Kabanata 29

206 3 1
                                    

Kabanata 29





Natapos ang intramurals, nanalo ang team ng ibang section at college ilan sa mga palaro, hanggang ngayon ay may hang-over pa ang mga estudyante. Iyong iba ang nagrereklamo dahil back to hell week nanaman.

Bakante namin ngayon at nasa may English park kami, mabuti nga at may nakita pa kaming pwesto dahil dagsa ngayon ang mga estudyante.

Nasa harapan ko sina Ada at Neo, nag-aasaran. Napangiti na lang ako dahil sa kakulitan ng dalawa. Ilang buwan na lang ay final grading na namin, ang bilis ng panahon grade 9 na kami sa susunod na pasukan.

Buti na lang at walang masyadong ginagawa sa school namin naghahanda pa siguro ang mga teachers sa mga lessons na ididiscuss nila sa amin. Bumalik ang atensyon ko sa dalawang nag-aasaran, kumunot ang noo ko nang may makitang panibagong pasa sa gilid ng leeg ni Ada.

Hindi ba iyon napapansin ni Neo? Imposible namang hindi niya nabibigyang pansin iyong ibang bahagi ng katawan ni Ada. umawang ang labi ko, gusto ko siyang komprontahin pero ayoko naman kung kasama namin si Neo. Baka hindi niya alam at magalit na lang kapag nalaman niya.

O baka ako lang ang hindi nakakaalam dahil parang wala lang sa kanilang dalawa iyon?

Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ang bag ko na nasa lamesa at binuksan iyon. Tumambad sa akin ang unregistered number, may message akong narecieved mula doon. I swipe the screen at nakita ang message.

“I’ll fetch you up later,” hindi ako maaaring magkamali. Si Marcus ‘to. Sino ba naman ang magtetex sa akin ng ganito kundi siya lang? ilang linggo matapos ang intrams ay kinulit niya ako kung pwede ko daw ba ibigay sa kaniya ang number ko.

Araw araw ay gano’n ang eksena namin sa labas ng school. Tuwing dismissal ay naabutan ko na lang siyang nakaupo doon sa may waiting shed na tambayan ko tuwing naghihintay ako ng jeep pauwi. Pero hindi niya ako hinahayaang umuwing mag-isa, palagi niya akong pinipilit na ihatid niya ako sa bahay.

Si Ada na ang naririndi tuwing nagsasabi siya ng gano’n kaya sinabihan niya ako na pagbigyan ko na lang daw dahil mahirap na.

Kada lalabas ako ng school ay hindi naman siya mag-isa doon, may mga lalaki siyang kasama na hindi ko kilala. Sila iyong mga tipong basag ulo talaga ang itsura, malayong malayo kung ikukumpara sa kaniya. Dalawang tattoo lang ang nakikita kong nakalagay sa katawan niya samantalang iyong mga lalaking kasama niya ay may ear piercing pa.

Hindi ko sila nakikita sa loob ng school kaya hindi ko alam kung doon ba sila nag-aaral o sa ibang school.

Sa ilang araw na paghatid sa akin ni Marcus, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay. Pinagbigyan ko ang sarili kong kilalanin pa siya ng mas malalim. Pero parang panibagong araw iyong nangyayari sa tuwing hinahatid niya ako every after class.

“Oh ano? Mauna na kami? As usual mag-ingat kayo ha? Alam ko naman na hindi ka pababayaan nitong si MG,” ngiting sabi ni Ada nang matapos ang klase namin. Saglit lang na nakipag-usap si Neo kay Marcus at mabilis na niya akong binalingan ng tingin.

“Tara na?” aniya, ngumiti ako at tumango. Inalalayan niya akong makasakay sa jeepney commander niya saka siya umikot para paandarin ang sasakyan.

Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin akong magtanong tungkol sa kaniya. Kung nasa’n ang parents niya, anong pinagkakaabalahan niya sa buhay at kung ano ano pang tungkol sa kaniya.

“Marcus?” umpisa ko. Hindi naman siguro masamang magtanong sa kaniya tungkol sa personal niyang buhay ‘di ba? Ang unfair naman dahil ako kilalang kilala na niya samantalang siya ay hindi ko pa masyadong kilala.

When He Came✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon