin nating may kalayaan tayo sa mga bagay bagay sa mundo. There will be always an exemption. Kung hindi para sa ating sarili, ay para sa ating mga mahal sa buhay.

“My husband is right Ma’am. Gano’n ang gusto ko ring mangyari. Para naman hindi na ito mangyari pa sa ibang mga bata! Nakakatakot.” nagsisimula na si Mommy na mag-burst out pero alam kong pinipigilan niya lang iyon.

When He Came✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon