Kabanata 40

447 3 3
                                    

Kabanata 40





Ramdam na ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Unti-unting bumabalik ang pandama ko. Nararamdaman ko na rin ang masakit na sikat ng araw na kumakagat sa balat ko. Itinaas ko ang aking kanang paa, sinampa ko iyon sa harang ng tulay.

Napaigik ako nang tumama sa balat ko ang mainit na singaw ng semento, mabilis kong sinunod ang isa ko pang binti. Umupo ako roon at pinagmasdan ang rumaragasang tubig sa ibaba. Mabilis ang agos no’n. sana tangayin rin lahat ng problema ko kapag naramdaman ko na ang tubig.

Pumikit ako at humugot ng malalim na paghinga. Alam kong tama itong gagawin.

Alam kong tama itong desisyon ko na tapusin na ang lahat. Pakiramdam ko ay wala na talaga akong saysay sa mundo. Naibigay ko na ang gusto ni Marcus pero hindi niya pa rin ako nagawang piliin.

Hanggang kailan ba ako magtitiis sa gano’ng trato?

Kung hindi ko ba nakilala si Marcus hindi ba ganito ang mararanasan ko ngayon? Hindi ba ganito ang mararamdaman ko?

Hinayaan kong matangay ako ng hangin pababa. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagbulusok ko. Muli kong idinilat ang aking mga mata, ang ganda ng langit. Sobrang nakakaakit. Malinaw na malinaw iyon sa paningin ko.

Malakas rin panigurado ang hangin sa itaas dahil parang naghahabulan ang mga ulap.

Ipinikit ko ang aking mata sana nga naging ulap na lang din ako, o kahit na anong klaseng bagay sa mundo.

Alam ko, hindi ko nalagpasan iyong pagsubok na binigay sa akin. Kahit sabihin man ng iba na pagsubok lang iyan at normal na dumadaan sa mga katulad ko, bakit parang palaging bago sa pakiramdam ang sakit na dulot nito?

Ano bang mas maganda? Maging manhid? o ang mawalan ng pakialam? Kung ako ang tatanungin, mas pipiliin ko ang mawalan na lang ng pakialam. Dahil kapag nawalan ka ng pakialam sa mga taong nakapaligid sa’yo, malalaman mo pa rin kung anong mga nangyayari sa paligid mo.

Kung anong mga nararamdaman ng mga taong mahal mo at mahal ka. Dahil kung manhid ka, doon ka unti-unting nawawalan ng pakialam sa iba. Pero kung iisipin mong mabuti, halos pareho lang din ang dalawang bagay na iyon.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko na rin sa wakas ang malamig na tubig sa ilalim ko kasabay no’n ay ang pagtama ng ulo ko sa isang malaking bato. Ito siguro iyong isa sa mga batong nakita ko kanina bago ako tumalon.

Bakit gano’n? bakit ang sarap pa rin sa pakiramdam? Bakit wala akong makita?

Bakit sobrang dilim?

Sinubukan kong igalaw ang aking kamay at paa, pero hindi ko magawa. Hindi nagtagal ay may nakita akong maliit na liwanag sa ‘di kalayuan.

Gusto kong lumapit pero papaano? Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Mata at ulo lang ang nakokontrol ko.

Tinitigan ko ng mabuti ang maliit na liwanag, may kung anong gumalaw doon. Hindi parang tao, dalawang tao.

Kumunot ang noo ko nang unti-unti silang lumapit sa akin.

Doon lumiwanag ang paligid. Nanlaki ang mata ko nang mamukhaan kung sino ang dalawang taong nasa harapan ko ngayon.

“M-mom? D-dad?” tawag ko. Ngumiti silang dalawa sa akin. Nangilid ang luha sa aking mga mata at sa wakas ay naigalaw ko na rin ang aking katawan.

Mabilis ko silang nilapitan.

“M-mom!” I sob, miss na miss ko na sila. Bakit ngayon ko lang sila nakita? Bakit ngayon lang sila nagpakita sa akin?

“Sweetheart, don’t cry…” she said. I suddenly felt her lips on my forehead, I look at my Dad and he do the same on me. I closed my eyes.

“I-I miss you Mom, Dad…” I said. They just smiled to me and said the same thing back.

When He Came✔️Where stories live. Discover now