Kabanata 19

206 3 1
                                    

Kabanata 19




“Clary.” Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang pangalan ko. Napapikit ako dahil hindi ko alam kung papaano ko siya haharapin ngayon dahil sa nangyari kahapon sa canteen.

Hindi ko siya nilingon, nagpatuloy ako sa paglalakad sa may hallway papasok sa classroom namin. Ang ilang mga estudyante na nakakasalubong ko at nakatambay sa gilid ng mga classroom ay panay ang tingin sa likuran ko.

Ano bang kailangan niya? Hindi pa niya nararamdaman na ayoko muna siyang makita ngayon? Hindi ba niya alam na nahihiya ako sa kaniya? Na hindi ko pa kayang kausapin ngayon.

Patuloy ang pagtawag niya sa akin, patuloy rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ang mga yapak niya ay pilit pumapasok sa tainga ko. Sobrang ingay no’n na halos mapalitan na ang lakas ng tibok ng puso ko.

Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad. Wala ba siyang klase ngayon? At ako ang pinupuntahan niya ngayon? Nasa’n ba si Yana at doon siya makipag-usap?

“Clar—“

“Ano ba?” tuluyan akong napaharap sa kaniya, tila kinakapos ako ng hininga habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa braso k.

“I-ikaw pala,” sabi ko. Para akong natutuyuan ng pawis habang nakatingin kay Neo. Nakakunot ang noo niya habang may hawak-hawak na libro sa kanan niyang kamay. Medjo gusot na ang collar ng uniform niya at tumutulo ang pawis sa kaniyang noo.

“N-neo, pasensya na, a-akala ko kasi…”

“Akala mo si Dominique? Mukhang nag-away kayo ah? Halatang galit na galit ka kanina.” Umiling ako. Wala akong panahon para makipag-asaran sa kaniya ngayon. Marami pa kaming kailangang gawin na activities na bukas na ang passing.

“H-hindi naman, ahm..”

“Sabay na tayo?” sumabay siya sa paglalakad sa akin, nasa gilid ko siya ngayon. Itinaas ko ang aking braso para silipin ang oras sa wristwatch ko.

“Luh! Late na pala tayo!”

“Kaya nga makikisabay na ako sa’yo ‘di ba?” hindi ko nilingon si Neo at mas binilisan pa ang paglalakad. Ilang room na lang at mararating na namin ang classroom namin.

Tumigil ako sa gilid ng pader ng katabing classroom namin. Hinahabol ko ang hininga ko samantalang si Neo naman ay naghihintay lang sa akin.

“Ano? Una ka na,” kako.

“Sige, sunod ka kaagad.” Aniya. Tumango ako pinakalma ang sarili. Bakit ba umagang-umaga siya ang nasa isip ko? napagkamalan ko pa tuloy si Neo na si Dominique. Napailing ako at inayos ang sarili. Tumuwid ako ng tayo at bumuntong hininga. Naririnig ko na si Ma’am na nag-didiscuss kaya mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

“G-good morning Ma’am.” Tinanguan ako ni Ma’am at mabilis na umupo katabi ni Ada. Diretso lang ang tingin niya, hindi ko alam kung nakikinig ba siya. Para kasing malayo ang nasa isip niya. Umupo na ako ng maayos at nakinig na lang din sa discussion.

“Ada…” nakasunod ako sa kaniya habang naglalakad. Gusto ko siyang hawakan pero palagi niyang nilalayo ang katawan niya sa akin. Alam ko kung anong kinagagalit niya ngayon pero hindi ko naman gustong sabihin sa kaniya na hindi naman totoo lahat ng pinakita sa akin ni Neo.

Lakad takbo ang ginagawa ko para lang masabayan ko siya. Magkasingtangkad lang kaming dalawa pero mas mabilis siyang tumakbo kaysa sa akin.

Hindi ko na halos nabuksan ang payong ko dahil sa kakahabol sa kaniya. Sobrang init ng sikat ng araw ngayon wala pa man din akong sapin sa likod.

“Ada, pansinin mo naman ako oh,” I pleaded. Pero wala pa rin siyang response. Hindi niya ako tinatapunan ng tingin hanggang sa makapasok na kami sa canteen at makaupo.

When He Came✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon