Kabanata 9

248 4 1
                                    

Kabanata 9





“Ayos ka lang ba?” Si ada habang kumakain kami ng lunch sa canteen.

Tahimik natapos ang klase namin kanina. Hindi na ako muling inaway ni Vana. Pati ang mga ka-klase naming ay walang imik kahit nakakasalubong ko sa sa daan kanina.

“Oo ayos lang,” tipid na sagot ko. Pero deep inside hindi ako komportable sa paraan ng paninitig sa akin ng mga tao ngayon. Alam ko naman ang mga nasa isipan nila.

Sino ba kasi ang hindi makakaalam sa nangyari kagabi, tapos si Dominique pa ang nagbuhat sa akin. Sobrang nakakahiya sa totoo lang.

“May meeting daw mga teachers mamaya kaya wala tayong klase, gusto mo tumambay?” umiinom ako ng tubig nang sabihin iyon ni Ada sa akin, oo nga pala muntik ko nanamang makalimutan.

Sinabi iyon ni Ma’am kanina habang nagdidiscuss siya kaya kung maaari ay umuwi na kami kung wala na kaming ibang gagawin sa loob ng school.

Iniisip ko naman na tumambay rin muna dito. Wala rin naman akong gagawin sa bahay at ayaw ko rin namang pumunta sa hacienda namin.

Tumango ako kay Ada at nagsimula na siyang magkwento kung saan kami pwedeng pumunta. Dala-dala ang ilang mga libro namin at pumunta kami sa may mushroom park na malapit lang din sa may English park. Saktong pagkadating naming ay iyon na lang ang natitirang pwesto na hindi na o-okupahan ng mga estudyante.

Lumapit kami at umupo, nilagay namin ang bag sa may lamesa at tahimik na pinagmamasdan ang paligid.

Maingay ang quadrangle na nasa harapan lang din ng Mushroom park. Naroon kasi ang ibang mga estudyante na naglalaro ng Entrance, Volleyball at Basketball. Sa may dulo ng quadrangle ay ang Stage namin. Doon ginaganap ang ilang mga mahahalagang occasion tulad ng graduation, seminar at kung ano ano pa.

Ang likod ng Stage ay ang building ng mga 3rd year highschool. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng magkabilang pisngi ko nang maalala ang nangyari kagabi.

“Ada, sorry pala hindi na ako nakapag-paalam sa’yo kagabi ha?” paumanhin kong sabi sa kaniya. Ibinaba niya ang suklay sa may lamesa at tumingin sa akin.

“Wala ‘yon Clary, ang swerte mo nga eh,” sabi niya. Kumunot ang noo ko sa narinig. Saan ang swerte doon?

“Huh? Pa’no mo naman nasabi?” tanong ko. Umiling siya pero may ngiti sa labi.

“Ikaw na naman ang buhatin ni Kuya Dominique? Hindi ka ba kinilig?” nadagdagan ang pamumula ng magkabilang pisngi ko. Ang tibok ng puso ko ay bumilis na tila ba’y hinahabol ito.

“S-siyempre hindi, a-ahm ano kasi K-kuya ko na rin siya…” hindi ko masabi sa kaniya ng maayos na hindi naman talaga ako kinikilig kagabi, kundi kilig na kilig na halos sumabog na ang puso ko sa saya.

Pero siyempre hindi koi yon pwedeng sabihin sa kaniya at baka ano pa ang maisip niya. Hindi pa ako pwedeng magkapa-kampante sa ngayon. Kailangan ko munang i-distansiya ang sarili k okay Ada lalo na’t hindi ko pa siya totoong kilala.

“Sabagay, tama ka rin naman pero alam mo ba?”

“Hindi, ano ba iyon?”

“Maraming nagkakagusto diyan kay Kuya Dominique,” nilapag niya ang dalawang braso niya sa lamesa at nag palumbaba. Ang mga mata niya ay kumikinang na tila ba may nakikitang hindi ko naman nakikita.

Umiling ako habang tinitignan siyaa.

“May Girlfriend na ba siya?” tanong ko. Napa kagat ako sa ibabang labi dahil sa sariling tanong. Kumabog muli ng malakas ang dibdib ko sa isiping may Girlfriend na nga siya.

When He Came✔️Onde histórias criam vida. Descubra agora