Kabanata 6

274 4 1
                                    

Kabanata 6





Hindi ko pa nararating ang pinto ng canteen nang may babaeng nagmamadaling naglalakad. Mabilis akong gumilid dahil kung hindi ay baka mabunggo niya ako. Bahagya siyang tumigil sa gilid ko at nakita ang nanlilisik niyang mga mata nang lumingon siya sa akin.

“Tumabi ka nga?!” ginawa ko ang sinabi niya. Kunot noo kong sinundan kung saan siya papunta. Umawang ang bibig ko nang biglang mabago ang awra niya nang makaharap na kay Dominique.

“Hey, I’m sorry I’m Late.” Hinila niya ang upunang inupuan ko kanina at umupo doon. Tinignan lang siya ni Dominique at tipid na nginitian ang babae.

Baka ito ang hinihintay ni Dominique kanina pa? pero hindi naman niya sinabi sa akin na may kasama pala siya.

Mukhang sabay nilang gagawin ang pagsasagot sa journal. Iba ang ekspresyon ng pinakita ni Dominique sa akin at sa babaeng nasa harapan niya ngayon. He seems so happy seeing the girl infront of him.

Sabagay hindi naman niya ako kilala kaya bakit niya ako pag-aaksayahan ng Segundo para lang ipakita ang maganda niyang ngiti?

Bumalik ako sa room at nagpatuloy kami sa ginagawa kanina.

Mabilis natapos ang pag che-check namin kaya maaga din kaming dinismiss ni Ma’am Emily. Maingay ang mga ka-klase ko habang inaayos ang laman ng bag ko. Excited sila dahil may gagawing party mamaya ang ilang mga senior, at karamihan sa mga ka-klase ko ay may mga ate at kuya na dito rin nag-aaral sa university, malamang sasama sila.

“Oo nga sis, ang saya mamaya. Basta magkita nalang tayo doon. Hindi naman siguro tayo mapagkakamalang mga Grade six, basta maganda ang isuot natin!”

Umiling-iling ako at kinuha na ang bag sa upuan. Nakalabas na ako sa classroom at naglakad pababa ng hagdan. Unti-unti na rin akong nasasanay sa hindi nila pagpansin sa akin ngayon araw.

Pwera na lang kay Ada na kinausap ako bigla kaninang umaga. Napatigil ako sa paglalakad dahil nakaharang siya sa daraanan. Sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang labi pero hindi ko iyon sinuklian.

Nagsimula akong maglakad para lampasan siya.

“Clary…” natigil ako nang marinig ang pangalan sa kaniya. Umikot ako at nakitang naka harap na siya sa akin.

“P-pwede ba tayong mag-usap?” dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Para akong nalililyo nang magbitaw siya ng gano’ng salita sa akin.

“A-ano kasi uhm” umatras ang kanang paa ko, hindi interesado sa sasabihin niya. Ayoko nang maulit ang nangyari sa akin noong nakaraang araw.

Napapikit ako nang humakbang siya palapit sa akin. Minuwestra ko ang dalawang kamay ko. Ang palad ko ang nakaharap sa kaniya. Bumaba ang titig niya doon, hindi ko binaba ang kamay ko at nagpakawala siya ng buntong-hininga.

“H-hindi Clary, mag-uusap lang talaga tayo. I-ikaw nalang bahala kung saan. P-pwed ba?” hiling niya. Ang pamilyar na mga ingay sa classroom namin ay unti-unti nang naririnig.

Mabibigat ang mga yabag sa hagdanan, panigurado ang mga ka-klase ko na iyon. binaba ko ang kamay ko at tumango sa kaniya. Bago pa makababa ang mga ka-klase namin ay siya ring paglabas naming sa building.

Sinawsaw ko ang kwekwek sa sauce na nasa paper cup. Nakaupo kami sa bakanteng upuan ng tindahan na nasa labas. Tuwing hapon kasi ay dagsa na ang mga estudyante sa labas ng campus para bumili ng iba’t-ibang mga streetfoods.

Maingay ang paligid dahil sa mga nag-uusa at nagtatawanang mga estudyante pero tahimik lang kaming nakaupo ni Ada. Imbes kasi na sa loob ng school kami mag-usap ay naisip kong mas maganda kung sa labas nalang. Nilibre ko siya ng kwekwek kahit na todo tanggi siya kanina.

When He Came✔️Where stories live. Discover now