Kabanata 37

264 5 1
                                    

Kabanata 37



Ano nga ba ang batayan natin sa pag-ibig? Ano nga ba ang kailangan nating gawin para mahalin rin tayo at hindi lokohin ng taong mahal natin? Hindi ko alam kung ganito ba talaga ang kailangan para masabi mong mahal ka ng isang tao.

Kung iisipin, wala naman akong alam na naging pagkukulang ko kay Marcus, we both know na hindi pa pwede, na bata pa ako at alam niya ang limitasyon niya pagdating sa akin pero bakit pumayag siya sa alok ng Daddy niya para maikasal kay Diana?

Ano ang magiging papel ko sa buhay niya kung gano’n? isang mistress? Kabit? Babae? Ano pa? kung gano’n nga ang magiging takbo ng buhay ko sa kaniya, ako yata ang kauna-unahang kabit na minahal niya? Pero minahal ba niya ako?

Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako, hanggang ngayon ay hindi ko alam kung lahat ba ng ipinakita niya sa akin ay totoo o hindi. Alam ko malaki ang naitulong niya para makalimutan ko iyong ginawa sa akin ni Dominique, at makalimutan rin mismo si Dominique.

Pero nagkamali ba ako kung minsan ay bigla na lang siyang dumadaan sa isip ko?

Tumingin ako sa itaas. Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko. Mabibigat ang mga hininga niya na tumatama sa leeg ko. Mabilis rin ang bugso ng puso ko pero alam kong hindi ako nagsisisi sa ginawa ko kanina. Ito naman talaga ang kailangan niya hindi ba? Ito naman talaga ang gusto niya noon pa.

Hindi niya magawa gawa dahil sa kadahilanang bata pa ako!

Tang-ina. Kung hindi ba ako bata sa paningin niya, kung pinanganak rin ba ako kasabay niya hindi ganito ang mangyayari?

“C-clary, please. Let me fix you,” ramdam ko ang pagmamakaawa sa boses niya. Ayusin? Hindi ba niya alam matagal na akong sira? Hindi na ako muling mabubuo, at kailanma’y hinding-hindi ako magiging maayos sa paningin ng iba.

“T-this is what you want right? Bakit hindi mo magawa? Ipikit mo nalang ang mata mo para hindi m makita pagmumukha ko, isipin mo na ako si D-diana.” Napiyok ako sa huling salitang binitawan.

Ganito ba kahirap magmahal ng isang taong nakatakda nang maikasal sa iba? Pwede naman kasi hindi ba? Pwede naman siyang humindi pero hindi! Hindi niya ginawa! Hinintay pa talaga niyang tumagal bago niya sabihin sa akin.

Napailing ako. Ang malabaldeng luha ko ay umaagos papunta sa pisngi at dibdib ko. Doon ang hanggangan nila, sana ako rin. Sana alam ko rin kung saan ang hangganan ko para naman hindi sobrang sakit. Para hindi naman ganito na para akong pinaparusahan.

Unti-unting dumidikit sa akin ang lamig galing sa opisina niya. Pero dahil sa maiinit niyang paghinga ay hindi ako giniginaw. Nakayakap siya sa akin, mahigpit na para bang ayaw niya akong bitawan.

Sana nga Marcus, hindi mo ako bitawan, sana nga hanggang huli ay walang bibitaw sa ating dalawa.

“C-clary…”

“P-Please, just take M-marcus.”

“W-we shouldn’t.” he said. Lumalim ang paghinga ko. Doon mas lalong bumuhos ang mga luha ko. Hindi ba sila napapagod katutulo?

Magang maga na ang mga mata ko pero wala pa rin silang pagod sa kakaiyak. Ako iyong napapagod. Unti-unti akong kinakapos ng paghinga.

Gusto ko na lang magpahinga, kahit sandali lang. Gusto kong mawala sa mundo kahit saglit lang. Gusto kong makita sina Mom and Dad pati si Ada.

“Y-you know that I love you so much M-marcus, just take me, alam kong sa iyo ko lang gustong ibigay ang sarili ko.” nasa balikat ko ang ulo niya. Nakikiliti ako sa bawat paghinga niya pero unti-unti iyong lumalim at naramdaman ang pagkabasang balikat ko.

When He Came✔️Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin