Kabanata 27

229 3 1
                                    

Kabanata 27




Maaliwalas ang mukha niya na siyang bumungad sa akin. Maayos ang buhok niya na parang nilagyan ng gel, naka itim na T-shirt siya at naka six pocket shorts.

Rinig na rinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid namin, lahat sila ay napapatingin sa amin lalo na sa taong nasa harapan ko ngayon. Ano’ng mayro’n dito?

Hindi nakalusot sa akin ang ilang pagbubulung-bulungan ng iba lalo ang mga lalaki na kalalabas pa lamang ng school, marami pa rin ang lumalabas dahil dismissal na rin ng mga nasa college. May narinig pa akong salitang ‘leader’ mula sa kanila.

Binalik ko ang atensyon ko sa lalaking nasa harapan.

Hindi ko maipagkakailan na ang bango niya. Hindi ko naman sinadyang amuyin siya pero pamilyar sa akin ang pabangong gamit niya, iyon iyong tipo ng mga pabango na mamahalin. Imported kumbaga.

Itim na itim ang kulay ng mata niya kaya ang hirap mabasa ng emosyon niya, gumagalaw ang dulo ng kulot niyang buhok sa hangin na dumadaan sa amin.

“S-salamat,” tanging sambit ko. Naiwan ang palad niyang nakalahad sa akin. Bakit ba siya nandito? Sana na lang pala ay hindi na ako naglakad lakad.

Tumayo ako at naiwan siya sa gano’ng pwesto. Ilang sandali lang ay tumayo na rin siya at pinagpagan ang kamay gamit ang likod ng shorts niya.

“Sa’n ka?” aniya. Bakit ba ganito? Hindi ko siya kayang tignan sa mata, hindi ko makayanan. Noong kay Dominique, kayang kaya ko siyang tignan kahit nahuhuli niya ang tingin ko sa kaniya pero bakit sa lalaking ito ay hindi?

“P-pauwi na ako, naglakad lang.” sagot ko. Tumango siya, lumipat ang tingin ko sa gilid ng leeg niya na may tattoo at sa braso niya. Hindi ba masakit magpalagay no’n? umiyak kaya siya nang nilalagyan siya nito?

“Anong oras na ah?” doon ako nakakuha ng lakas ng loob para tingalain siya, matangkad siya na hanggang dibdib niya lang ang dulo ng ulo ko.

Siguro naman ay may itatangkad pa ako, bata pa naman ako sabi ni Dominique.

Dominique, siya nanaman. Palihim kong inikot ang mga mata ko.

“Hatid na lang kita?” natigilan ako at mabilis na umiliing. Ni hindi ko na nga nabayaran iyong utang na loob ko kay Dominique magdadagdag pa ako?

Napaisip ako, may utang na loob ba ako sa kaniya? Kung inutusan lang pala siya ni Daddy na bantayan ako?

Hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakausap si Daddy. Hanggang ngayon ay masma pa rin ang loob ko sa kaniya, sa kanilang dalawa ni Mommy. Paano nila nagawang ilihim iyon sa akin? Paano nila nagawang hindi sabihin sa akin? Pinagmukha nila akong tanga.

“’Wag na kaya ko naman ang sarili ko,” sagot ko sa kaniya. Gumalaw ang dalawang kamay niya at napunta iyon sa magkabilang beywang niya. Tumingin siya sa taas kaya nakita ko ang adams apple niya.

Napaiwas ako ng tingin. Bumaba muli ang tingin niya sa akin. Ano bang kailangan niya?

“A-ano bang kailangan mo?” hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin siya. Pwede naman niya sabihin na kailangan niya ng kapalit dahil sa ginawa niya sa akin, wala namang problema iyon. Hindi iyong ganitong aali-aligid siya sa akin.

Nanlaki ang mata niya at umangat ang sulok ng kaniyang labi.

“Wala naman gusto lang kitang ihatid, bawal ba? May sundo ka ba?” sa lahat ng lalaking nakilala ko siya lang ang bukod tanging madaldal! Nauubusan ako ng sasabihin dahil hindi ko pa nasagot iyon unang tanong niya may pangalawa nanaman?

“Ah, kasi ano eh, kaya ko naman talaga.”

“May jeep akong hinihintay,” dagdag ko.

“Sige ano uhm, balik na ako,” sabi ko. Hindi ko na siya hinintay na makasagot at dali dali akong tumalikod para bumalik doon sa waiting shed na palagi kong tinatambayan kapag naghihintay ako ng jeep.

When He Came✔️Where stories live. Discover now