Kabanata 26

222 4 1
                                    

Kabanata 26





Ilang araw akong tulala matapos ang pangyayaring iyon. Kinakausap pa rin ako ni Ada pero hindi ko siya masyadong kinikibo. Alam niyang ayoko munang makipag-usap sa kahit kanino ngayon dahil sa nangyari noong mga nakaraang araw.

Hindi ko na nakita pa si Dominique sa canteen maski si Yana. Hindi ko alam kung maganda ba iyong gano’n o hindi. Panay pa rin ang tingin at bulung-bulungan sa akin ng mga taong sa tuwing dumadaan kami ni Ada.

Mas pinili ko na lang manahimik kaysa pansinin pa sila.

Kasama namin si Neo ngayon, nasa canteen kami para kumain ng meryenda. Bakante namin ngayong 2:00-3:00 dahil absent ang teacher namin sa Science.

Kaharap ko silang dalawa, nagtatawanan at nag-aasaran.

“Uh, ayos ka na ba Clary?” natigilan si Neo sa pagkukurot ng pisngi ni Ada. Tumingin rin siya sa akin.

Umiling ako. Pareho silang napa buntong-hininga. Binaling ko ang tingin sa labas ng canteen. Hindi ko pa nababawasan ang siomai na binili namin kanina bago kami umupo rito.

“Neo?” sabay sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses. Isa sa mga kaibigan ni Neo, si Mark. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Tango lang ang binigay ko sa kaniya.

“O Mark? Bakit?” si Neo.

Nagkamot siya ng ulo at binalingan ako ng tingin.

“Gusto ko ang kasing makausap si Clary, kung pwede?” tinignan siya. Ano bang pag-uusapan namin? Hindi ko masyadong nakakausap itong si Mark lalo na iyong iba naming mga ka-klase.

Matapos ang nangyaring eksena dito sa canteen ay mas lalo akong kinainisan ng mga ka-klase ko. Buti na lang at hini ako iniwan ni Ada.

“Dito na lang,” tipid na sabi ko. Agad siyang tumango at mabilis na umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Napaiwas naman ako nang bigla siyang humarap sa akin.

“Clary, sorry talaga sa mga nasabi ko dati sayo ha? Hindi ko naman kasi akalain na joke joke lang pala ni Neo iyon sa’yo,” aniya. Napatingin ako sa kaniya at sa dalawang nasa harap ko. Nakangiti sila sa akin. Bumuntong hininga ako at tumango kay Mark.

“Ok lang Mark, ang tagal na rin no’n.” sabi ko. Ngumiti siya at nagkamot ulit ng batok. Hindi siya nagtagal dahil agad rin siyang nag paalam sa amin. Tinanguan ko lang siya nang binalingan niya ulit ako ng tingin.

Kinabukasan ay may activity kami sa Filipino Subject. Lingid sa kaalaman ng karamihan, ito at ang Araling Panlipunan ang paborito kong subject. Inatasan kami ng Teacher namin na gumawa ng isang short story patungkol sa lesson na tinalakay namin kanina.

Lahat sila ay napatingin agad sa akin. Hindi ko alam kung anong i-rere-act ko nang makita iyon. Sino bang may alam na gumagawa ako ng short story? Hindi naman ako gano’n kagalingan. Minsan lang din akong gumagawa kapag masyado akong bored.

“Pinagtitinginan ka nila ngayon dahil nalaman nilang magaling kang gumawa ng storya.” Nilingon ko si Ada.

“Ha?”

“Nakita kasi nila sa isa mong notebook lahat ng mga gawa mo, kaya ngayon pakiramdam ko madaming magpapaturo sa’yo,” dagdag niya. Natigilan ako, teka, papaano nila nalaman iyong tungkol sa notebook ko?

Naalala ko na. Noong nakaraang araw kasi ay naiwan ko sa upuan ko iyong notebook ko, pagkauwi ko ng bahay ay todo hanap ako, halos mangiyak-ngiyak na ako no’n dahil pinaghirapan kong isulat lahat ng laman doon. Kinabukasan doon lang ako nabunutan ng tinik nang makita kong nakalapag sa upuan ko ang notebook.

When He Came✔️Where stories live. Discover now