Kabanata 21

224 2 1
                                    

Kabanata 21





Ano kayang pinagkakaabalahan ko ngayon kung hindi dumating sa buhay ko si Dominique? kung hindi ko siya nakilala? Kung hindi siya dumating noong mga panahong nasa bingit ako ng pag-suko?

Hindi ko maiwasang hindi isipin na wala siya sa buhay ko. Alam ko, bata pa ako at wala pa sa hustong gulang kaya minsan ay hindi ko maintindihan kung bakit nagiging kakaiba ang nararamdaman ko tuwing malapit siya.

Pinapanood ko siya habang inaayos ang motor niya. Ngayon ako tinaman ng hiya matapos ang pag-iyak ko sa harapan niya. Ilang beses na ba niya akong nakita sa gano'ng sitwasyon? Ilang beses ko na ba naramdaman ang mga maiinit niyang braso na tumatama sa balikat at baywang ko?

Hindi naman masama 'di ba? Wala naman kaming ginagawang masama ni Dominique, magiging masama lang kung may makakakitang ibang tao lalo na kung kilala kami.

Natigilan ako. Imposible namang nakilala kami kanina 'di ba? Bakit ko pa kasi napiling maglabas ng sama ng loob sa gilid ng kalsada? Malamang maraming makakakita!

Wala sa sariling napasabunot ako sa aking buhok. Natigilan siya at napatingin sa akin.

"May problema ba?" aniya. Mabilis kong binaba ang kamay ko at tinago sa likod ko. Ako naman talaga ang kailangang sisihin dahil sa nangyari kanina.

Yumuko ako. Basa pa ang semento, may iilang putik na nakakapit sa black shoes ko. Tinitigan ko lang 'yon, walang balak alisin.

"Iyong kanina..." bakit ko ba iniisip? Wala naman talagang ibang nangyari kanina kundi gano'n lang. Kumunot ang noo ko.

"Wala naman sigurong ibang nakakita kanina 'di ba?" hindi siya nagsalita kaya tinaas ko ang tingin ko at tinignan siya. Basa pa ang ibang bahagi ng uniform niya, nakatiti lang siya sa akin at maya maya'y pinasadahan niya ng kaniyang kamay ang buhok niya.

"Nasa gilid tayo ng kalsada kanina," aniya. Siyempre alam ko 'yon, wala na ba akong ibang pwedeng itanong sa kaniya kundi 'yon? Napaka-obvious naman.

"Sorry." Pareho kaming natigilan. Iniwas ko ang tingin ko at binaling ang atensyon sa bahay namin na nasa 'di kalayuan. Ilang lakad lang mula rito sa kinatatayuan namin ngayon. Katulad noong unang beses na hinatid niya ako sa bahay, dito ko siya pinatigil.

Hanggang ngayon ay hindi nila alam na may naghahatid sa akin mula sa school. Wala pa akong balak na sabihin sa kanila ang tungkol kay Dominique. Natatakot pa ako, sino naman kasi ang maniniwala na 'kuya' ang turing ko sa kaniya at 'kapatid' naman ang turing niya sa akin?

"Wala kang kasalanan Clary," aniya.

"P-pero..."

"Ako ang dapat sisihin, hindi ko alam na gano'n na pala ang nararamdaman mo tuwing kausap kita." Kumunot ang noo ko. Wala naman nang mangyayari kahit mag-sorry siya. Ayos na sa akin basta nalaman niya kung ano ang mga nasa isip ko.

"S-sorry talaga, hindi ko naman kasi talaga inaasahan na masasabi ko lahat ng 'yun." Pinisil ko ang daliri sa aking kamay at muling yumuko.

Nagsisimula nanamang dumagundong ang kaba sa dibdib ko lalo na nang magsimula siyang maglakad palapit sa akin.

Mabilis ko siyang tinignan at halos mabuwal ako sa kinatatayuan nang makitang sobrang lapit na ng mukha niya sa akin.

"D-dom..."

"Ako dapat ang humingi ng sorry sa'yo Clary, kasi gano'n ang nararamamdaman mo. Sorry, dahil hindi ko alam, sorry dahil hindi ko naipararanas sa'yo kung papaano magkaroon ng kuya," aniya. Napanganga ako, hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

Akala ko nakuha na niya kung anong ibig kong sabihin kanina, hindi pa pala. Mapait akong ngumiti sa kaniya.

"N-nako, ayos lang sabi eh, 'to naman. Alam ko naman na busy ka ngayon dahil 4rth year kana, marami na kayong dapat gawin dahil next year ay magse-senior high kana."

When He Came✔️Where stories live. Discover now